CHAPTER 7
Maaga akong bumangon para ipaghanda ng breakfast si Sir Harris. oo, SIR Harris. Napag isip isip ko kasi na nakakahiyya naman syang tawaging Harris lang dahil unang una, hindi kami close at syempre, alam ko naman kung paano lulugar noh, alam ko namang personal assistant nya lang ako. Lalo namang di ko sya pwedeng tawaging Harris my loves dahil lulubog talaga ako sa lupa sa sobrang kahihhiyan nun at baka lumaki lalo ang ulo kapag nalaman nya kung gaano ako kapatay na patay sa kanya. Syyempre, tama na yung isang beses nya kong mapagtripan. -.-"
Gaya nga ng sinabi ni Ms. Hannah, 5:30 pa lang ay nagsimula na kong magluto. Bacon, sunny side-up, fried rice at brewed coffee daw ang paboritong breakfast ng amo ko kaya yun ang naisipan kong iluto ngayon. Madali lang namang iluto ang mga iyon kaya wala akong problema sa pagluluto dahil ito din naman ang usual na niluluto kong agahan namin sa ampunan.
Pero kapag naaalala ko yunng ibang nakalagay na putahe sa listahang binigay sakin ni Ms. Hannah, sumasakit ang ulo ko dahil ang ilan doon ay hindi pamilyar sakin at isa pa, NAPAKAHIRAP BASAHIN AT IPRONOUNCE!!! Kelangan ko ng magsimulang magresearch kung paano lutuin at sabihin yunng mga yon dahil baka masintahan ni kolokoy na iyon ang ipaluto sa akin.
Dahil madali nga lang iluto ang breakfast ni bossing, natapos kaagad ako at naisipan kong maglinis linis ng kaunti. Syempre, double purpose ang gagawin kong paglilinis. XD Actually, hidden agenda ko din na malibot ang buong unit para naman mafamiliarize ko na ang sarili ko sa bago kong surrounding. Aba mahirap na, baka maligaw pa ko!
Infairness, tama nga si Ms. Hannah na well-maintained nga itong unit ni bossing dahil hindi naman ito madumi. Kumbaga simpleng walis lang at konting punas ng ibabaw ay ok na kaya wala pa kong magiging problema sa paglilinis.
Pagtingin ko sa oras ay malapit na pa lang mag 6:30 kaya pandalas ako ng balik sa kitchen at nagimula na akong maghain. Baka biglang lumabas ang amo ko at pagalitan agad ako kapag wala pang nakitang breakfast nya!
Maya maya pa ay may narinig na kong mga yabag na papalapit, buti na lang ito na lang fried rice ang huli kong ilalagay sa table.
Paglapag ko ng plato sa table ay agad akong nagtaas ng tingin para bumati.
"Good morning po Sir Harr----------------------------------------------Aaaaaahhhhhh!!!" agad akong napatalikod att nagtakip ng mata.
Grabe naman kasi! Di man lang ba sya aware na may hindi sya nag-iisa sa bahay na ito??? Grabe ang aking virgin eyes, nabinyagan na agad ng ka aga aga!
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. SUPERSTAR (JaDine) #Wattys2016
RomanceAng kwento ng mala roller coaster at mala fairytale na kwento ni Aria Julienne Ramirez. :) Ang paghanap nya kay Mr. Right at ang malaking pagbabagong magaganap sa buhay nya dahil sa pagiging P. A. ng love of her life/buhay fangirl na si Harris Terre...