CHAPTER 11Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng magtrabaho ako kay bossing. Nasanay na din ako sa buhay sa showbiz kahit na well, di naman talaga buhay artista kundi bilang isang alalay.
Syempre, dahil isa akong dakilang alalay, hindi ako pwedeng magpahinga agad hanggang hindi pa tapos ang trabaho ni bossing.
Minsan kasi, inaabot talaga kami ng halos 18 hours o halos dalawang araw na rin na straight na lagari ng trabaho like photo and commercial shoots ng iba't ibang magazines at endorsement at taping ng iba't ibang palabas. Naaawa na nga ko minsan kay bossing dahil paidlip idlip lang na tulog ang nagagawa nya every break time at halata na din ang pagod sa mukha nya. Pero kahit ganon, I really admire on how he can manage to look fresh and stress-free in front of the camera. Alam kong hindi lang yun dahil sa make-up na nilalagay sa kanya but it's also his aura that really do the works. Para bang ipinanganak talaga siya para sa mundo ng showbiz at para sa camera.
Kung si bossing ay maunti lang ang tulog na nagagawa, pano pa kaya kami ni manager? Kami talagang dalawa ang patayan dahil halos di kami natutulog sa trabaho. Hindi naman kasi pwedeng sabayan namin si Harris sa pagtulog dahil minsan, may mga kailangan kaming asikasuhin para sa resume ng trabaho tulad ng pag aayos ng mga gamit, pagpili ng wardrobe at pakikipag coordinate sa direktor at mga staffs.
Noong una, halos umiyak na ko dahil gustong gusto ko ng matulog hanggang sa nakasanayan ko na din dahil kay manager. Bukod sa nahihiya ako na matulog tapos si manager ay hindi, nakita ko kasi ang dedication ni manager sa trabaho at pag aalaga kay Harris kahit na stress na stress na siya. Kaya tuwing pahinga ni bossing, nagkakape na lang kami ni manager at chika chika sa kung anu anong bagay. Buti na lang talaga at madaldal din tong si manager at surprisingly na hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. Nakakatuwa din dahil paboritong paborito niya ang specialty ko daw na timpla ng kape.
Sa ilang buwan kong kasama sila, unti-unti ko nang nakikilala si manager at bossing. Saulo ko na kung anong mga gusto at ayaw nila. Kung anong paboritong kainin ni bossing, kung anong mga routines ni manager, kung paano ihahandle ang pagsusungit ni Harris at kung paano tanggalin ang stress ni manager. Slowly, nalalaman ko na di naman pala ganong kasama ang ugali ni bossing, slight lang. Haha. Syempre, sa tulong na din ng ilang tips ni manager kaya kinakaya ko ng ihandle si Harris ng mag-isa kapag wala si manager.
Actually, medyo tamed na sakin si bossing. Siguro nasanay na din siya sa kakulitan at kaingayan ko daw at kahit papano eh behave na siya sakin although di pa rin nawawala yung pangtitrip niya sakin.
Tanda nyo pa ba nung isinama niya ko sa gym? Ayun, tuloy tuloy pa din yun kapag may free time siya. Ang masaklap nga lang, pati ako sinasali niya sa kalokohan kaya pati tuloy ako nagwo work-out na. Well, infairness, advantage ko din naman yon dahil fit ako ngayon ng hindi butas ang bulsa dahil libre nya! Buti na lang talaga at pinagtitripan niya lang ako dun sa sabi niya na ibabawas niya daw yun sa sweldo ko! Aba dapat naman talagang hindi ako mabawasan dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ako naggigym noh!
Anyways, balitaan ko naman kayo tungkol sa ampunan. Thank God dahil maayos ang lahat ngayon doon dahil malaking tulong ang kinikita ko ngayon dahil nasusuportahan ang lahat ng pangangailangan ng mga bata. Sobra sobra pa nga daw sabi ni Mdme. Superior kaya may savings pa sa bangko ang ampunan kahit papano.
Dahil nga medyo matagal tagal na din ako sa trabaho ko, minsan nakaka extrang kita pa ko kapag napapa extra ako sa ilang shoots at taping ni bossing. Kapag kailangan ng mga lalampas lampas, kailangan ng tambay, kailangan ng mga usisero o kaya naman mga chismosa. So technically, artista na din pala ako! Hahaha. Well, so far, yun pa lang naman yung mga nagiging role ko pero malay natin di ba, pangshowbiz pala ang beauty ko! Hahaha. Chararat!
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. SUPERSTAR (JaDine) #Wattys2016
RomantikAng kwento ng mala roller coaster at mala fairytale na kwento ni Aria Julienne Ramirez. :) Ang paghanap nya kay Mr. Right at ang malaking pagbabagong magaganap sa buhay nya dahil sa pagiging P. A. ng love of her life/buhay fangirl na si Harris Terre...