FUMIKO'S POV:
--
KUMALAT sa internet ang huling laro namin sa Alpha at pakiramdam ko gusto ko na lang magtago dahil sa mga taong nakatingin sa akin.
"Grabe, siya ba talaga 'yon?"
"One sweep ang ginawa sa grupo ng Alpha gayong mahirap silang pabagsakin."
"Ibang klase. Hindi ko alam na pwede palang tumanggap ng female player ang Howl."
Ilan lang 'yan sa mga katagang naririnig ko sa paligid. Maging ang page na ginagamit ko sa pagla-live stream ay dinumog na ng tao at halos malula sa bilis ng pag-angat ng followers nito.
Nagmamadali na lamang akong naglakad patungo sa classroom namin at pagdating ko, nagkukumpulan sina Chris sa isang sulok.
"Oy, majesty. Nandyan ka na?" Nakangising pagbati ni Fern nang mapansin niya ako kaya naman nagsalubong ang kilay ko at lumapit sa kanila.
"Anong meron?" Usisa ko bago ako naupo sa isang mesa.
"Trending ngayon sa buong bansa ang laban niyo ng Alpha," wika ni Chris.
Pinakita pa nito sa akin ang Ipad na hawak niya kung saan pinapanuod nila ang clip ng pangalawang laban ng grupo namin sa Alpha.
"Anong meron dyan at bakit nagtrending?" Nakasimangot na sambit ko bago ako humalukipkip.
"Hindi ba't ipinakalat sa campus ang pictures ninyo ng lider ng Alpha? Nagbigay pa nga siya ng statement. Tignan mo ito." Ipinasa sa akin ni Chris ang Ipad na hawak niya at saka pinindot ang play button.
"To those people who create rumors between me and the midlaner of Howl under the name of Majesty, let me clarify some things. She and I are friends and we don't have that kind of romance thing or what you call it. I did corner her before our second game because I was also curious why she became part of Howl's team and I was surprise on how she manage to defeat us. If ever you want to mess up with Majesty, talk to me first and never harm her. Understand?"
Nagsalubong ang kilay ko matapos sabihin ni Espiritu ang statement na 'yon. I wasn't expecting him to be my friend pero siya na mismo ang nagsabi.
Ibinalik ko kay Chris ang Ipad niya at saka ako nagtungo sa sarili kong mesa at pasalampak na naupo sa silya.
"Kung ano mang tsismis 'yang kumakalat, hayaan niyo sila. Si Espiritu na mismo ang nagsabi na walang namamagitan sa aming dalawa." Mapaklang wika ko.
"Nagiging sikat ka na Fumiko. Huwag mo kaming kakalimutan." Ani ni Jase.
"Oo nga, Fumiko. Kapag naging celebrity ka pa autograph kami ah?"
Napailing na lang ako sa kanila.
"Ewan ko sa inyo. Kung dati halos palayasin niyo ako dito sa room tapos ngayon magpapa-autograph pa kayo? Tigilan niyo nga ako." Biro ko sa kanila na may halong pang-aasar.
Nagsihagalpakan naman sila ng tawa sa sinabi ko.
"Akala kasi namin naliligaw ka lang ng building. Di naman namin akalain na dito ka talaga sa IT building." Paliwanag naman ni Chris na akala mo hindi ako pinagtabuyan noong first day of school.
"Oo nga, your highness." Dagdag pa ni Mario na siyang ikinairap ng mga mata ko sa kawalan.
"Tigilan niyo nga ako." Saway ko pa.
Nakakatuwa lang isipin na unti-unti nang nakikilala ng tao ang isang Fumiko Yamamoto pero hindi ko inaasahan na mali-link ako sa isa mga sikat na pro-player.
Gusto ko lang naman maglaro kasama sina Yakuji, David, Asher, Astaroth, Bugoy, at Aries. Yun lang ang gusto ko pero habang tumatagal, unti-unti nang lumiliit ang mundo ko sa e-sports.
BINABASA MO ANG
Clever Game (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...
