FUMIKO'S POV:
--
DINALA ako ni Kuya Fumiya sa opisina ni Kuya Aqueros kasama si Thud. Kahit isa ay wala akong narinig mula sa mga taong nakasaksi sa kamiserablehan ko kanina at mukhang sanay sila sa ganoong eksena. Ni hindi ko man lang natanong kay Kuya at Thud kung sino ang mga taong 'yon at kung bakit pati sina Yakuji ay nandito.
"Si Tina ay isang kasapi ng organisasyon na humahabol sa grupo na kinabibilangan ni Thunder Clyborne," basag ni Kuya Fumiya sa katahimikan ko dahilan para mapatingin ako dito.
Nakaupo kami sa silya na nasa harapan ng mesa ni Kuya Aqueros habang si Thud naman ay nakatayo lang sa isang sulok malapit sa kinauupuan ni Kuya Aqueros na tila isa itong bodyguard.
"Organisasyon? Tulad ng?" Kunot-noong usisa ko kay Kuya Fumiya.
Napatingin si Kuya sa mga taong kasama namin bago nito muling ibinalik ang atensyon niya sa akin. "Dirt Circle. Isang sindikato na pinamumugaran ng mga mamamatay tao at si Thunder ay kabilang naman sa grupo ng mafia na pinamumunuan ni Aqueros,"
Nahigit ko ang sarili kong hininga dahil sa narinig ko.
"I-Ibig sabihin?"
"Yes. We are inside their territory at hindi mo kailangang matakot dahil kaya ka nilang protektahan. Ang dahilan kung bakit pinakasalan ko si Tina ay dahil balak niyang patayin ka. Hindi ko 'yon sinabi sa'yo dahil kailangan ko siyang bantayan sa loob ng bente-kwatro oras at ang pagbubuntis niya ay isang kathang-isip lamang. Si Papa at ako lang ang nakakaalam sa plano naming ito habang si Mama ay walang ideya sa mga nangyayari."
"Mom is also part of the branch family of Dierkshed, isang angkan na hinubog para maging isang magaling na assassin o mamamatay tao sa kinabibilangan nilang mundo."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga isinisiwalat na rebelasyon ni Kuya Fumiya sa harapan ko.
"Hindi natin kamag-anak si Dierkshed dahil nasa main branch sila ng pamilya at hindi rin totoo na hindi kilala ni Papa ang angkan niya. Meron tayong pamilya sa japan at kasapi sila ng Hyakki. Si Iori ay pinsan natin, Fumiko,"
"Si Tina ang inatasan ng Dirt Circle sa misyon na ito para ligpitin ka dahil naging mahigpit na kaaway ni Papa noon ang isa sa mga lider ng Dirt Circle. Itinuring kang sagabal sa kanilang plano dahil tulad ni Iori, isa ka rin sa magiging tagapagmana ng Hyakki,"
"T-Teka, ano naman ang Hyakki?" Naguguluhang sabat ko sa pagsasalita ni Kuya.
"Isa ring sindikato sa Japan. Kinatatakutan ang grupo na 'yon sa bansang 'yon at ang Lolo natin ang siyang namumuno sa grupo."
Nasapo ko na lamang ang sarili kong noo at pilit na pinuproseso ang mga sinasabi ni Kuya.
"Kung balak akong patayin ni Tina? Bakit hindi niya ginawa noong ilang beses kaming magsagutan sa bahay?"
"Dahil alam niya ang kayang gawin ni Mama oras na saktan ka niya. Lahat ng away natin ay nasa plano para paniwalain si Tina na nasa panig niya ako, ang kaso nga lang humarang ang anak ni Mayor. Noong nasa kolehiyo pa lang kami ay interesado na talaga sa kanya si Thanos sa kanya at mahal niya si Tina pero masyadong nabulag si Tina sa pera at sa kagustuhan niyang maisakatuparan ang kanyang misyon."
Kung ganun, matagal na palang may balak na masama sa akin si Tina? Hindi niya lang magawa dahil nandoon si Mama?
"Kailan sinabi sa'yo ni Tina ang bagay na 'yon?"
"Uh, noong mag-celebrate tayo ng birthday ko matapos ang laro namin sa Alpha. Hindi ko naman siya pinaniwalaan noon pero nang dukutin niya ako sa China doon lang nagtugma ang sinabi niya sa akin."
BINABASA MO ANG
Clever Game (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...
