Chapter 1

1.3K 31 9
                                    

Hatred.

If I were to paint it, it would be black. If I were to feel it, it would burn like fire. If I were to mark its moment, it would be high noon. And if I were to personify it, it would be fvcking him.

Kapapasok ko pa lang sa loob ng classroom ay pansin ko na agad ang tensyon na bumabalot sa paligid. Isa na naman ito sa mga araw kung saan literal mong mararamdaman ang kuryenteng nananalaytay sa pagitan naming dalawa. Prente siyang nakatayo habang nakapamulsa ang isa niyang kamay—Vladimhyr Del Costa, ang sumpa ng buhay ko.

Sa isang determinadong hakbang, tinungo ko ang aking upuan, pinilit kong huwag pansinin ang panunuya na bumabalot sa kaniyang mga labi nang sandaling magsalubong ang aming mga tingin. Pero sa pagdaan ko pa lang sa tapat niya, tila may sariling isip ang paa niya, kumakawala para pag-trip-an ako. Before I knew it, I was already falling, my books scattering across the floor.

"Bella!" dinig kong sigaw ng kaibigan kong si Keira.

Fury surged through me as I hit the ground, the pain in my knee pulsing with every heartbeat.

How dare he?

"Watch where you're going, Arabella," he mocked.

I could feel the heat rising in my cheeks as I struggled to regain my composure. But instead of offering a hand to help me up, Vladimhyr merely smirked and turned away, his laughter echoing in my ears.

"Bella, okay ka lang ba?" ani Keira nang makalapit siya sa akin.

Dala ang inis sa dibdib ko, inayos ko ang aking sarili at tumayo. Binabalewala ang presensya at pagtulong ng kaibigan ko. Sandali kong iginala ang aking paningin, nang makita ang bag ko sa sahig ay nilimot ko iyon at saka ibinuwelo, tina-target ang direksyon ni Vladimhyr bago ko iyon malakas na ibinato.

Head shot!

He stumbled back in surprise. For a moment, his smug facade faltered, replaced by genuine shock. But it was fleeting, as his expression quickly hardened into one of defiance.

"Oops," inosente kong ani at sandali pang napatakip sa aking bibig. "Guess my bag should watch where it is going too, huh?"

Natahimik ang mga kaklase namin, hindi sigurado kung ano ang gagawin sa pagitan naming dalawa. Vladimhyr's eyes narrowed as he took a step closer, his imposing figure towering over me. But I held my ground, refusing to cower in the face of his intimidation tactics.

The tension between us crackled in the air, thick with animosity and unresolved conflict. In that moment, I knew that this clash was far from over. Arabella versus Vladimhyr—a rivalry destined to ignite sparks of defiance wherever we went.

"Oh, Del Costa, Mejorada. Bakit hindi pa kayo pumupunta sa mga upuan ninyo?"

Natigil lang kami sa pagtatagisan ng tingin nang pumasok ang professor namin. Kunot-noo siyang nakamasid sa aming dalawa. Ang kaibigan ko namang si Keira ay muling lumapit sa akin bitbit ang mga nalaglag kong libro kanina—siya na rin ang lumimot ng bag ko—at pasimple akong siniko, sinesenyasang magtungo na ako sa aking upuan.

"May itinatanong lang po, sir," magalang kong sambit.

Pasimple kong inirapan si Vladimhyr bago sumabay kay Keira patungo sa mga puwesto namin.

"Gago talaga 'yang si Vlad," bulong ng kaibigan ko sandaling makaupo kami. "Okay ka lang ba?" dagdag niya pa.

Napabuntonghininga naman ako at saglit na sinilip ang mga tuhod kong namumula. "Kingnang 'yon. Umagang-umaga, sinasaltik!" asik ko imbes na sagutin ang tanong niya.

Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita ko si Vladimhyr na umupo sa p'westo niya, pangatlong upuan mula sa hilerang nasa harapan ko. Sandali niya pa akong nilingon at inismiran, animo'y kahit hindi ko siya balingan ng tingin ay alam niyang nakikita ko siya. Pasimple ko namang inangat patungo sa aking tainga ang kamay ko—nagkunwaring nag-aayos ng buhok—bago iniikom ang aking mga daliri, itinira ang gitna niyon.

Yield to the Flames (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon