Chapter XXX: Face to face

324 19 11
                                    

A/N: I'm dedicating this chapter to cjan_432! Thanks for the votes! :)

sige. di na ako gagawa ng pov ek ek. nahihirapan ako eh kahit na nga ba naimpluwensyahan ako. mukang tama kasi ang sabi ni @Ladyromancer na mas magandang magstik sa sariling writing style. sinabi mo ba yun friend o nag-assume lang ako? haha humanda kayo sa primitibong pamamaraan ng pagsasalaysay!

another first: an update using my fone! panigurado magulo to.

***

"Hahaha!"

Hindi na napigilan pa ni Areinh ang matawa ng mapatalon sa gulat ang lalaki ng makita siya.. kanina pa niya ito sinusundan.

"Yan ang napapala ng mga taong hindi pa panahon na mapunta sa lugar na ito." nakangiting sabi niya rito. Hindi sumagot. Bagkus, tinitigan lamang siya nito.

"Dapat ka ng umalis sa lugar na ito. Hindi ka nararapat na manatili rito." seryoso ng sabi niya rito.

"N-n-no.. uhm, ah.. ano.. I'm sorry. I'm really sor--" at bumulagta ito sa harap niya.

Napakunot ang noo niya.

Dahan dahan siyang lumapit dito.

Alam niyang isa itong tao ngunit buhay pa ang katawang lupa nito.

Nasa isang maling lugar ang taong ito.

Ito ang Centerior. Ang lugar kung saan nanatili ang mga kaluluwang naghihintay sa kanilang reincarnation at makabalik sa tunay na mundo. Ang mga nasa lugar na ito ay may freewill na mamili kung nais ba nilang mareincarnate o manatili na lamang sa lugar na ito na tinatawag nilang Paraiso.

Sa kasamaang palad, kahit saang daigdig ka man nabibilang, palaging mayroong kasamaan. At yun nga ang Centerport-- ang kanlurang bahagi ng Centertory na pinamumugaran ng mga patay ng Black Witches. At ang mga Black Witches na yun ay naghihintay naman sa kanilang pagbaba sa impiyerno.

Isang malaking himala kung paanong nakapunta sa Centerior ang taong ito gayung buhay pa ito.

Napabuntong hininga na lamang siya bago pinikit ang kanyang mga mata. Kailangan niya ng tulong para mabuhat ang lalaking ito. Ima-mind message na lamang niya si Calypso.

Calypso, can you hear me?

Ilang sandali lamang nang maramdaman na niyang may nais makapasok sa utak niya.

She gave her permission and a little while later, she heard Calypso's voice.

What's up? - Calypso

I need help. - Areinh

Where are you? - Calypso

In the city. Near the highway. I'm at the park right now. I'll wait for you here. - Areinh

Alright. Be there in a jiffy. - Calypso

Thanks! - Areinh

Don't mention it. - Calypso

After 15 minutes ay nakita niya ang lumilipad na si Calypso. Opo! Lumilipad sila! Pero ang mga nakakagawa lamang ng ganun ay silang mga protectors. Ang mga trabaho nila ay siguraduhing maayos na mare-reincarnate ang mga kaluluwa at makabalik sa totoong mundo ng buo.

Ginugulo kasi ang Centerior ng mga taga-Centerport at pinipilit na ginagawang kapalit ng mga Black Witches. Ang mga tusong Black Witches! Nagpapanggap ang mga itong mga mabubuting nilalang at niloloko ang mga taga-Centerior. Sa huli tuloy, marami nang mga taga-Centerior ang siyang napupunta sa impiyerno at marami na ring mga Black Witches ang nare-reincarnate.

Bilang mga protectors, kailangan nilang siguraduhin na matigil na ang ganoong kalakaran.

Nang makalapag na si Calypso sa harap niya ay pinasadahan nito ng tingin ang nakabulagtang lalaki sa harap niya. Calypso's face was calm. This is his gift. He's good at hiding his emotions.

