Chapter 28.5: Syet na Malagket

330 19 3
                                    

Warning:  ang mga susunod na magaganap ay nagtataglay ng mga ‘horrible and gruesome scenes’. Hindi naman grabe pero baka kasi sensitive kayo. Kung hindi po ninyo kaya ang mga ganung pangitain, nagmamakaawa akong wag na lamang muna ninyung basahin ang chapter na ito at magproceed na lamang sa next chapter. Maiinitindihan pa rin naman ninyu ang takbo ng story kahit di mabasa ang chappie na ito, SANA. 

nyenye, first time kung nagpoint five. at me ipapakilala akong new character sa next chapter. XD

***

Wolfrik’s POV

Nilulunod na ni Wolfrik ang sarili niya sa pag-inom ng alak. Mag-iisang linggo na ring ganito ang ginagawa niya. Kailangan niya ang alak para makatulog. Para makalimot. Siya pa rin ang Alpha. Kahit na sobrang dami ng napatay niya…

*Flashback*

Nagising si Wolfrik na mukha ng kanyang ina ang bumungad sa kanya.

“Anak, bakit naman hindi mo sinabi sa amin?” pagkatapos nitong sabihin iyon ay mabilis na dumaloy ang masaganang luha sa mata ng kanyang ina.

“N-nai, nasan po si Faye?”

“Anak…”

“NASAAN SI FAYE?!”

Wala na. Sa hagulhol pa lamang ng kanyang ina, alam na niyang hindi panaginip ang lahat ng naganap. Wala na si Faye. Iniwan na siya nito. Pinatay ito ng sarili niyang lahi.

Nang ma-absorb ni Wolfrik ang katotohanang iyon ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang patayin ang lahat ng gumawa nito sa kanyang asawa.

Iniwan niya ang kanyang tumatangis na ina sa loob ng cabin niya.

Paglabas niya ng cabin ay naabutan niya ang halos lahat ng bahagi ng kanyang pack.

Maging ang mga Alpha ng ibang pack ay nasa labas din ng cabin niya.

Nilibot niya ang kanyang paningin…

At nahanap ng kanyang mata ang nag-iisang tao alam niyang dahilan ng lahat ng ito.

Sa ngiti pa lamang na nakalarawan sa mukha nito, halatang halata na ito ang dahilan ng lahat ng naganap.

Si Elder Bardalph.

“Wolfrik! I’m glad you’re awake now. Mapag-uusapan na rin natin ang nalalapit mong kasal.”

KASAL?! DAFUQ.

Sa totoo lang, gusto niyang patayin ang lahat ng nakikita ng mga mata niya ngayon. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili niya. Dahil alam niya sa sarili niya na hindi gugustuhin ni Faye na pumatay siya.

But I’m sorry Faye. I don’t think I can keep up with that.

Dahil alam niya sa sarili niya, grabe paulet ulet lang siya, grabe talaga ang nangyayari sa kanya, basta sa oras na makumpirma talaga niyang si Elder Bardalph ang puno’t dulo ng lahat ng ito, sisiguraduhin niyang hindi na ito masisikatan ng araw! Pan de leche talaga! Kanina pa talaga niya gustong pumatay ng lobo!

“Alam mo naman na mahina ang isang pack hanggat wala itong Luna. Kaya’t sa lalong madaling panahon, kailangang maganap agad ang kasal mo. Habang wala ako sa pack natin, may nahanap akong pack na nararapat lamang na maging bahagi ng pack—“

“FUCK YOU!!!!! ang bakla mong magsalita!!! fuck all of you!!!”

Hindi na napigil pa ni Wolfrik ang sarili niya. Hindi na din natapos pa ni Elder Bardalph ang sinasabi nito dahil sobrang higpit na ng hawak niya sa leeg nito.

The Bewitched WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon