Game 7: Mobile Tournament

176 8 0
                                        

FUMIKO'S POV:

--
INTENSE ang laban mula sa sampung grupo na naunang sumalang sa elimination round. Halos kabado ang lahat dahil sa ganda na ipinapamalas ng bawat kupunan. Masasabi kong hasa talaga sila lalong-lalo na sa larangan ng e-sports.

Tahimik na nanunuod lang ako sa tabi ni Aries at Bugoy nang biglang magsalita si Bugoy sa tabi ko.

"Okay ka lang?" ani ni Bugoy dahilan para bumaba ang paningin ko rito.

"Oo naman. Bakit?" balik na tanong ko rito.

Sa tagal ko nang naging kaibigan si Aries at Bugoy minsan ko lang makausap ng matino si Bugoy kung hindi tungkol sa computer games at pustahan.

"Wala naman. Napansin ko lang na parang malungkot ka yata? Parang hindi ikaw 'yung Fumiko na nakakasama ko sa computer shop."

Ngumiti ako kay Bugoy. "Grabe. Ganun ba ako kahalata?"

"So, may problema nga?" Paninigurado niya pa.

Nagkibit-balikat lang ako at saka muling tumingala sa screen.

"Hindi naman siya problema. Nagkatampuhan lang kami ni Kuya dahil sa asawa niya. Sumusobra na kasi sa pagiging kontrabida. I mean, dati pa man galit na ako sa babaeng 'yon at hindi matanggap ng sistema ko na pinakasalan siya ni Kuya."

"Normal lang naman 'yan sa isang pamilya lalo na kung may bagong salta. Alam mo Fumiko, kung may problema ka pwede ka namang magsabi sa amin ni Aries eh. Magkakaibigan tayo rito."

Muling bumaba ang paningin ko kay Bugoy na nakatitig na pala sa akin. Kaya naman muli ko itong nginitian at saka iniakbay ang braso ko sa kanyang balikat.

"May matino ka rin palang nasasabi no? Akala ko puro pustahan lang nasa utak mo?"

Pagak na tumawa si Bugoy at saka hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop yun sa kanyang daliri dahilan para makaramdam ako ng ilang.

"Matino ako, Fumiko. Mas trip ko lang talagang makipagpustahan sayo." aniya dahilan para matawa kaming pareho at saka muling ibinalik ang atensyon sa monitor na nasa taas ng court nang magsimulang mag-ingay ang paligid dahil tapos na ang isang mesa.

"Woah! Akala ko maghihintay kami ng isang buwan bago kayo matapos? Grabe ang intense ng laban!" ani ng Host at saka pinasalamatan ang dalawang grupo.

Sunud-sunod na rin natapos ang iba pa kaya naman tumayo na kaming lima dahil susunod na kaming sasalang.

"Know your boundaries, Bugoy." Napalingon kami ni Bugoy kay Aries nang hilahin ako nito palapit sa kanya. Saka ko lang napansin na hawak pa rin pala ni Bugoy ang kamay ko kaya napabitaw ako rito.

Bugoy cleared his throat as he placed his hands inside his pocket.

"Sorry, di ko napansin." Bulong ni Bugoy pero rinig ko naman at saka ako bumaling kay Aries kaya naman pinangunutan ko ito ng noo.

"Problema mo?" usisa ko.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Aries at saka hinagod ang tuktok ng ulo ko na para akong aso.

"Nothing. Just a little warning for that snitch. Tara na?" aniya at saka sumunod kay Yakuji at David na nauna na pala sa ibaba at kaming tatlo na lang ang hinihintay kaya naman napapailing na sumunod na lang rin ako.

Pagkarating namin sa mesa, agad kaming pumwesto ng pabilog at saka namin nilabas ang phone namin.

"May dala kayong powerbank?" usisa ko dahil hindi ko masyadong naicharge phone ko kanina.

"I have one." Boluntaryo ni David at saka binigay sa akin ang maliit na powerbank na kasya lang sa bulsa. Nagpasalamat ako rito at saka sinaksak ang wire ng charger ko sa maliit na aparato.

Clever Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon