Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
🆂🆃🅾🆁🆈
Umaalingawngaw ang hiyaw ng isang babaeng nakatali sa poste habang ang nasa paanan niya'y mga makakapal na kahoy at naglalagablab na. Ilang mga taong humihiyaw ng masasakit na salita sa babaeng nakatali.
"Ina!" hiyaw ng batang babaeng itinutulak ang mga taong nakaharang sa kaniyang dinadaanan.
May ibang nagutla sa kaniyang hiyaw pero hinahayaan siyang makarating sa unahan na makikita niya ang kaniyang ina. Lumalabas na ang laman nito na agad siyang kinarga ng isang bantay doon, at hindi na hinayaan pang makalapit sa babaeng nakatali. Ang iyak ng batang babae'y hindi na maririnig ng mga taong galit na humihiyaw.
Itinapon ang batang babae sa kuwartong walang bintana pero nakarehas ang isang dinding papaharap. Patuloy siyang naghihinagpis sa kaniyang nakita lalo pa't nararamdaman niyang wala siyang magawa para sa kaniya.
Walang oras na hindi siya umiiyak. Mas mahapdi ang nararamdaman sa dibdib kaysa sa pisikal sa maliit niyang kamay nais niyang hindi maging pabigat sa lahat. Nais niyang makatulong pero mas nais niyang makapiling ang mismong nagluwal sa kaniya.
"Ina. Isama mo na ako..." wika niyang ipinikit muli ang kaniyang mga mata.
Inalala niya ang nakaraan sa piling ng kaniyang ina. Ngiting hindi mabibili ng kahit ano, lakas ng tawang hindi kahit kailan mapipigilan...hanggang sa narindi siya sa hiyaw ng hinagpis kamakailan lamang.
Hindi mabilang na araw o oras, nakaramdam ang batang babaeng si Erina ng tubig sa kaniyang mukha, nang nabuksan niya ang kanyang mga mata'y lumulutang na siya't ang rehas na bakal ay bukas. Lumangoy siya papalabas ng kulungan at nakita ang lahat ng mga dumidiin sa kaniyang ina noon, ay halos umiiyak, humihiyaw ng tulong saka bakas sa kanilang mukha ang kawalan ng pag-asa.
Pumunta si Erina sa tahanan niya. Tahanang puno ng memorya ng kaniyang yumaong ina, ramdam niya ang galit sa ginawa ng mga taong nakikita niya sa labasan. Dahil kahit mataas ang tubig na lagpas tao'y ang kanilang tahanan ang nananatiling hindi pinapasok ng tubig.
Kahit mayroon silang dugong mangkukulam, kahit kailan hindi sila nananakit ng tao dahil sumpa iyon para sa mga kagaya nila. Binalikan ni Erina ang mga tao, lumangoy siya sa pataas na tubig para maligtas silang lahat, kahit ilan sa kanila'y mayroon pa rin puot sa kanilang dibdib.
"Bakit mo pa kami iniligtas mangkukulam?" iritang tanong ng matandang babae.
"Kahit pinatay ninyo ang nanay ko. Hindi ko magiging katulad ninyo," saad ni Erina saka binuksan ang pintuan ng kaniyang tahanan.
"Maaari kayong mamalagi sa tahanan namin ng aking ina. Tahanan ng mapagpatawad kung mayroon kayong poot sa inyong dibdib maaari na kayong umalis."
Pumasok ang ilan sa mga tinulungan ni Erina may isa na hindi pumasok na hindi niya inaasahang kapitan siya ng mismong tubig at hinigit papaloob ng bahang pataas.