Chapter XVIII: Epic Fail

487 29 5
                                    

Kanina pa nakahanda si Wolfrik. Alam niya kasing may tendency si Faye na maging excited sa mga sorpresa niya rito. Nais niya sanang manatili sa ibaba para makita ang reaksyon nito kapag nakita nito ang mga alitaptap. Naikwento kasi nito sa kanya na ang mga alitaptap na iyon lang ang kasa-kasama at kalaro nito noong bata pa ito.

Muling inilibot ni Wolfrik ang paningin niya sa buong paligid. Everything is perfect! The music, the wine, the very well-set blanket where she will be kneeling later like his she-wolf. His one and only she-wolf.

Pinagpatuloy ni Wolfrik ang pagmamasid sa paligid niya. Ayaw niyang may maligaw sa bahaging ito ng burol at maaring maka-istorbo sa kanila ni Faye. Hindi siya papayag na may ibang makakita sa katawan ng asawa niya mamaya kapag nagsimula na silang mahalin ang isa’t isa.

Hindi pa man eh sobrang excited na niya. Sana’y dumating na si Faye. Gusto na niyang makasama ito. Gusto na niyang sabihin at isigaw sa malawak na burol na iyon kung gaano niya ito kamahal.

Kaya nga niya napagdesisyunan na dito isagawa ang pagtatapat sa asawa ay upang malapit sila sa Panginoon. He will be taking her with the sky and the Gods above would see how much they love each other. And maybe, just maybe, the Gods above will pity them and save them from the wrath of their clashing clans.

Muli nilibot niya ang paningin sa paligid. Sinisigurong wala talagang ibang tao sa paligid. Hindi lamang sa possessive siya at baka may makakita sa katawan ng asawa niya mamaya, kundi masyadong dangerous iyon para kay Faye. May tendency kasing magliwanag ang katawan nito kapag nagme-make love sila. Hindi naman madalas mangyari iyon pero mabuti na iyong nag-iingat. Baka mamaya ay meron pala siyang isang pack member na nasa paligid at makita ang nangyayari sa katawan ni Faye.

Napalingon si Wolfrik sa likuran niya ng makarinig siya ng kaluskos mula roon. Sabi ko na nga ba’t maaga kang darating Faye… Nakangiting hinarap niya ang kanyang bisita.

Ngunit nagulat si Wolfrik sa nalingunan niya.

Ang kanyang best friend na si Adolff.

“Wolfrik.” Ngumiti ito at nilapitan siya. They did their brotherly gesture—meeting their fists and patted each others’ back.

“Bakit ka nandito?” tanong niya rito.

“Wow Wolfrik! I never thought na ganito ka pala ka-corny!” tumatawang tukso nito sa kanya.

“Haaay. Mabuti pa umalis ka na. Parating na si Faye.” Nakangiti ding sagot niya rito.

“Wolfrik, I think you shold stop this.” Seryosong sabi nito.

The Bewitched WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon