Game 2: Weds

223 10 0
                                        

FUMIKO'S POV

HINDI maipinta ang mukha ko habang nasa loob ng opisina ni Mayor. Hindi ko aakalain na mabilis ipoproseso ang kasal ni Kuya Fumiya at Tina kaya wala kaming nagawa kundi ang sang-ayunan ang gusto ni Kuya na maikasal sa Tina na 'yon.

"Ma, gusto ko nang umuwi." bulong ko kay Mama habang nakaupo kami sa isang sofa na nasa loob ng opisina ni Mayor.

"Magtigil ka nga Fumiko. Pupunta ka lang naman sa computer shop ni Brent."

Sa gusto kong maglaro ng computer games kaysa makasama si Tina. Hindi ko talaga gusto ang hilatsa ng mukha niya at hindi rin ako sigurado kung si Kuya nga ang Ama ng dinadala niya.

Wala akong experience tungkol sa mga love love na 'yan pero hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga nasangkutang isyu ni Tina noong nag-aaral pa sila ni Kuya at isa pa hindi na ako bata para hindi maintindihan ang nasa paligid ko.

Napanguso lang ako habang tahimik na nakaupo sa sofa. Nagpapalitan na ng singsing si Kuya at Tina at parang gusto kong masuka sa kaplastikan na meron siya.

"You may now kiss the bride." sambit ni Mayor, hudyat yon na tapos na ang kasal.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at basta na lang akong lumabas ng opisina at iniwan sila doon. Hindi naman ako kailangan dahil hindi naman ako kasali sa magpipirma.

Agad akong lumabas ng munisipyo at naglakad palayo doon. Dumiretso ako sa computer shop ni Kuya Brent at pagdating doon ay maraming tao.

"Oh, Fumi? Saang sagala ka galing?" Bati sa akin ni Aries nang makita ako nito. Nakatambay ang lalaki sa labas ng computer shop ni Kuya Brent habang kumakain ng lollipop.

Napatingin ako sa suot kong pink dress na abot hanggang taas ng tuhod at sandals sa paa ko.

"Loko. Hindi ako galing sa sagala, sa munisipyo ako galing."

"Ano naman ang ginawa mo do'n?"

"Kasal ni Kuya at ni Tina," mapaklang sagot ko at saka ako naupo sa gilid ng kalsada na hindi alintana kung madumihan ang damit ko. Nakasuot ako ng cycling kaya ginaya ko ang upo ni Aries na nakataas ang tuhod at nakapabukaka ng upo.

"May handaan?"

"Ang yaman mo pero patay gutom ka? Sa restaurant sila pupunta at wala akong balak makipag-celebrate."

"Bakit naman?"

"Duh? Hindi ko close si Tina at wala akong balak na makipag-close sa kanya kahit sa bahay na siya titira."

Hindi umimik si Aries, bagkus hinayaan lang ako nitong magmukmok sa gilid ng kalsada.

Una pa lang nang makita ko si Tina sa University ay hindi ko gusto ang ugali niya lalo na ang mga naririnig ko sa kaliwa't-kanang lalaki nito.

Ang masaklap pa, napunta ito sa kapatid ko at pinakasalan pa nga dahil magkakaanak ang mga ito.

"Tara, dota?" untag sa akin ni Aries na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko.

Tumingala ako sa lalaki na nginangatngat ang tangkay ng lollipop na parang toothpick.

"Tinatamad ako, 'ries," sagot ko rito.

"Tsk! Tara na nang mawala yang pagkabusangot mo. Ang panget mo pa naman." Hinila ni Aries ang braso ko at pwersahan ako nitong itinayo at saka kami pumasok ng computer shop.

"Nag-date ba kayong dalawa?"

Umangat ang kilay ko nang bumungad sa amin si Kuya Brent na may dalang walis tambo.

"Mukha ba kaming mag-syota para mag-date?" Pabalang na sagot ko at saka ako humalukipkip sa harapan ni Kuya Brent. Pinagkrus ko ang aking braso sa ibabaw ng dibdib ko.

Clever Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon