CHAPTER 12
Pagkatapos ng nakakabaliw na tagpong iyon ay awa ng Diyos at nagbalik ako sa wisyo at nakauwi pa ng matino. Pero bago kami umuwi ay nag usap pa kami saglit ni Bret at hiningi niya ang number ko para daw makapagkamustahan kami after ng project na ito.
Habang nag aayos kami ng gamit dahil tapos na ang shoot ay parang pareho kami ni Boss Harris na nagpapatay malisya sa nangyari o sadyang feelingera lang ako at ako lang ang naapektuhan kaya naman parang wala lang sa kanya ang nangyari.
Iwas na iwas akong magkatinginan kami o kahit magkalapit man lang. Automatic na bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya o kaya naman siya ang nakatingin sakin.
Kung ako ay parang timang sa nangyari, para namang may kung anong sumapi kay bossing hanggang makauwi kami dahil kahit madaling araw na ay good mood pa rin ito na akala mo ay hindi pagod. Nakuha pa nga niyang buhatin ang ilang gamit niya pagdating namin sa parking lot ng condo niya. At isa pang weird itong si manager na bigla bigla na lang hahagikhik at titingin ng nakakaloko sakin o kaya kay Harris at bigla namang sisimangutan ito ni bossing. Haayy ewan ko ba dito sa mga amo ko! Minsan talaga parang may mga sapak sa ulo. -.-"
Anyways, buti na lang at free ang schedule namin para sa araw na to kaya pagkatapos kong magluto at maglinis ay pwede na din akong magsiesta para bumawi ng tulog at pahinga.
------------------
Gumising lang ako ng bandang alas-sais para ipagluto ng breakfast si bossing at naglinis linis ako ng kaunti bago ako bumalik sa pagtulog. Alam ko namang gigisingin ako ni bossing kung sakaling may kailangan siya o may ipapagawa.
Nasa gitna ako ng masarap na pagtulog ng bulabugin ako ng tawag sa cellphone ko. Sinilip ko muna ang wall clock sa kwarto ko at nakita kong alas-onse na. Hindi pa rin tumitigil sa pag-ring ang phone ko kaya naman kinuha ko na to sa bedside table at bigla kong naisip na baka sina Mother Superior ito kaya agad kong sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan kung sino nga ang tumatawag.
"Hello", medyo wala pa ko sa ulirat kaya naman parang tamad na tamad ang pagkakasagot ko.
"Hi wifey!", isang energetic na boses ng lalaki ang narinig ko kaya naman agad kong tiningnan ang caller id.
Hubby Bret
+639xx-xxx-xxxx"Oh bret ikaw pala. Bakit napatawag ka?", sagot ko habang nag iinat inat.
"Your voice sounds like kagigising mo lang. Sorry, did I wake you up?"
"Ah oo kagigising ko lang pero ok lang. May kailangan ka ba?", ibinagsak ko ulit ang katawan ko sa kama habang kausap ko pa din siya.
"Actually wala naman. Aayain sana kitang maglunch or kahit mag snacks, you know, catch up. Kaya lang mukhang nagpapahinga ka pa e. Maybe some other time na lang?" - Bret
"Ah hindi naman, ayos lang naman sakin. Kaso kailangan ko pang magpaalam kay Boss Harris kung lalabas tayo ngayon. Baka kasi may balak din siyang gawin ngayon, e you know, P.A. duties, can't leave my alaga alone. Hehe." , medyo nag-aalangan kong sagot dahil ayoko namang bugahan ako ng apoy ni bossing kung di ako magpapaalam sa kanya.
"Oh, I see. Maybe I should call him---"
"Ay nako wag na Bret. Ako na lang magpapaalam sa kanya. Nasa kabilang kwarto lang naman siya."
"Alright then. Just beep me up kung anong sagot niya a. But hopefully matuloy tayo 'coz I badly want us to catch up na!" May bahid ng excitement pa rin ang boses niya kahit di pa sigurado kung matutuloy kami.
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. SUPERSTAR (JaDine) #Wattys2016
RomanceAng kwento ng mala roller coaster at mala fairytale na kwento ni Aria Julienne Ramirez. :) Ang paghanap nya kay Mr. Right at ang malaking pagbabagong magaganap sa buhay nya dahil sa pagiging P. A. ng love of her life/buhay fangirl na si Harris Terre...