Game 9: Space Abyss

43 6 0
                                    

FUMIKO'S POV:

TANGHALI na nang magising ako ulit at pagbaba ko ng hagdan, tanging si Tina na lang ang naabutan ko at malamang abala na naman sa pagtitinda si Mama at si Papa naman ay namamasada.

Napatingin si Tina sa akin at nagtatakang inusisa ako. "Tinanghali yata ang disney princess na tulad mo?"

"Ano bang pakialam mo kung tanghali akong magising? Bahay namin ito." Mapaklang wika ko at saka ako dumiretso sa kusina. Nadatnan ko si Kuya Fumiya doon.

"Kumain ka na." Sambit ni Kuya Fumiya nang makita niya akong pumasok sa kusina.

Nagkibit balikat na lang ako at saka lumapit sa fridge at naghalungkat ng makakain bago ako lumapit sa mesa at pasalampak na naupo sa silya.

"Siya nga pala, sasamahan kita bukas sa Heurtfiglia." Basag ni Kuya sa katahimikan ko.

"Ano namang gagawin mo dun?" Pabalang na tanong ko.

"Malamang ieenroll ka. Huwag nang matigas ang ulo mo, Fumiko."

Padabog na sunud-sunod akong sumubo ng kanin at ulam at hinayaan si Kuya Fumiya. Hindi naman matigas ang ulo ko pero ayoko pa rin sa Heurtfiglia!

Nang matapos akong kumain, agad akong lumapit sa lababo dala ang pinagkainan ko at ako na ang naghugas. Hindi pa rin umaalis ng kusina si Kuya at pinagmamasdan lang nito ang ginagawa ko.

"Aalis ka ngayon?" Ani ni Kuya dahilan para matigilan ako. Binitawan ko ang hawak kong plato at saka siya hinarap.

"Mula nang gumawa si Tina ng kwento tungkol sa akin nagkakaganyan ka na. Ano bang problema mo sa mga pinaggagagawa ko, Kuya Fumiya?"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Kuya at saka nito pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib nito.

"Hindi gumagawa ng kwento si Tina at isa pa kailan mo siya tatawaging Ate? Asawa ko siya, Fumiko. Learn to respect to a person who's old enough."

Napangiwi ako. "Ako ba nirespeto niyang asawa mo? Alam mo Kuya paprangkahin na kita, ah? Ayoko sa asawa mo at kahit na kailan hindi ko siya tatanggapin sa pamilyang ito. Wala rin akong pakialam kung masaya ka sa kanya pero huwag mo namang pakialaman ang buhay na meron ako. At tungkol naman kay Aries, hindi ko siya boyfriend kaya tigilan mo kaming dalawa."

Tinalikuran ko na si Kuya at saka pinagpatuloy ang paghuhugas ko ng plato. Nang dahil sa mga kwento ni Tina sa kanya nagkakagulo kaming magkapatid. Wala na rin naman akong pakialam doon as long as tahimik ang buhay ko.

Alam kong masama ang sagot-sagutin ang mas nakakatanda sa akin kaso sumusobra na sila. Hindi naman ako santo para lang manahimik sa isang tabi at hayaan na api-apihin lang nila ako. Dalawa na nga lang kaming magkapatid pero nagkakagulo pa kami dahil sa babaeng yun.

Nang matapos ko na ang gawain, agad akong bumalik sa kwarto ko para maligo at pumunta sa venue. Ito na ang huling araw para sa finals ng Fuseflight at makakamit ko na ang scholarship na gusto ko.

Pagkarating ko sa venue agad kong hinanap sina Aries at sa kabutihang palad ay nakita ko agad sila. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nagtatakang napatitig sa mahabang mesa na nasa ibaba ng entablado.

"Bakit may computer set?" Usisa ko nang makalapit sa ka-grupo ko.

"Computer daw gagamitin natin para maiwasan ang cheat code. Alam mo na magaling si Fuentes doon at ilan sa mga organizers ay I.T enthusiast." Sagot ni Aries sa akin kaya naman tinanguhan ko na lang ito.

"Space Abyss pumunta na kayo sa upuan niyo." Sambit sa amin ng isang staff na agad naming tinanguhan at pumunta kami sa kanang bahagi ng mesa at isa-isa kaming pumili ng upuan.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon