CHAPTER 8

61 6 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para lumabas ng kwarto at makita ang pagmumukha ng lokong yun. Simula kasi nung nagtatakbo akong pumasok sa kwarto ko ay di na ko lumabas ng kwarto ko.

Aba, hinding hindi ko sya kayang harapan hindi dahil nahihiya ako sa kanya kundi dahil baka kung ano lang ang magawa ko sa kanyang loko loko siya! Pasalamat talaga siya dahil malakas talaga ang paninindigan ko dito sa trabaho ko kaya kahit gustong gusto ko na syang bugbugin kahapon pa eh hindi ko ginawa. At maalala ko, hinding hindi ko din pala magagawa yun dahil artista nga pala to. 😑 Baka ipakulong at ako naman ang kuyugin ng mga fans kung magkapasa itong bruhong ito. 🔥

So eto nga, kakatapos ko lang magluto ng breakfast ng amo ko at maya maya pa ay naririnig ko na ang yabag nya. Huminga muna ako ng malalim at inihanda ko na ang sarili ko upang hindi ako sumabog at tuluyang bugbugin si Harris.

"Ppfffttt hahahahaha!" Haharap na sana ako kaso ayan, yang baliw na yan, nakatalikod pa lang ako eh kung makatawa daig pa ang nanunuod ng gag show. 😑

Humarap na ko sa kanya at mas lalong lumakas ang pagtawa nya. Wala akong nagawa kundi panuorin syang mamatay-matay na sa kakatawa at nakahawak pa sa tiyan nya.

Aba ang tatag naman ng mokong na to! Medyo tumatagal na yung pagtawa nya at namumula na din sya. Hindi kaya napapagod tong lokong to???

Dahil naaawa na din ako sa kanya at nakakainis na yung pagtawa nya sakin, sinamaan ko na sya ng tingin. Infairness, effective sa kanya ang killer glare ko at unti-unti na syang tumigil sa pagtawa.

"Pffffttt! Ehem ehem." Tuluyan na nga siyang tumigil sa pagtawa at hinain ko na sa kanya yung mga pagkain.

---- ding dong!----

Agad akong nagpunta sa may pintuan at pagbukas ko ay si Manager pala. Bumati ako sa kanya at pumasok na sya.

"Sa monday na ulit ang mga projects mo Harris so you still have 5 days para magpahinga. But that doesn't mean that you can go out lalo na kung gimmicks lang dahil you should rest early because after this, baka matagalan na ulit yung break mo kaya lubus lubusin mo na. And also, kung lalabas ka man, alam ko naman na ayaw mong isama ang mga body guards mo so kelangan mong isama lagi si Julienne everytime na lalabas ka. Is that ok Julienne?" Agad akong tumango dahil hinanda ko na ang sarili ko sa ganito dahil alam kong part yun ng trabaho ko.

"Got it manager. Alright, this will be fun! Hahahaha" Sinabi nya yan habang nakatingin sakin. Napatingin din tuloy sakin si Manager at nagtataka dahil parang baliw yung alaga nya. 😑 Napasimangot na lang ako dahil parang alam ko na ang tinutukoy ng mokong na to. Siguradong pagtitripan nya na naman ako. Uuuggghhhh! I smell torture meyn!

------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi na nagtagal si Manager dito at umalis na din sya dahil maghahibernate daw muna sya dahil chance na daw ito para makapagrelax. Mukhang excited na excited sya na makapagpahinga at katulad nya, mukhang excited na din yung mokong nyang alaga na itorture ako dahil pagkatapos kong ligpitin yung kinainan nya kanina ay sinabihan ako na puntahan sya mamaya dahil may iuutos daw sya.

"For this day, you are scheduled to clean the whole house, simula sa loob hanggang sa labas."

Napanganga naman ako. Hello! Ang laki laki kaya nitong unit nya idagdag mo pa yung malawak nyang balkonahe! Uuuurrrggghhh! Gusto ba talaga akong patayin nito???

"E-eh pero Boss, ano namang lilinisin ko sa labas eh mukha namang maayos at malinis naman doon. At saka di ba yung maintenance na yung naglilinis non?? Baka pwedeng hindi na ak-----"

I'M INLOVE WITH MR. SUPERSTAR (JaDine) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon