🆂🆃🅾🆁🆈
KABANATA LIMA
Bumalik ng tingin si Jella sa kanyang tiyahin na nagsimulang maghanap ng lulutuin sa refrigerator.
"Kanina ko lang nalaman na ang pangalan ng asawa ko eh, Jella. Kakatawag lang ni Tita Marinela sa akin."
"Ah, making sure na talaga siya ha?" sambit ni Marites.
Hindi na nagreact ang dalaga bagkus inu-ubos na lang niya ang sariling gawa na soda float. Ilang minuto lang ang lumipas nang...
"Tao po!"
"Ah! Mangken pa check nga baka akin." Utos ni Marites na tumayo na rin si Jella saka nagtungo sa harapan ng gate.
Pinagbukasan niya ang lalaking naroroon at inabutan ng isang paper bag na malaki.
"Order po ni Sir Jaden Grent,"
"Kuya kasabwat ka ba?" tanong ng dalaga.
"H-ho? Ano?" utal niyang tanong.
"Ah! Order ko 'yan."
"Salamat Sir!" inabot ng lalaki kay Jaden na inabutan din siya ng 100 pesos na tip.
"Tara hal sa loob." Yakag ni Jaden sa kanya.
"Ano?"
"Fries 'tong order ko," ngiti niyang sabi.
Kinapitan ni Jaden ang kaliwang kamay ni Jella at hinigit na papaloob.
"Teka, anong tawag mo sa akin?"
"Tita fries!"
"Ah! Talaga naman kumpleto ah!"
Umupo na si Jella sa upuan na kung saan inu-ubos na lang niya ang soda float na ginawa ni Jaden, ipinaggawa ni Marites ng kanya-kanyang share ang dalawa niyang anak habang si Jaden ang gumawa ng sariling soda float ng dalawang bata. Nakituwang naman ang asawa ni Marites na si Raymond sa pagluluto, siya ang nagsisimulang magprito ng galunggong habang si Marites ang sa pagluluto ng gata.
Share sila ni Jella sa ibinukod ni Jaden na fries, na matapos kumain ng dalawa'y si Jella na ang naghain habang nagliligpit si Jaden. Napaliwanagan na rin kasi si Raymond ng asawa kung sino talaga si Jaden kaya hindi na siya nagtaka o pigilan pa ang binatilyo sa kanyang ginagawa. Habang si Jella hindi pa rin matanggap ang mga pangyayari kaya nananatili siyang tahimik.
Tahimik silang nakain dahilan ang ulam ng dalawang bata ay fried chicken habang sa mga matatanda'y pritong galunggong. Lahat sila nakakamay maliban sa dalawang bata at kay Jared. Napatingin si Jella sa kanyang tiyahin na nakangiti lang sa kanya.
"Dapat maturuan na si Jared kung paano kumain ng nakakamay," saad ni Marites.
"Para nga ang hirap," wika ni Jared
"Sus! Sa una lang iyon!"
"Kung gusto mong matuto maghugas ka muna ng kamay mo," singit na sabi ng asawa.
Tumayo si Jaden at naghugas ng kamay habang pinupunasan ni Marites ang bunso niyang anak na amus-amos ang mukha. Ipinakita muna ni Jella kung paano niya kukunin ang kanin gamit ang kamay, na nakakasunod naman si Jaden sa turo niya. Nakatapos na ang dalawang bata kaya medyo abala si Marites at Raymond sa kanilang dalawang malilikot pang anak.
"Kami na maghuhugas," wika ni Jella.
"Salamat!" ngiting wika ng tiyahin ng dalaga.
"Itikom mo iyong kamay mo tapos itong hinlalaki ang pang-adjust kung ikukuha mo't-ipangtutulak."
BINABASA MO ANG
One Shot & Short Story Collection
Acak[COMPILATIONS] A compiled many stories in one book. All plot in stories are my own and some of them are revised once again.