FUMIKO'S POV:
--
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay na naririnig ko sa mula sa ibaba ng bahay at mukhang may nagkakagulo. Pupungas-pungas ang mga matang bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili ko.
Nang tuluyan na akong magising, agad akong lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako nang sabay kaming lumabas ni Asher sa kani-kaniyang kwarto at gaya ko inaantok pa ito.
"Good morning Asher, kailan ka pa dumating?" Bati ko rito at saka isinara ang pinto ng kwarto ko. As usual he's not wearing anything except his boxer shorts kaya naman lantaran sa harapan ko ang pang-modelo nitong katawan.
"I just got home at 3 in the morning and I am still sleepy but I heard some noise so I don't have a choice but to wake up. By the way, good morning too."
Nahigit ko ang sarili kong hininga nang walang atubiling hinalikan ako ni Asher sa pisngi. Bukod sa Kuya ko at kay Papa, walang ibang humahalik na lalaki sa akin.
Naunang naglakad papuntang hagdan si Asher kaya naman sumunod na ako rito na parang robot. Nadatnan namin sa ibaba na tila may komusyon at nagtataka ako kung bakit nandito sa boot camp si Sir Rent at Thunder Clyborne.
"Sa tingin mo ba ganun na lang kadali para tanggapin ka namin ulit? Huwag kang tanga!" Nanggagalaiting sigaw ni Yakuji na siyang ipinagtaka ko.
Napansin ko ang isang bulto ng tao na nakasalampak sa sahig at mukhang ito ang kausap ni Yakuji. Napapalibutan rin ito nina David, Sir Rent at Thud. Si Astaroth ay wala dito at mukhang sabay-sabay silang umuwi kaninang madaling araw.
"What is happening here?" Usisa ko dahilan para mapalingon silang lahat sa akin at nakita ko ang lalaking nakasalampak sa sahig.
Umangat ang isang kilay ko nang mamukhaan ang lalaki. Sa pagkakaalala ko, nakita ko siya sa bayan namin noong magkaroon ng kompetisyon sa Fuse Flight. Anong ginagawa niya rito?
"This has nothing to do with you, Fumiko. Unakyat ka sa kwarto mo." Parang Tatay kung makapang-utos si Yakuji. Hawak ni David sa braso ang lalaki at nakakuyom ang kamao nito at mukhang siya ang dahilan kung bakit nasa lapag si Fuentes.
"I have the rights to get what is mine, Finnegan," ani naman ni Fuentes.
Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila kaya nanatili na lang ako sa tabi ni Asher na walang pakialam kung wala siyang suot na damit. Samantalang sina Yakuji, David, Sir Rent at Thud ay pawang mga pormal ang suot.
"Wala kang pagmamay-ari sa boot camp na ito Fuentes kaya pwede ba umalis ka na lang!?" Singhal ni Yakuji.
Tumayo mula sa pagkakasalampak si Fuentes at sinamaan pa nito ng tingin si Yakuji bago ito tumalikod at lumabas ng bahay. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin namin, agad na nagsalita si Asher.
"What the hell is he want this time?" Inaantok na tanong ni Asher pero kahit isa wala kaming nakuhang sagot nang maglakad si Yakuji paakyat at napaigtad ako nang marinig ang malakas na pagbagsak ng pinto nang kwarto ni Yakuji.
"Fuentes wanted to go back to our team but Yakuji didn't allow it." Ani ni David kaya bumaling ang atensyon ko sa kanya. "Naalala mo 'yong sinabi namin sa'yo during Fuse Flight competition? Na tinanggal si Fuentes dahil sa pandaraya niya? It was our team na muntik nang mapunta sa blacklist dahil sa kanya. At sinisisi ni Fuentes si Yakuji na ito ang nagsumbong sa organizers. Hindi naman na nakapagtataka kung malaman ng organizers because we are in a high technology basis and in just one wrong move malalaman nila agad. Even Rent here can testify that Fuentes used a cheat code inside the game."
Napatingala na lang ako kung saan naroon ang kwarto ni Yakuji. I don't know what's the real story between them and I don't want to meddle their own problems. Malalaki na sila at kaya na nilang harapin ang ganoong problema.
"Siya nga pala, anong ginagawa niyo rito ni Sir Rent?" Baling ko kay Thud at Sir Rent.
"We're not inside the school's premises Ms. Yamamoto. You can just call me Rent," ani ni Rent at saka ko napansin ang iPad nito na lagi niyang dala.
"Oo nga naman Fumiko at isa pa hindi bagay kay Rent na tawaging Sir." Sabat naman ni Thud. "Anyway, I came here because I wanted to talk to the team for the upcoming game in Indonesia and I hope you are all prepare to this event."
Muntik ko nang makalimutan na si Thud nga pala ang Boss namin at ito ang nagmamay-ari ng TCD Tech na siya ring nagpapaaral sa amin ni Bugoy.
"Ngayon na ba mag-uusap?"
"Nope. Later at 2 in the afternoon since Rent and I are going somewhere. Ipinaalam ko lang para sabihin na rin sa inyo and tell the others na magkakaroon kayo ng practice game with the other players. And also, you will be having a press conference at CDC Entertainment to announce the player's line up na ipapadala ko sa Indonesia," ani pa ni Thud.
Tinanguhan ko na lang ito at saka nagpaalam ang dalawa na babalik na lamang para pag-usapan ang nalalapit na preliminary rounds ng Fuse Flight. Ito na ang araw na magsisimula ang totoong laban ko sa mundo ng e-sports.
Nang makaalis sina Rent at Thud, agad akong pumunta ng kusina para magluto at hindi na pinansin pa si Asher at David. Kahit inaantok pa ako, mas pinili ko na lang na magluto dahil marami kaming gagawin ngayong araw at wala akong ideya sa mga magaganap bukod sa schedule namin na sinabi ni Thud.
Habang nagluluto ako, naramdaman kong may ibang tao sa kusina kaya naman napalingon ako at ang bulto ni Yakuji ang bumungad sa akin.
"Sorry about what happened earlier. I didn't mean to wake you up because of the commotion that Fuentes and I did." Ani ni Yakuji bago tuluyang makapasok sa kusina. Mukhang kalmado na siya kaya naman naupo ito sa isa sa mga bakanteng silya at ipinatong ang parehong braso nito sa ibabaw ng mesa.
"Wala ka naman dapat ipaghingi ng pasensya dahil hindi ko naman inaasahan na pupunta dito si Fuentes," sagot ko bago ko inilipat sa plato ang hotdog na niluluto ko. More on fried kami tuwing umaga at isa pa kompleto naman ang stocks namin ng pagkain araw-araw kaya hindi ako namomroblema sa mga lulutuin ko.
"He wanted to go back to the team because he wants to take a revenge from me. It wasn't my fault if he was kicked out from the team, it was Thud's decision."
Pinatay ko muna ang stove bago ko hinarap si Yakuji at saka inilagay sa mesa ang mga pagkaing niluto ko. Kanin, hotdog, fried egg, ham at tocino lang ang inihanda ko. Nagtimpla na rin ako ng gatas na para sa akin at kape para kay Yakuji.
"Sa pagkakaalam ko si Thud ang may-ari ng TCD Tech at siya ang Boss natin. Ibig sabihin nasa sa kanya ang decision sa loob ng boot camp tama ba?"
Marahang tumango si Yakuji sa akin matapos kong ilapag sa kanyang harapan ang tasa ng kape na ginawa ko bago ako umupo sa bakanteng silya na nasa harapan ni Yakuji.
"Yes. But no one knows that the person behind that company was under the name of Thunder Clyborne. He doesn't want to brag about it because of his reasons we don't want to talk. David, Asher, Astaroth and I knows that Thud owns the TCD Tech company."
Umangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Yakuji. "Matagal na ba kayong magkakakilala nina Thud?"
"I don't wanna spoil you with so much information about us Fumiko. I'm sorry but I can't tell you the reason behind our relationship with Thud,"
Marahan na lamang akong tumango kay Yakuji at hindi na nag-usisa pa. Masyadong misteryoso ang mga kasama ko at mukhang wala silang balak na sabihin sa akin ang tinatago nilang pagkatao. Siguro hahayaan ko na lang na kusa silang magkwento sa akin at isa pa bagong salta lang naman ako sa boot camp nila at ang tanging pangarap ko lang ay mapabilang sa mundo ng e-sports.
Agad ko nang tinawag sina David at Asher para sabay-sabay na kaming kumain. Noon ko lang nalaman na hindi pala umuwi si Astaroth dahil may ginagawa pa raw ito sa ibang bansa sa hindi ko malamang dahilan. Ayoko rin naman nang magtanong at baka sabihin nilang masyado na akong usisera sa personal nilang buhay.
Nang matapos kaming mag-agahan, agad na akong bumalik sa kwarto ko para maligo dahil pupunta kami ng CDC Entertainment. Ito ang unang beses na papasukin ko ang sikat na Entertainment sa buong bansa at kapit-bahay lang namin ito. Tinawagan na rin pala ni David sina Aries at Bugoy para ipaalam sa mga ito na magkakaroon kami ng press con para sa pagpili ng best of five sa nalalapit na laban.
BINABASA MO ANG
Clever Game (COMPLETED)
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...
