Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
sᴛᴏʀʏ
Tuwing alas tres ng madaling araw, nadidinig ni Danica ang irit ng boses babae, ngunit sabi ng kanyang ina isang guni-guni niya lamang ito. Isang linggo na ang lumilipas, hindi tumitiligil ang nadidinig ni Danica, ang malala pa'y nadadagdagan ang mga nadidinig ni Danica. Hindi na lamang pinapansin ni Danica ang mga hiyaw, at tinig na kanyang nadidinig tuwing madaling araw, ngunit sadyang ginugulo siya ng mga ito, hindi lamang sa kanyang araw-araw na gawain, pati na rin kapag siya'y napapalagpas sa malaking puno ng balite.
Isang araw, na utusan si Danica ng kanyang ina na bumili ng mantika sa tindahan ni Aling Marie. Katapatan ng tindahan ang malaking puno ng balite, dahilan sa mga bumibili doon, binibigyan nila ng ideya ang matandang may-ari na ipaputol ang puno.
"Aling Marie, pabili nga ako ng katol, dalawang piraso," saad ni Jonalyn at napalingon kay Danica, "Ah, ija ika'y mag-ingat pag-uwi mo, at baka ika'y kunin ng engkanto," turo ni Jonalyn sa puno ng balite, "Ikaw pa man din ay nag-iisa pabalik."
Pagkalingon ni Danica sa likuran, nakita niyang mayroong nakasandal na nilalang sa puno, nagulantang siya kaya sabay sabi nya na, "Huwag mong sandalan ang puno!" hiyaw niya sa kanyang nakikita, ngunit napakunot ng noo si Jonalyn nang bumalik-tingin siya sa puno ng balite.
"Sino'ng kausap mo, ija?" tanong ni Jonalyn, at tumingin pabalik kay Danica.
Hindi nag-usap si Danica at nakatitig lamang siya sa puno, doon lamang napansin ni Jonalyn ang pag-iibang kulay ng mga mata ni Danica. Napatalon siya patalikod, at napadanggi sa upuang mababa, na nasa kanyang likuran, at napatingin na si Aling Marie sa kanya.
"Ayos ka lang ba r' ha, Jonalyn?" tanong ng matandang babae na tumingin din siya kay Danica "Ija, ano'ng mayroon dyan?" tanong ng matanda kay Danica pero hindi rito siya sinagot.
Umalis na lamang si Jonalyn. Ilang minuto pa ang lumipas, bumalik-tingin si Danica kay Aling Marie.
"Pabili nga ng langis, Aling Marie." Wika ni Danica na palinga-linga siya sa kanyang pwesto.
"Ano ba iyon? At ika'y palinga-linga dyan?" tanong ng matanda sa dalaga.
"Mayroon po kasing nakasandal sa puno ng balite." Tugon ni Danica sa matanda, at inabot kay Aling Marie ang bayad, inantay ni Danica ang sukli pero imbis na barya lamang, ay mayroong kasamang nasa isang plastik na maliit at laman ay asin.
"Bitbitin mo yan papauwi, para na raw hindi ka nila makuha." Ngiting wika ng matanda at tumango na lamang si Danica tsaka umalis.
Bago siya umalis ng tuluyan, nasulyapan pa niya ang nakasandal sa puno ng balite, matangkad, mahaba ang buhok, at payat ang pangangatawan. Pero ang ikinataas ng balahibo ni Danica ay nakangiti sa kanyang gawi ang nilalang, hindi niya masasabing tao dahilan at mayroon itong buntot sa likuran, habang ang mga daliri nito ay hindi ordinaryo na makikita sa ibang kalalakihan.