CHAPTER 9
"Na na na na na na
Na na na na na
Wala na kong paki basta, bahala na
Na na na na na na
Na na na na na
Alam ko lang kasi minamahal kita
At kahit pa sabihin na
Sa 'kin 'di ka itinadhana
Na na na na na na
Na na na na na
Mahal kita kasi kaya bahala na..."Maganda ang gising ko kaya may pakanta kanta pa akong nalalaman habang nag aayos ako ng gamit dahil aalis ako ngayon para dumalaw sa ampunan. Sinabihan kasi ako ni Manager (Ms. Hannah) na magday-off daw ako ngayon dahil alam niya daw na hindi madali ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw sa kamay ni Harris at tumpak na tumpak siya sa parteng iyon. Kokontra pa sana si Harris nung sabihin iyon ni manager pero wala na siyang nagawa dahil pasensiya na lang siya at mukhang sakin kampi si manager! Bwahahaha!
Gusto niyo bang malaman kung anong nangyari this past few days? Eto lang naman...
Thursday (kinabukasan pgkatapos niya akong pahirapan sa paglilinis)
- Ginising ako ng may topak kong amo ng sobrang aga para samahan siyang magjogging dahil bilin nga daw ni manager na hindi siya pwedeng umalis ng walang kasama. Ok lang sana sakin nung una dahil naisip ko advantage din sakin to dahil magkakamoment na kaming dalawa na parang nasa isang teleserye na nagjojogging na couple at makakapag exercise na din ako dahil feeling ko nananaba na ko. Nagjojogging din naman ako kasama yung mga bata dati pero paminsan minsan lang iyon kapag day off ko.Kahit pupungas pungas pa ko ay sinabayan ko na sa pagjojogging tong masungit kong amo. Akala ko hindi kami masyadong magtatagal pero wengya, nakailang rounds kami ng paikot sa labas ng condo na hindi ko alam kung gano kalaki!!! Kaya naman pala ang ganda ganda ng katawan ng lokong to, ganito pala gawain niya kapag may free time siya! Ang tagal pang mag water break kaya naman kahit mamamatay na ko sa pagod at uhaw eh hindi ako makatigil dahil hindi pwedeng maiwan itong mag-isa dahil baka biglang may makakilala at pagkaguluhan siya.
Pero feeling ko double purpose itong jogging na to para sa kanya eh. -.-" Una ay siguro gawain niya talaga to para maging physically fit siya at ang isa niya pang dahilan ay para asarin ako at patayin ako sa pagod na siguradong ikabubunyi ng kalooban niya! Aba yung lokong iyon, nakikita ng halos lumawit yung dila ko sa pagod eh ngingisian lang ako at mas bibilisan pa ang pagtakbo niya at ako naman, parang aso niya na habol ng habol sa kanya.
Sobrang nanakit ang katawan ko buong maghapon at buti naman pagkatapos naming magjogging ay konting linis at pagluluto lang ang inatupag ko at kahit papano ay nakapagpahinga pa din ako.
Friday
-Binulahaw niya na naman ako ng pagkaaga aga para hilahin na naman ako sa pupuntahan niya at alam niyo ba kung saan? Sa gym lang naman. -.-"Napakautak talaga ng bruhong iyon at hindi niya man lang ako sinabihan kung saan kami pupunta kaya naman hindi ako nakapaghanda. Statement shirt, pants at chucks ang porma ko at sobrang out of place ako nung nandun na kami.
Akala ko nung una, ok lang yung suot ko dahil tutunganga lang naman ako sa kanya pero nagulantang ako nung pati ako ay sinali niya sa pagwowork out at pinagdidiskitahan din ako nung trainor niya! Napaka uncomfortable ng suot ko para sa pagwowork out at wala akong dalang pamalit na damit kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ansama ng tingin niya sakin nung tumanggi at magreklamo ako.
Buti na lang at mabait yung trainor niya kaya pinahiram ako ng extrang damit pero nung iabot na sakin yung damit ay napaatras ako dahil yung inaabot saking pangpalit ay katulad nung mga nakikita kong babae ngayon na tutulo na ang laway sa katitingin sa bosing ko at akala mo nang aakit pa! Hindi ko kasi alam ang tawag kaya idedescribe ko na lang sa inyo. (hindi ko alam kasi ngayon lang naman talaga ako makakaranas pumasok at mag work out sa gym -.-") Yung pang itaas is parang bra lang sya na style sando at isang SHORT shorts! Hindi ako sanay magsuot lalo pa kung may ibang taong makakakita dahil di ko alam kung bagay ba sakin yun at syempre, hindi ako ganong kaconfident na ibandera ang katawan ko dahil baka antaba ko pala! T.T
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. SUPERSTAR (JaDine) #Wattys2016
RomanceAng kwento ng mala roller coaster at mala fairytale na kwento ni Aria Julienne Ramirez. :) Ang paghanap nya kay Mr. Right at ang malaking pagbabagong magaganap sa buhay nya dahil sa pagiging P. A. ng love of her life/buhay fangirl na si Harris Terre...