🆂🆃🅾🆁🆈
KABANATA TATLO
Maagang pumasok si Jella na ang partikular niyang itinuturo ay Humanities ngunit pagkarating niya sa paaralan ay agad siyang pinatawag ng dean ng nursing. Nasa kabilang gusali pa kasi ang opisina ng dean, may kausap pa itong nars na nagwowork sa clinic.
"Sige Ma'am uuna na po ako!" paalam nito saka lumabas ng opisina.
"Ah, Jella, maigi na-receive mo teks ko saiyo."
"Bakit po Ma'am may problema ba sa naging grade ng isa sa estudyante ko?"
Umiling ang matandang babae na halatang magreretiro na pero nakasuot siyang puting t-shirt na mayroong coat na puti rin, habang pang-ibaba niyang de-garter na pants.
"Wala naman, gusto ko sanang ikaw ang maghawak ng black section na 4th year section B at gusto ko rin isingit ang ayaw hawakan ng mga guro ng engineer department, ang black seksyon nasa 4th floor iyon. Ang mga section 3A sa new building."
"Ah!"
"Narinig mo na rin pala ang chismis ukol sa seksyon na 'yon?"
Napatango na lang si Jella, "Parang sinabi ninyong magquit na ako sa work ko Ma'am..."
"Ano ka ba? Hindi noh! Baka makuha mo ang seksyon na 'to wala lang kasi ang guro nila dahil naka-leave."
Napabugtong-hininga na lang si Jella.
"Kapag nagustuhan ka ng mga third years aalisin na kita sa fourth, don't worry walang bawas ito sa suweldo mo."
"Sige ho, Ma'am."
Nagdiretcho si Jella sa ika-apat na palapag na nasa ika-apat na kuwarto ang mga tinutukoy ng kanyang head. Nakita niyang nagkakagulong parang mga first year high school ang mga estudyante pero dumiretso siya sa lamesa, nakita niya ang iniwang gawain kaya ibinaba muna niya ang kanyang bag saka isinulat niya ang gawain sa pisara.
Nagtahimikan ang buong seksyon pero nakarinig si Jella ng bungisngis, at sa kanyang paglingon sa mga estudyante isa sa kanila ang itinaas ang pentel pen na nabubura saka itinuro ang gamit niya...na hindi nabubura. Napabugtong-hininga na lang si Jella pero pinagpatuloy pa rin niya ang pagsusulat, irereport na lang niya ang pangyayari sa dean mamaya. Matapos niyang isulat ay ipinatong niya pabalik ang iniwan sa lamesa saka siya umalis.
Inireport ni Jella ang ukol sa pangyayari sa kanyang dean na napangiti ng kaunti saka siya niyakap, umuwi na lang siya dahil nagpaalam na rin siya na bukas na lang niya haharapin ang mga matitigas na ulong mga estudyante. Bumaba si Jella mula sa bus sa 7-eleven na bumili muna siya ng titsirya saka yumanig ang kanyang selpon. Nang sinagot niya ang tawag...
"Anak, nabalitaan ko sa tita mo na may bago kayong border na guwapo ah!"
"Ma, wala ako sa mood ngayon,"
"May nangyari na naman ba?"
"Yes, sa school. Akala ko kapag guro na ako itong mga bullies na 'to titigil na sila ng pangungutya...but, I'm wrong Ma."
"You can let that out anak, sasabihan pa man din kita about sa ginawa ko kaso mukhang wrong timing pa."
"Na?"
"I arranged a marriage saiyo."
"Aah...wait. What? Ano'ng sabi ninyo Ma?"
"I'm sorry anak ha?"
"Galit ba kayo sa akin? Am I not worth as your daughter para lang ipag-ayos ninyo ako ng isang asawa?"
"Anak naman...I'm not thinking that way. Kasi naman it's one chance na lang eager na rin ang lalaking ito since thirty six na siya."

BINABASA MO ANG
One Shot & Short Story Collection
Random[COMPILATIONS] A compiled many stories in one book. All plot in stories are my own and some of them are revised once again.