Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sakay ng pampublikong bus, walang makita si Jella na bakanteng upuan kaya medyo lumalim pa siya ng pasok, at sa ikatlong hanay kahit may naka-upo sa tabi ng bintana na isang binatilyong halatang tulog; naka-cap itong itim habang nakatakip sa mukha para hindi mahalata kung nahagok siya o may laway na tumutulo.
Nang umandar na ang sasakyan, tumapat ang konduktor ng sasakyan at tinanong kung saan siya baba ilang minuto na kaka-puncher ng kunduktor ay inabutan si Jella ng tiketa. Pagbalik ng konduktor ay binayaran na niya agad ang kanyang tiketa saka inayos niya ang nasa loob ng kanyang bitbit na bag. Mayroong kaunting kalayuan ang kanyang trabaho sa tinitirahan ng kanyang tiyahin na si Marites, imbis na tren ang kanyang sakyan ay malimit siyang bus dahilan sa isang pangyayari noon na ayaw na niyang balikan.
Nagbukas ng tugtugin ang drayber habang naipit pa sila sa trapik pero hindi ina-asahan ni Jella na mayroong pumatong sa kanyang kaliwang balikat. Nang tingnan niya ito dahan-dahan, ang lalaking nakasandal sa bintana ay nakahiga na sa kanyang balikat. Napalunok siya ng malalim, pero hinayaan na lamang niya ang binatilyo.
"Grabeh talaga si Brent sa akin aba as in hindi ako hinayaang magbreak!" maktol ng isang babaeng katapatan ng bangkuan ni Jella.
"Paborito ka kasi niyang pagalitan, crush ka yata eh!"
"Kapal ng face ha? Hindi ko siya type. For I know habol lang niya ang katawan ko at hindi ako."
"Haba ng hair sana ako rin type niya."
"Kapag namigay ng number ibibigay ko saiyo right away!"
"Sino baba ng crossing diyan!" hiyaw ng konduktor.
"Ako po!"
"Halika na at malapit na matpaos ng trapik!" Utos nito na tumayo na ang babae bitbit ang pack bag niyang kulay pink na hello kitty.
"Nakita mo iyong bag noong bababa?"
"Oh? Pang bata? Please Rochelle bayaan mo na, wala ka bang magawa kung hindi lahat ng nakikita mo pansinin mo?"