"Saan galing ang pangahas na ito?" walang kaemo-emposyong tanong nito. Pagkatapos nitong pasadahan ng tingin ang nakabulagtang lalaki ay tinitigan siya nito.

At nahuli siya nitong nakatitig sa lalaki.

Napailing-iling ito.

"Nagkagusto ka agad sa kanya? Ganun kabilis?" nagsalubong ang mga kilay nito.

Ito ang unang pagkakataong may nakita siyang emosyon sa mukha ni Calypso. Tila ba hindi nito gusto ang ideyang nagkagusto agad siya sa isang estranghero.

Napalunok siya at namula. Huli agad siya.

Hindi din niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon. Tila ba walang pagsidlan ang saya sa dibdib niya. Kanina pa lamang ng madaanan niya itong abala sa pagkuha ng mga damit sa sampayan nina Erda ay natatawa na siya.

Dapat sinita niya ito bilang isang mabuting protector ng Centerior. But instead of doing that, she was excited to aee his moves. Kaya sinundan niya ito at tuluyan na nga siyang natawa ng nakita niyang inopotan ito ng maya kanina.

Napailing na lang si Calypso at kinarga ang lalaki na parang sako sa balikat nito. Wala pa ring malay ang estranghero.

***

Unti unting nagising si Wolfrik sa ingay na nagaganap sa palogid niya.

Nasan na ba ko?

Nilibot niya ang kanyang paningin. May nakita siyang mesa malapit sa pintuan. May nakapatong doong lamb dish. Gutom na gutom na siya.

Ano bang nangyari? Bakit parati na lang akong nagigising sa isang bagong lugar at walang maalala? Ang alam ko lang, gutom na gutom ako!

Mabilis siyang tumayo at agad na kinain ang lamb dish sa mesa. His inner.beast was agreeing with his stomach right now and all he could think about is: to hell if this has poison! I am so hungry right now!

May nakita din siyang burger doon na nakabalot sa isang plastic. Binasa niya muna ang nakasulat sa plastic. Baka kasi may note doon o babala na wag kainin ang kahit anong makikita niya.

Ahh! Napaparanoid na ako sa kakapanood ng kung anu-ano!

Minute Burger 

Sulit Sarap Kasama! 

Open 24 HOURS--

Ahh! Pan de leche! Nag-advertise pa ako!

Mabilis niyang inalis ang plastic at kinain din ang burger. Nangangalahati na siya ng bumukas ang pinto at pumasok doon si--

"H-hi!" bati nito.

Nilunok na muna niya ang burger. *ubo ubo ubo* Pang! Yayari! Nabilaukan pa siya! Nakakahiya sa magandang binibini!

"Nagdala ako ng tubig." Iniabot nito sa kanya ang hawak nitong baso at naglapat pa ng kaunti ang mga daliri nila.

Ahh! Ganun lang o pero milyong boltahe na agad! Faye! Lumayo ka muna sakin. Wag mokong kausapin! Parang awa mo na! Matagal nakong tigang!

Mabilis niyang ininom ang tubig para kahit paano'y malusaw ang mga kamanyakan sa isip niya.

"May problema ba?" tanong nito.

"H-huh? Bakit? A-ano? Wala!"

Bakit me echo? Ahy letse! Nasa bibig ko pa ang baso! Saan na ba gumulong ang utak ko! Bakit parang shunga shunga ako?

Nilagay niya ang baso sa mesa at hinarap si Faye.

***

Parang awa niyo na. Magcomment kayo. Demanding na ba ako? Pero kasi nakakalungkot pag walang nagko-comment at puro boto na lang. Me silent readers ba ako? Kung sakaling meron, comment naman o kahit once in every chapter lang. Di ko alam kung draggy na ba o boring na ba ano. One more thing, di na ata mahahaba ang magiging uds ko kasi sa fone na lang.-_-

Oy ha! Walang pilitan. Lablab ko pa rin kayo kasi nanjan pa rin kayo! Pakiss nga! Sinong gusto ng isa pang ud? :*

The Bewitched WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon