STORY #1

24 10 2
                                    

FALLING IN LOVE

FALLING IN LOVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🆂🆃🅾🆁🆈

Kakarating lang ni Haven sa Palacol Building at tila hindi maialis ni Janna ang kaniyang tingin sa binatilyo.


"Hoy!" binatukan si Janna na napasubsob siya.

"Aray ano ba?"

"Para kang tanga riyan."

"Che! Ang ingay mo."

"Gusto mong tawagin ko kamahalan? Tingnan mo ngingiti siya sa gawi ko kasi pogi ako."

"Hoy huwag--"

"Haven!" tawag ng binatilyo na tumingin sa kaniya na halatang nagutla saka ngumiti.


"See?"

"Ang pogi!" ngiting sambit ni Janna.

"Ng bakla," tumingin si Janna sa binatilyo.

"Kupal ka talaga noh?" iritang tono nito.

"Bakit ka pa tumitingin sa gusto ka lang kulutan e, naririto lang ako?"

"Nalilimutan mong kayo na ni Patricia?"

"Nalilimutan mong obssessed lang iyon kay Haven. Kaya pinili na lang niyang fafa ang hanapin."

"Hindi iyon totoo!" depensa ni Janna.

"Ewan ko saiyo, kapag ako biglang nawala. Hindi mo na ako makikita."

"Malamang tanga!" hiyaw ni Janna.


Napa-isip siya pero bumalik-tingin kay Haven.


"Ano ba ang pag-ibig? Hindi ba katulad nito?" tanong niya sa sarili.

"Alam mo sagot?"

"E? Janet?"

"Ang pag-ibig iyong lagi kang napapangiti at katuwang mo sa hirap. Parang sa mag-asawa lang, na mas maiging paliwanag e, the more na malapit saiyo iyong mahal mo the more na stable ang relasyon ninyo ganoon din ang pag-ibig."

"Dami mong alam hindi ka pa makapagtapat kay Jerome,"

"Shhh! Tumahimik ka nga riyan! So, ganito ang sitwasyon. Isipin mong kayo na ni Haven,"

"Okay,"

"Tapos nakita mo sa hindi kalayuan sina Jeiren at Angelica. Masaya, nagtatawanan, walang oras saiyo na kulitin ka or samahan ka sa problema or rant mo. Turing niya saiyo kaklase na lang, wala na iyong schedule nating tatlo na ghost hunting, at malimit niyang isinisingit sa kuwento si Angelica. Masaya ka ba talaga na maglaho ang friendship ninyo?"


Natigilan si Janna. Kakabalik lang ni Jeiren na may bitbit na rootbeer saka tatlong fries. Inabot niya kay Janna ang rootbeer na tinanggap ito pero halatang nag-iisip.


"Ay wow libre?" tanong ni Janet.

"Syempre, bayad niyan mamaya ko sisingilin."

"Waa! Puwede utang muna?" nakangusong tanong ni Janet.

"Hoy, nariyan na ang Haven mo." Tapik ni Jeiren sa balikat ni Janna.


"Hi! Saan ninyo binili iyan?" patanong niyang itinuro sa fries nilang kinakain.

"Doon sa may dulong kantina," tugon ni Jeiren sa kaniya.

"Sige salamat!" ngiting wika nito saka umalis.


"Aba himalang hindi mo tiningnan ang mahal mo ah!" sambit ni Jeiren.

"Kaya nga. Sayang ang pagkakataon oh!" sambit ni Janet.

"Ano ba?" hiyaw ni Janna, "Bakit ako titingin doon e, nasa harapan ko na ang mahal ko!"

"Eh? A-ano?" utal na tanong ni Jeiren.

"Ah! Te-teka..."

"Ayieee! So, busog na kayo kasi nag-confess na. Akin ang fries ha!"

"Hoy hindi! Ang pag-ibig sa puso napunta ang fries sa tiyan!" agad kinuha ni Janna ang kaniyang share na fries.

"Matakaw ka lang talaga," sambit na lang ni Jeiren habang nailing.


Pilit pa rin pinoprotektahan ni Janna ang kaniyang fries kay Janet nang natigil lang sila dahil naglagay ng apat na pirasong fries si Jeiren sa lagayan ng dalaga. Kinuha ni Janna ang isa saka isinubo sa binatilyo at hinalikan sa pisngi.


---WAKAS---

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxʀɪᴀ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

One Shot & Short Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon