CHAPTER 9

884 30 3
                                    

"What was that?" 

Halos sampung minuto na ang nakalipas pero tulala pa rin ako sa lamesang nasa harapan ko. Nakaalis na si Vladimhyr, binitbit pa ang kapeng in-order ko. Titig na titig naman si Keira sa akin, halatang hinihintay akong magkuwento.

Tumikhim ako at iniiwas ang paningin. Naging kaibigan ko si Keira mula noong pasukan—4th year, malapit kami sa isa't isa, gayunman ay wala siyang alam sa ibang mga problema ko.

Well, ngayon lang naman ako nagkaroon ng ganitong letche sa buhay. 

I don't know how to start explaining everything to her. I can't avoid her either because I know she heard my conversation with Vladimhyr. Even if she didn't, it wouldn't be surprising if she questioned me about my actions with him earlier.

Napabuntonghininga ako at umayos ng upo. "Saan mo gustong magsimula?" aniko.

"Ano 'yong slave thing, Bella? Omg, sabihin mo sa aking binabangungot lang ako!" histerikal niyang sambit.

Hindi ko naman maiwasang iirap ang mga mata ko. "Mukha bang hindi rin ako binabangungot sa mga oras na ito?" Napailing pa ako. "Well, we had a deal. Related sa tatay ko," pag-amin ko.

"Huh?" kunot-noo niyang bulaslas. "Hindi ko maintindihan. Magkaaway kayo, 'di ba? Paanong nagkaroon kayo ng deal at damay pa ang ama mo?"

Inulit niya lang ang sinabi ko.

Once again, I breathed deeply. "May babae ang ama ko at . . . ex-girlfriend niya iyon."

"Eh?!" hindi makapaniwala niyang sigaw. "Tinitigasan pa pala ang daddy mo?"

Nasamid naman ako sa sarili kong laway at matalim siyang tiningnan. Napasapo naman siya sa kaniyang noo. Halatang hindi alam kung paano ipoproseso ang lahat.

"Kung ex ni Vladimhyr ang partner ngayon ng daddy mo. Ibig sabihin kaedaran lang natin 'yong babae, 'di ba? Imposible namang sugar mommy 'yang ex-girlfriend ni Vlad."

"Yeah. Dianne ang pangalan niya. Iyan ang pinoproblema ko ngayon kaya hindi mo ako makausap nang maayos. Bukod sa hindi ko alam kung paano io-open up sa iyo, maski kasi ako ay nahihirapang tanggapin iyon," pagpapaliwanag ko.

Tumango-tango naman siya. "Point taken. Then? Ano naman 'yong Mrs. Del Costa?"

"Well, shit happened . . ." mahinang sagot ko at bumuntonghininga. "Naalala mo 'yong kuwento ko noon—kung paano nagsimula ang hate relationship namin ni Luci?"

"Yeah, sino'ng makalilimot, aber?" aniya at bahagya pang natawa.

Napangiwi naman ako at isinaisip na lang kung ilang beses niya iyong ipinaulit sa akin.

"Something happened between us," tipid kong tuloy.

"You mean . . ." Tinaas ni Keira ang kilay niya bilang kumpirmasyon sa naiisip.

I gave her a small nod and averted my gaze. She's my friend, but I'm not ready to share everything with her yet. It's not that I don't trust her; it's just that talking about the past makes me uncomfortable.

"Basta roon nagsimula ang bangungot ko, doon nagsimula ang lahat kung bakit . . . nagpakasal kaming dalawa," pagpapaikli ko.

Napanganga naman siya at ilang segundong hindi nakaimik.

"Galit siya sa akin kasi naghiwalay sila ni Dianne, galit naman ako sa kaniya dahil gumulo ang tahimik kong buhay mula nang pumasok siya sa kuwarto ko. Ang kasal din namin ang dahilan kung bakit ayaw kong nakokonekta sa kaniya. Ayaw ko kapag shini-ship kami o ginagawan ng issue dahil baka isang araw, bigla na lang malaman ng lahat ang totoo. Ayaw ko niyon. Hangga't maaari, gusto kong malayo sa kaniya," mahaba kong kuwento, sinasamantala ang pananahimik niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yield to the Flames (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon