FUMIKO'S POV:
"KUYA!?"
Isang malakas na busina ang bumingi sa tenga ko at ilang pulgada na lang ang layo ng gulong sa katawan ni Kuya at dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Magpapakamatay ka bang bata ka!?" Pareho kaming napalingon ni Kuya at ang mukha ni Papa ang nakita namin. Magkasama sila ni Mama mula sa pagtitinda at mukhang si Papa ang muntikang makabangga sa katawan ni Kuya.
"H-Hindi Pa, k-kinakausap ko lang si Fumiko. Napapadalas kasi ang pagsama niya kay Aries imbes na tulungan si Mama sa pagtitinda." Paliwanag ni Kuya.
Agad na bumaba si Papa mula sa traysikel at si Mama naman ay bumaba na rin.
"Bakit dito pa kayo sa kalsada nag-uusap? Paano kung nabangga kita ha? Nag-iisip ka ba!?" Galit na singhal ni Papa dahilan para pareho kaming mapayuko ni Kuya.
"Pumasok kayo sa bahay!" Sigaw pa ni Papa dahilan para mapaigtad ako kaya naman nauna akong pumasok at sumunod sa akin si Kuya.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Fumiko. Magbihis ka muna." Bulong pa nito sa akin at saka ako dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko rin napansin si Tina at wala akong pakialam sa babaeng yun.
Nang makapasok ako sa kwarto ko agad akong nagcharge ng phone ko at nakita kong may text message si Aries kaya naman agad ko itong tinignan.
'Napagalitan ka? Sorry kung hindi kita naipagtanggol.'
Nagsalubong ang kilay ko pero hinayaan ko na lang at saka ako pumasok ng banyo para maligo. Haharapin ko muna ang pamilya ko bago ang ibang bagay dahil naiinis na ako sa kapatid ko.
Tahimik na nakaupo lang ako sa single couch habang si Kuya Fumiya at Tina ay nasa mahabang sofa nakaupo. Tinignan ko ng masama si Tina dahil parang nanunuya ito habang nakatingin sa akin.
"Fumiko.." Tawag ni Papa sa akin dahilan para bumaling ang tingin ko sa magulang kong nakaupo sa kabilang single couch. Sa arm rest nakaupo si Papa habang nasa tabi naman niya si Mama. "Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ng Kuya mo?"
Humalukipkip ako sa kinauupuan ko at iniwas ang paningin ko sa kanila. "Siya ang may problema sa akin Pa, bigla na lang niya akong hinablot sa braso kanina tapos binintangan pa akong buntis at si Aries daw ang Ama. As if naman magagawa ko yun? Kaibigan ko si Aries."
"Bakit nga ba lagi kang nasa bahay nina Aries?" Usisa naman ni Mama.
"Diba nagpaalam ako sa inyo na lalaban kami sa isang mobile game sa sport complex ng baranggay? Inaya ako Bugoy at Aries, isa pa hindi lang naman si Aries ang kasama ko sa bahay nila dahil naroon din si Bugoy, Yakuji at David."
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Papa at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Kuya Fumiya.
"Alam mong wala kang mararating sa ganyang larangan, Fumiko. Bakit hindi ka na lang manatili rito sa bahay at tulungan mo ang Mama mo sa pagbebenta ng kakanin? Malapit na rin ang pasukan at hindi ka pa nakaka-enroll dib?"
Nanikip ang dibdib ko dahil wala silang tiwala sa kakayahan na meron ako. Ilang beses na silang sinampal sa akin ang katotohanang wala akong mararating sa mundo ng e-sports pero ito ang buhay ko at papanindigan kong nagkamali sila sa pangmamaliit nila sa larangan na pinili ko.
"Scholarship ang nakasalalay sa laro na 'yon Pa at gusto kong mag-aral sa L.A University. Gusto kong kumuha ng computer programming at gusto kong gumawa ng sarili kong laro. Kahit ito man lang sana suportahan niyo diba?"
"Wala ka ngang mararating sa ganyan, Fumiko! Kailan mo ba isasaksak sa kukote mo na walang kwenta yang pinaggagagawa mo!?" Singhal na sambit ni Kuya Fumiya kaya naman pagalit na nilingon ko ito.
"Wala pa dahil nagsisimula pa lang naman ako! Hindi lahat ng mga bagay na gusto natin ay madali nating makukuha. Kaya nga pinaghihirapan kong makuha ang scholarship na gusto ko at suporta niyo lang ang hinihingi ko pero hindi niyo maibigay!" Marahas na nagtaas baba ang dibdib dahil sa bigat ng aking paghinga.
Ni katiting na suporta wala akong makuha sa kanila at gusto pa nila akong pahintuin? Ito na lang ang kasiyahan na meron ako. Maayos naman ang pag-aaral ko noong high school eh at hindi ko sila binibigyan ng sakit ng ulo bukod sa paglalaro ko sa computer shop ni Kuya Brent.
"Sa susunod na araw ay magi-enroll ka sa Heurtfiglia at hindi ka pwedeng tumakas para lang maglaro sa lintik na mobile games na yan!"
"Magi-enroll ako pero hindi sa Heurtfiglia!" Pag-aapila ko kay Kuya Fumiya.
"Huwag kayong magsigawan na dalawa. Kumalma nga kayo." Saway ni Mama sa aming magkapatid kaya naman napaiwas ulit ako ng tingin sa kanila. "Fumiko, ito na ang huling pakiusap ko sayo. Sa susunod na araw magi-enroll ka sa Heurtfiglia."
"Ayoko! Sa L.A University ako mag-aaral! Tapos na ang usapan na ito!" Padabog na tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagmartsa paakyat ng hagdan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Papa sa pangalan ko pero hindi ko sila pinansin at nang marating ko ang kwarto ko, pabagsak kong isinara ang pinto no'n at agad kong nilock.
Lumapit ako sa kama ko at pabagsak na humiga doon. Hindi ko alam kung bakit tutol sila masyado sa ginagawa ko gayong ito lang namang ang gusto ko. Ang magtayo ng sarili kong gaming company at makilala sa buong mundo bilang pro player.
Tumakas ang luha mula sa mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong malunod sa kalungkutan hanggang sa makatulogan ang sakit ng kalooban na siyang nararamdaman ko.
Kinabukasan, nakarinig ako ng mahinang katok mula sa labas ng kwarto ko kaya naman naimulat ko ang mga mata ko kaso ramdam ko yung pamamaga at antok.
Wala sa sariling bumangon ako mula sa kama at nakapikit na pinagbuksan ko ng pinto kung sino man ang nasa labas.
"Anak.." Boses ni Mama yun at kahit nahihirapan akong magmulat, ginawa ko pa rin.
"Anong kailangan mo, Ma?" Tinatamad na taong ko rito at saka bumalik sa kama ko at padapang kinuha ang phone ko nago hinugot yun sa charger. Alas sais pa lang ng umaga at ang aga naman yatang mambulabog ni Mama?
Pumasok si Mama sa kwarto ko at marahang isinara ang pinto. Naglakad ito palapit sa kama ko at naupo sa tabi ko.
"Alam kong nagtatampo ka sa amin, pero anak gusto mo ba talagang mag-aral sa L.A University?"
"Wala naman kayong tiwala sa akin kaya ako na lang ang gagawa ng paraan para mapag-aral ko ang sarili ko. Hayaan niyo na ako, Ma. Magtatapos pa rin naman ako kahit wala ang suporta niyo. Kapag nanalo kami sa Fuse Flight, papasok sa dorm ng L.A University at doon ako mananatili. Ayoko na rito sa bahay."
Hinawakan ni Mama ang kamay ko at ginagap yun. "Huwag kang magsalita ng ganyan, anak. May tiwala kami sa'yo. Ang sa amin lang, walang patutunguhan ang gusto mong mangyari. Alam mo namang sakto lang ang pamumuhay natin araw-araw diba? Tulad ngayon may asawa na ang Kuya mo at ayoko namang dalhin niya ang mga responsibilidad dito sa bahay gayong may pinagkakakitaan naman kami ng Papa niyo. Manganganak rin si Tina."
"Yun na nga eh, ako lang naman ang pabigat dito sa bahay. Kapag nanalo kami nina Bugoy hahayaan niyo akong gawin ang gusto ko."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Mama at saka ito tumayo mula sa kinauupuan.
"Bibigyan kita ng huling pagkakataon, Fumiko. Kapag pumalpak ka sa gusto mong mangyari magi-enroll ka sa Heurtfiglia, susundin mo lahat ng sasabihin namin maging ng Kuya mo. Kumain ka na sa baba, nakahanda na ang pagkain. Hindi ka naghapunan kagabi kaya malamang gutom ka na."
Tinalikuran ko na lang si Mama at saka ako muling nahiga sa kama para ipagpatuloy ang tulog ko. Mamayang hapon ang finals ng Fuseflight at makakalaban namin ang grupo ni Fuentes.
BINABASA MO ANG
Clever Game (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...
