FUMIKO'S POV:
Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng kwarto ni Chris at bumungad doon ang grupo nina Rusty kasama pa ang iba pa naming kaklase at nagulat ako nang makita sina Bugoy at Aries kasama sina Yakuji, David, Asher at Astaroth.
Pumasok silang lahat sa kwarto ni Chris at nagmukha kaming sardinas dahil sa siksikan. Yung iba umupo na sa kama ni Chris.
"Yo, Chris. Balita ko lalabas ka na?" Bati ni Rusty bago ilapag ang dala nitong prutas sa kama ni Chris.
"Malay ko? Bakit mo alam, doctor ka ba?" Pamimilosopo naman ni Chris.
"Narinig ko lang doon sa magandang nurse na kausap namin sa reception desk." Nakangising sambit naman ni Rusty.
Napangiwi naman ako sa pagiging babaero nito.
Pareho silang fourth year ni Chris pero pinili nilang manatili at mukhang ayaw nilang ewan ang batch namin. Gaya ng sabi ko, hindi kami pare-pareho ng year level pero nasa iisang section lang kami at hiwalay ang batch namin sa lahat ng IT course.
"Fumiko, how are you feeling?" Bumaling sa akin si Yakuji nang lumapit ito sa pwesto ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng hoodie jacket ko at nag type doon.
"Okay lang ako. Bakit kayo nandito?"
"Fumiya told us to fetch you. And uh, we're having a game with a group named BloodBath Bunnies. We told about this to your brother and he said okay but it's all up to you if you want to continue to be part of our group." Nag-aalangang sambit ni Yakuji.
Mula nang magkaroon ako ng trauma, naging maingat silang lahat sa akin na para bang ayaw nila akong padapuan kahit langaw o lamok man lang. Bantay sarado nila ako kahit saan ako magpunta o kahit sa c.r ay naghihintay sila sa labas.
Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nila pero naiintindihan ko naman 'yon dahil ibinilin ako ni Kuya kina Yakuji at Aries kapag nasa loob ako o labas man ng campus.
Muli akong nag type sa cellphone ko at iniharap 'yon kay Yakuji.
'Sige. Ayos lang sa akin. Kailan tayo aalis?"
Napakamot sa sariling batok si Yakuji at parang nag-aalangan pa rin ito dahil sa kondisyon ko. Kung maglalaro nga naman kami sa pro league, hindi ko sila mabibigyan ng instruction dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.
"Sa makalawa." Sagot na lamang ni Yakuji.
Nginitian ko naman ito at saka tumango sa kanya at muling nagtype sa cellphone ko.
'Sabihin mo sa iba pa na magkakaroon tayo ng pagtitipon mamaya tungkol sa BloodBath Bunnies. Hindi ako maglalaro pero sasama ako sa China. Ako ang magsasabi kung ano ang gagawin niyo.'
Nagsalubong ang kilay ni Yakuji. "Are you sure about that?"
'Hindi ako matalino at hindi din ako bobo pero alam ko ang ginagawa ko. Hindi tayo makakapaglaro ng maayos kung hindi ko kayo mabibigyan ng maayos na strategy kung ako ang nasa laro dahil hindi naman ako makapagsalita.'
Biglang gumuhit ang lungkot sa mukha ni Yakuji at saka ko lang napansin na nasa amin na pala ang atensyon nila kaya naman nagtatakang napatingin ako sa kanila.
"Ehem. Mukhang si Finnegan lang ang kinakausap ni Fumiko. Share naman dyan?" Pang-aasar pa ni Chris.
Naningkit ang mga mata ko at mukhang ipinagpipilitan nila na boyfriend ko nga si Yakuji.
"Uh, sorry. We were talking about our next game for the pro league and I am asking her if she wants to play but she said she can't since she can't talk." Paliwanag ni Yakuji.
BINABASA MO ANG
Clever Game (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...
