CHAPTER 1
"Julienne may order na sa table number 6!"
"Julienne paki linis ang table number 9!"
"Julienne paki serve naman to sa table number 4!"
Sa araw-araw, ganyan lagi ang eksena ng buhay ko. Kuha ng order doon, serve ng order dito at linis ng mga mababakanteng table. Pag closing time naman, linis ng mga table at sahig at kung kaya ko pa, nagliligpit din ako ng mga plato. Ganyan kabusy si Aria Julienne Ramirez. Isang 18 year old at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang karinderya pero wag nyong ismolin ang karinderyang pinagtatrabuhan ko dahil sikat din to kahit papano at lagi kaming punuan kaya naman sobrang busy namin lagi kahit madami kaming trabahador dito.
Ulilang lubos na ko kaya naman sa Angel's Haven na ako tumira. Ang Angel's Haven ay isang ampunan at batay sa kwento nina Mother Superior sakin, iniwan lang daw ako sa may gate ng ampunan. Unfortunately, walang nag ampon sakin kaya naman nagsumikap akong mag-aral mabuti upang makakuha ng scholarship at ito ang naging susi para makatapos ako ng elementary at highschool sa mga school na may kamahalan. Sinikap kong magtrabaho kahit papano para wala ng maging problema sakin ang mga sisters pagdating sa baon. At kapag may sumusobra pa, itinutulong ko na ito sa ampunan dahil medyo dumadami na din ang kinukupkop ng ampunan kaya kailangan ng mas malaking budget. :)
Madami dami na din akong pinasukang racket---nag umpisa ako bilang carwash girl, helper sa isang salon, part time-kasambahay, freelance singer, service crew sa isang fastfood chain, janitor, baby sitter, yaya ng mga spoiled-brat na bata at ang trabaho ko nga ngayon na silbidora sa isang karinderya. Sa dami dami ng mga nirakitan ko, buti ay di ko pa napasok ang mag construction worker at I'm proud to say na never akong pumasok o nagtrabaho sa immoral na paraan dahil ang sabi nga ni Mother Superior, di bale ng mababa ang kitain ko basta ito ay galing sa marangal at malinis na trabaho. :) Di ko din maisip kung pano ko nagawa lahat ng racket kong yan habang isinasabay ko ang pag-aaral ko. XD Biro nga sa akin ng mga bata sa ampunan, daig ko pa daw si Superwoman kumayod. Hahaha :D
Well, so much with my history. :) Eto ako ngayon naglalakad at as usual, naghahanap ng pwede kong maging racket pandagdag ipon ko para makapagtuloy ako ng pag-aaral sa pasukan. By the way highway, ako po ay incoming 3rd year Accountancy Student sa isang may kamahalang university kaya eto at todo ipon ako para hindi ako makapag stop sa pag-aaral. :)
"Ay grabe! Napaka pogi talaga ni Harris noh! May bago na naman syang endorsement kaya isa na namang napakalaking billboard ang pagnanasaan natin tuwing dadaan tayo dito! Kyaaahhh!", narinig kong sabi ng isang babae kaya naman napatingin ako sa kanila at tila nagniningning pa ang mga mata nya habang nakatulala doon sa billboard.
"Agree ako dyan sis! Makalaglag-lahat talaga si Papa Harris ko noh? Balita ko wala syang girlfriend kaya nako, pag talaga nakita ko sya sa personal, ibabalandra ko sa kanya ang beauty ko at sinasabi ko sayo sis, maiinlababo sakin si Papa Harris my labs!" , pangisay ngisay pang sabi ni Ate na akala mo ihing ihi na o tinamaan ng kidlat. -.-"
"In your dreams sis! Sakin kaya sya maiinlove dahil di hamak na mas maganda naman ako sayo noh! Kami ang magkakatuluyan!" - Ate 1
"Wag mo ng lokohin ang sarili mo sis dahil alam naman nating mas maganda ako sayo!" -Ate 2
"Bla bla bla bla bla bla--------" -Ate 1 at Ate 2 na di na nahiyang mag-away sa gitna ng kalye dahil lang kay Harris. -.-"
Nagpatuloy na ko sa paglalakad at lumayo na sa dalawang nangangarap ng gising na yon ng mapatingin ako sa billboard na sinasabi nila.
Well, hindi naman talaga mapagkakailang napaka pogi talaga ni Harris. Aaminin ko na isa ako sa mga fangirl na nagkakandarapa sa kanya. Pero di naman ako super nagpapakagastos para sa kanya noh! Meron lang akong isang poster nya sa kwarto ko at isang beses na nasulyapan ko siya sa isang mall habang kasama yung alaga kong naiinitan daw sa fully-airconditioned nilang bahay at nag ayang mamasyal sa mall. -.-"
Makinis na balat, magandang buhok, magandang kilay, matangos na ilong, brown eyes at kissable lips---adonis na adonis ang dating. Idagdag mo pa ang maskuladong katawan at ang height nyang pangbasketball player, hmmmmmmm super yummy talaga nya! *0* ay erase erase! Ano ba yan natutulad na ko sa dalawang yon na nagdedaydream sa gitna ng kalye! XL Focus Julienne! Focus! Trabaho ang hinahanap mo, hindi yummy na prince Charming!
Pagkatapos kong kurutin ang sarili ko para bumalik sa reyalidad ay biglang may bumangga saking babae na may dalang napakaraming flyers at dahil sa lakas ng pagkakabangga nya sakin ay tumilapon lahat ng mga papel na hawak nya at nagmistulang umuulan ng papel mula sa langit ang nangyari. Nagkanya kanya namang kuha ang mga taong dumadaan din sa kalyeng iyon at pooofff! Tapos ang trabaho ni Ate! Napamigay na lahat ng flyers nya ng ganung kadali! XD hahaha
Napatingin naman ako sa papel na nakuha ko. At parang hulog din ng langit ng mabasa ko ang nakasulat sa flyers, isang job hiring!
"WANTED: Personal Assistant, 18 years old & above, atleast highschool graduate, mapagkakatiwalaan at MAHABA ANG PASENSYA
To those who are interested, please contact 09*********"
Maliit na papel lamang iyon at napakunot ang noo ko sa mga qualifications lalong lalo na ang naka capslock na mahaba ang pasensya. Hmmmm, ano kayang trabaho ito at ganito lang ang qualifications pero parang pinaka nirerequire ay ang mahabang pasensya?
Magtuturong magsalita ang daga? Magbabantay ng pagong? Mag-aalaga ng spoiled na mayamang aso? O magbabantay ng puntod? Grabe, kung ano anong naiisip ko! XP
Pagkatapos kong mag isip isip ay kinuha ko ang aking cellphone at dinial ang numero sa papel. Makalipas ang ilang rings ay may sumagot na dito. "H-Hello?" Utal kong sabi ng marinig kong pinick up yung tawag.
"Yes hello?"
"Ahmm kayo po ba yung naghahanap ng Personal Assistant?"
"Oh yes! Thank God that someone got interested! Mag-aapply ka ba?"
"-------------------------
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. SUPERSTAR (JaDine) #Wattys2016
RomantizmAng kwento ng mala roller coaster at mala fairytale na kwento ni Aria Julienne Ramirez. :) Ang paghanap nya kay Mr. Right at ang malaking pagbabagong magaganap sa buhay nya dahil sa pagiging P. A. ng love of her life/buhay fangirl na si Harris Terre...