🆂🆃🅾🆁🆈
KABANATA SIYAM
Walang tigil ang paghingi ng tawad ni Ronnie sa dalaga hanggang sa pumasok na si Jella sa loob ng kanyang klase. Halos ng naroroon ay babaeng narsing na nanatili lang si Ronnie sa labasan.
"Ma'am bakit po may nakasunod sa inyong estudyante?"
"Mukhang basagulero, ano pong kurso?"
"Pogi nga eh!"
"Tanga ka Des mukha kang pogi!"
"Ano pong seksyon Ma'am?"
"Ah, engineering seksyon A at 3rd year," tugon ni Jella.
Nagtahimikan ang mga nars na mga nakarinig, habang ang iba'y napakunot ng noo at nilapitan ang mga kaklase. Kinuha na ni Jella ang libro saka nagsulat sa board na kung saan chalk ang gamit niya imbis na puting board.
"Ano'ng nangyari?" tanong ng isang kaklase.
"Iyong nasa labas seksyon A na third year at engineering eh," tugon ng kaklaseng nakarinig ng sinabi ni Jella.
"Teka, bakit kasama ni Ma'am?"
"Mamaya na 'yan at magstart na tayo." Utos ni Jella.
Nagbalikan sa upuan nila ang mga estudyante na napansin na lang nila na nakatingin sa kanila lang si Ronnie, may ibang nakaramdam ng takot kaya sinenyasan na lang ni Jella ang binatilyo na medyo lumayo at pinaliwanagan na nadidistrak sila sa kaguwapuhan nito.
Nagtaka si Sir Galves na kung saan tahimik ang klase ng seksyon 3A nang kanyang sinilip tahimik lang talaga ang mga estudyante, na kahit mayroon itong ginagawa'y tahimik lang sila. Napansin ni Jaden ang guro pero hindi niya ito binati o tawagin. Nang lumapit si Galves ang guro sa seksyon 2B medyo ngumiti siya ng kaunti pero napawi rin.
"Himalang tahimik ng seksyon ninyo, napagalitan ba kayo ng dean?" tanong nito.
"Hindi po Sir," tugon ng babaeng kaklase.
"Narito po kasi ang Pres kaya..."
"Sino ba ang president?" tanong muli ni Galves na tumayo na si Jaden.
Tumango si Galves pero sumilip siya sa labasan na parang may pinagtataguan saka kinuha ang pentel pen saka nagsulat ng malalaking letra sa board na...
Target ni sir emilio ang bantay ninyong teacher mula sa nursing!
Nang mabasa nilang lahat ay agad niya itong binura. Napakunot ng noo si Jaden dahil matapos ibalik ng guro ang pentel pen tinapik ni Galves ang balikat ng binatilyo at bumalik na sa kanyang kuwarto. Nanatiling nakatayo si Jaden na ilang minuto'y nakita nilang kakadaan ni Sir Emilio sa kanilang kuwarto, nakangiti ito pero nawala nang hindi niya nakita ang dapat niyang makita.
"Aba! Himalang tahimik kayo?"
"Sir? Hiwalay ba kayo ng asawa mong si Ma'am Ferrer ng BSBA?" tanong ni Jaden.
"Hindi ah!"
"Eh, bakit ninyo parang hanap ang nagbabantay sa amin na taga-Nursing?" tanong pa ni Jaden.
Natigilan ang guro saka ngumiti at umiling, "Nako! Saan mo nakuha ang ideya na 'yan? Sa mga gurong gustong wasakin ang relasyon ko kay Ferrer kasi inggit sila? Iho, gusto ko lang bigyan ng buhay ang teacher ninyo dahil binubully ninyo siya."
"Not today. Saka Sir 'dba nasabi sa inyo ni Ma'am na mayroon siyang gangter na asawa? Baka mamaya ipapatay kayo kapag nakita niya kayo."
"Ang mga gangaster ngayon mostly nagtatago,"

BINABASA MO ANG
One Shot & Short Story Collection
Rastgele[COMPILATIONS] A compiled many stories in one book. All plot in stories are my own and some of them are revised once again.