CHAPTER 6

50 4 0
                                    

CHAPTER 6

.
.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang binubuksan ni Ms. Hannah ang pintuan ng unit ni Harris. At dahil nag turn on na naman ang lakas ng imagination ko, parang nagsslow motion pa ang pagbukas ni Ms. Hannah!

.
.
.
Nahigit ko ang paghinga ko ng bumukas ang pinto at bumugad sakin ang napakagandang unit ni Harris.

.
.

Kung sa unit pa lang ni. Ms. Hannah ay napanganga na ko, dito naman, literal na nanlaki ang mata ko at kulang na lang ay pasukan ng langaw ang bibig ko dahil sa pagkakanganga ko.
.
.
.


"WOW" yan talaga ang unang nasabi ko habang unti unting pumapasok.

.
.
.

Napakalawak naman ng unit nya! Ganito pala kalaki ang pent house. Wala pa ata sa 1/8 nito yung kwarto ko sa ampunan pati na din sa mga tinutuluyan kong boarding house! Halos kasing laki na nito ang kwarto ng napakadaming bata sa ampunan!

.
.
.

Hindi ko mapigilang hindi libutin ng tingin ang bawat sulok ng unit ni Harris. Grabe naman! Di kaya sya nalulungkot ng sya lang ang mag-isang nakatira dito? Nako, sigurado ako na matutuwa ang mga bata kapag nakapasok din sila dito! Haayyy, ano ba yan! Namimiss ko na yung mga bata sa ampunan. 😫

.
.
.

Napatigil ang paggala ng mata ko sa isang part ng sala kung saan may napakalaking picture ni Harris. 😲 Grabe! Napaka gwapo talaga ng my loves ko!
.
.
.

~~~"Ahmm, Miss can you close your mouth? Tulo na laway mo oh. *grin*"~~~
.
.
.
Bumalik ako sa katinuan ko nung maalala ko yung nangyari kanina. Grrrrr! Kumulo ulit bigla ang dugo ko! Kung aaraw-arawin ako nitong yabangan, promise, kahit gano ko sya minahal at kung gano sya kagwapo, talagang kukulamin ko sya at itatapon ko sya sa Ilog Pasig!!! Oo mahal ko sya pero di naman ibig sabihin non na hahayaan ko lang syang apakan ang dangal ko noh! Pwede pa ring mawala yung pagmamahal ko sa kanya kung masama naman ang ugali nya. 😔
.
.
.

Anyways, back to the part ng sala. Nakasabit din doon ang iba't ibang platinum records na nakuha nya mula sa mga albums nya na talagang nag hit pati na din yung mga poster ng mga ginawa nyang movies.

.
.

Meron din doon na estante kung saan nakalagay yung mga awards na nakita nya. Iba iba sila ng laki at nakahilera na akala mo ay may tindahan doon ng mga trophy. May ilan ding medal. San nya kaya nakuha yon?

.
.

Hinayaan lang ako ni Ms. Hannah na maglibot libot pero kahit na hinayaan nya ko, syempre di naman ako masyadong lumayo at ang ilan ay tinanaw ko lang. Baka kasi sabihin ni Ms. Hannah na nagtetake advantage na ko. Pinigilan ko din ang sarili ko na hawakan ang mga gamit. Baka mapagkamalan pa kong klepto! 😱 Ayokong mawalan agad ng trabaho!

.
.
.

Maya maya pa ay lumapit na ulit ako kay Ms. Hannah.

.
.

Ipinaalala lang ulit sakin ni Ms. Hannah ang mga binilin nya sakin kanina.

.
.
.

"Usually maaga syang gumigising pero depende pa din yun kung anong oras sya nakakauwi. Pero usually, by 6:30 ay gising na sya dahil minsan ay nagwo work out sya kaya dapat by that time ay nakahanda na ang pagkain. Pagpasensyahan mo na din kapag hindi nya gusto ang niluto mo. Ganyan lang talaga sya sa una, kumbaga, iinisin ka nya para masubukan kung gano kahaba ang pasensya mo. Basta Julienne ha, pagpasensyahan mo na lang yang alaga kong may sungay. Mabait din naman yan paminsan minsan at kapag nagustuhan nya ang serbisyo mo, wala ka ng magiging problema, ok?" Nakangiting sabi sakin ni Ms. Hannah.

.
.
.

"Kahit di nyo naman po sabihin yan Ms. Hannah ay yan naman po ang gagawin ko dahil nangangailangan po talaga ako at hindi lang po ito para sa akin kundi para na rin sa ampunan. Wag po kayong mag-alala. Sisikapin ko po na ako na ang huli nyong ihahire na P.A. ni Harris." Nakangiti ko ding tugon sa kanya.

.
.
.

Pagkatapos nya pa akong bilinan ng ilang bagay, hinatid nya na ko sa magiging kwarto ko. Infairness, kahit na pang maid ang kwarto ay maganda pa rin. Di nga lang hamak na mas bongga yung sa labas pero komportable naman dito kesa sa mga naranasan kong tirhan na maid quarters.

.
.
.

Dahil wala pa kong dalang gamit ko ay nagpaalam muna ako kay Ms. Hannah na kukuhanin ko muna yung mga gamit ko since bukas na ko magsisimulang magtrabaho dito.

.
.

Dahil medyo maaga natapos ang orientation sakin ni Ms. Hannah ay nakuha ko na kaagad ang mga gamit ko sa boarding house na tinutuluyan ko dahit malapit lang naman ito sa unit.

.
.

Binigyan na din ako ng sarili kong susi dito sa unit at pinakilala na din ako sa mga guards para wala ng interrogation na magaganap sa tuwing papasok ako.
.
.


Pagdating ko sa unit ay inayos ko na agad ang ginamit ko at binilinana na din ako ni Ms. Hannah na magpahinga na, di ko na daw kelangan munang magluto agad since di na daw kakain si Harris dahil naghahibernate daw ito sa lwarto nya dahil rest day nya ngayon at kelagan nya ng mahabang pahinga.

.
.
.

Eto ako ngayon at nakahiga na habang nakatunganga sa kisame.

.
.
.

Gano kaya ako magtatagal dito? Sana naman eto na ang last na maging trabaho ko dahil nakakapagod din namang magpabago bago ng trabaho. Isa pa, dito sa trabahong ito ay siguradong buhay na buhay na ako pati na din ang ampunan. Kelangan ko lang talagang magtiyaga dahil sayang din itong chance na binigay ni. Papa Lord sakin.

.
.

At ang pinaka malaking advantage ko dito, araw-araw kong makikita at makakasama ang love of my life ko. 😍 Tinupad din ni Papa Lord ang matagal ko ng request sa kanya na bigyan ako ng lovelife! Hahaha. 😂
.
.
.

Pero siguro, di ko muna dapat pagtuunan ng pansin yan at ang kinabukasan ko muna ang pagkaabalahan ko.

.
.
.

This is my chance to make my dreams possible so I should be devoted with this job. Kelangan kong isipin na magiging madali lang ito para naman di lalong humirap ang gagawin ko. Tama! Yan ang magiging outlook ko sa buhay ngayon! 👊

.
.
.
.
.

Dahil sa pag-iisip ko ay di ko namalayang unti-unti na pala akong hinihila ng antok. Goodnight Harris my loves! See you tomorrow! ❤️💋

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY . . .

I'M INLOVE WITH MR. SUPERSTAR (JaDine) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon