Epilogue

260 10 1
                                        

TAHIMIK na tinahak ko ang kalsada sa kailaliman ng mainit na sikat ng araw. Kakauwi ko lang galing states at imbes na magliwaliw ako sa Pilipinas, sandamukal na paper works ang pinadala sa akin.

Kaya naman nagpasya akong pumunta na lamang sa computer shop na malapit sa amin at sa kabutihang palad ay nakahanap naman ako agad.

Pagpasok ko pa lamang sa loob ng computer shop, agad kong napansin si Damon na nakapangalumbaba sa upuan habang nakatingin ito sa isang babae na abala sa paglalaro ng computer games. Tuluyan na akong humakbang papasok hanggang sa makalapit ako sa counter nang hindi inaalis ang paningin ko sa dalawa.

"Oh, Thunder? May kailangan ka?" ani ni Dexter nang mapansin ako nito.

"Pa-print nga ako." Ibinigay ko kay Dexter ang USB ko nang hindi inaalis ang paningin kay Damon at sa babaeng kasama nito.

Ang bilis kasi ng mga kamay nito habang pinapakinggan ang sinasabi ni Damon at ang damuho ay feel na feel naman ang paglapit nito sa dalaga. Nakaramdam ako ng iritasyon dahil sa tagpo na 'yon.

"Kung ako sa'yo Thunder, lapitan mo na si Fumiko at magpakilala ka sa kanya imbes na titigan mo ng masama si Damon na parang gigilitan mo siya sa leeg."

Bumaling ang atensyon ko kay Dexter na ngayon ay abala na sa kanyang computer.

"Who's staring at who, Dex? I don't care about Damon," humalukipkip ako at saka sumandal sa counter na nakapagitan sa amin ni Dexter. He's Damon's big brother and both of them are my cousins.

"Sus, kunwari ka pa. Kitang-kita ko kung paano mong titigan ng masama si Damon,"

"It's just your imagination. Bilisan mo na lang dahil ipapa-mail ko 'yan ngayon." Ngumisi na lamang si Dex dahil sa iritasyon na mahihimigan sa aking tinig.

Pasimple ko na lamang na sinulyapan si Damon at ang babaeng kasama niya. I've never seen Damon talked with someone especially with a girl at mukhang nakuha ng babae ang interes ni Damon dahil madali lang itong turuan.

"O ayan, bente lahat."

Napa-igtad ako nang ilapag ni Dexter ang papel na pinaprint ko kaya naman sa inis ko nilatagan ko siya ng isang libo.

"O ayan, ambag ko sa business mo, letse ka!"

"Ayos mo talaga pinsan. Kaya ka pinagpapala, eh."

Inambahan ko na lang ng suntok si Dex pero tumawa lang ito at saka ako nagpasyang umalis na lang at hindi na sinulyapan pa si Damon at ang babaeng kasama nito.

Isang linggo lang ang pananatili ko sa Pilipinas at sa edad kong labing-apat, sa college na ako nag-aaral at isa pa sa mga pinakasikat na paaralan sa ibang bansa.

Masyado kasi akong matalino at hindi ko naman na kailangang mag-aral kaso isa 'yon sa requirements ng pamilya namin bilang certified assassin. Ayoko sanang mapabilang sa ganoong uri ng pamumuhay but I don't have a choice because I was born as a Dierkshed at main branch pa ng pamilya.

Wala akong kalayaan sa gusto kong mangyari sa buhay kaya habang nagbibinata ko, pinipili kong magpaka-rebelde kahit na alam kong paparusahan lang ako ng parents ko.

Nang maipadala ko ang paper works ko, agad akong umuwi ng bahay pero pagkarating ko, ang hampas ng latigo ang siyang sumalubong sa akin.

"Who told you to get back in this country, Thunder Clyborne!?" nanggagalaiting sambit ni Mommy habang hawak-hawak ang latigo sa kanyang kamay.

"No one. I did it of my own--" hindi na natapos ang sasabihin ko nang muling humagupit ang latigo niya at tumama 'yon sa mukha at dibdib ko dahilan para mapunit ang suot kong t-shirt kung saan tumama ang latigo niya.

Clever Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon