I woke up the next morning feeling nothing at all. I wasn't angry, sad, or happy. It was almost dawn when I finally fell asleep after scrolling through all the posts about me and Luci. It seems that's become my way of starting a new day.
Hindi na ako nagtataka sa ginawa niya. Alam na alam niya talaga kung paano kukuhanin ang inis ko. Well, tingnan na lang natin kung hanggang saan ang tibay niya ngayong araw.
"Okay ka lang?" alanganing tanong ni Keira nang makapasok ako sa room at makaupo sa tabi niya.
Tipid akong ngumiti. "Why?" balik kong ani.
Ngumiwi naman siya pagkatapos ay nailing. "Nakatatakot ang awra mo ngayon, Bella. Hindi ka galit, para kang kalmado kahit pa gano'n ang nangyari kagabi."
"Kalmado naman talaga ako," angat-kilay kong sagot.
"Iyon nga, eh. Hindi normal. Jeez! Bakit kinikilabutan ako?" bulaslas niya. "Speaking of the devil, here he comes," bulong na dagdag niya.
Napatuon naman ang atensyon ko sa pintuan. Awtomatikong nagtagpo ang paningin naming dalawa, nakapamulsa siya habang may ngiti sa mga labi. Umagang-umaga, nang-aasar. Blangko lang naman ang ekspresyon ko kahit pa hindi naputol ang tinginan naming dalawa hanggang sa makaupo siya sa kaniyang puwesto.
"Sis, I'm having chills."
"Sila na ba?"
"Kaloka ka, 'te. Tingin mo ba talaga mafa-fall sila sa isa't isa?"
"P're, binakuran na yata talaga ni Vlad si Arabella."
Dinig kong bulungan ng mga kaklase namin. Hindi ko naman sila pinagtuunan ng pansin, pinutol ko na ang tingin ko kay Vladimhyr at inilabas na lang ang aking libro para makapag-review ulit. Mayamaya pa ay may ballpen na pumatak sa unahan ng paa ko, marahan ko namang inangat ang paningin ko at nakita ang pigura niyang papalapit sa akin.
"Pasensya na, aksidenteng tumalbog ang ballpen ko," aniya, hindi pa rin nawawala ang mapang-asar na ngiti.
Baliw lang ang maniniwala sa palusot niya. Nasa likuran niya ako, pangatlo pa siya sa upuan na nasa unahan ko kaya paanong sa puwesto ko pumatak ang ballpen niya? Napabuntonghininga na lang ako at yumuko, kinuha ko ang ballpen niya at walang emosyon iyong iniabot sa kaniya.
Unti-unti namang nawala ang nakapaskil niyang ngiti. Nakatitig lang siya sa akin, animo'y pinag-aaralan ang mukha ko. Bahagya pang tumabingi ang kaniyang ulo habang marahang nangungunot ang kaniyang noo, halatang nagtataka sa inasta ko.
"Uy, Bella. May lagnat ka ba? Ayos ka lang?" bulong ni Keira sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.
"Kukunin mo ba?" walang emosyon na sabi ko kay Vladimhyr.
Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay niya, gayunpaman ay tahimik niyang kinuha ang ballpen sa kamay ko.
"Nakita n'yo ba iyon? Hindi sila nag-away. Mukhang totoo ngang na-fall na sila sa isa't isa."
Hindi pa rin nakatakas sa pandinig ko ang sinabing iyon ng kaklase namin, pero katulad kanina ay binalewala ko sila at bumalik sa pagre-review. Muli namang umangat ang paningin ko kay Vladimhyr nang sa pangalawang pagkakataon ay nahulog ang ballpen niya sa paahan ko. Hindi pa rin pala siya umaalis sa pagkakatayo sa gilid ko.
Kung kanina ay may ngiti sa mga labi niya, ngayon ay seryoso niya akong pinanood habang nililimot ko ulit ang ballpen niya.
"Here. Ilagay mo na sa bulsa mo para hindi na malaglag," aniko.
Igting ang panga niya naman iyong kinuha. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang dumating ang professor namin sa first subject kaya pumunta na siya sa kaniyang upuan dahil sa tingin ko ay wala pa talaga siyang planong bumalik. Nagsimula na ang discussion, pansin ko ang pasulyap-sulyap sa akin ni Keira, pero dahil alam niyang ayaw ko sa lahat na ginugulo ako sa oras ng klase ay hindi niya sinubukang kausapin ako.
"Del Costa, 98 points," ani Sir Raval habang namimigay ng test paper na ch-in-eck-an niya.
Mula sa mababa hanggang mataas na puntos siya kung mamigay ng mga papel, kaya naman nang una siyang matawag kaysa akin ay nakahinga ako nang maluwag.
"Mejorada, you aced the test," nakangiting sambit ni Sir.
Ngumiti naman ako pabalik at saka tumayo sa aking upuan upang kuhanin ang papel ko. "Salamat po," aniko.
"Shala, 'te. Ito ba ang tinatawag na silent revenge?" bulaslas ni Keira nang makabalik ako sa upuan ko, inirapan ko lang naman siya. "Ay, sige lang. Mag-inarte ka lang diyan, support kita."
Napailing na lang ako at muling pinagmasdan ang papel ko.
You did well, self.
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko saka iyon itinabi sa aking mga gamit. Pagkatapos niyon ay nakinig ako sa reminders ng teacher namin bago siya tuluyang nagpaalam. Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko para sa next class, gano'n din ang ginawa ko.
"Kay Sir Canlao ang next class natin, 'di ba?" usisa ni Keira.
Tumango lang naman ako at tinapos ang pag-aayos ng gamit ko. "Hintayin na lang kita sa labas," aniko na ikinakunot ng noo niya.
Hindi ko na siya hinintay pa na makapagsalita at lumabas na ng room. Katulad ng sinabi ko ay hinintay ko si Keira. Prente akong sumandal sa handrail ng hagdanan habang magkakrus ang aking mga braso. Medyo mabagal kumilos si Keira kaya naman nang mauna ang iba naming mga kaklase ay hindi na ako nagtaka. Naging blangko naman ang mukha ko nang si Vladimhyr na ang sumunod na lumabas, katulad kanina ay awtomatikong nagtagpo ang mga mata namin. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang naglalakad, sandali pa siyang tumigil sa harapan ko at parang shunga na pabaling-pabaling ang ulo. Bahagya pa akong nagulat—ngunit hindi ko ipinahalata—nang biglang umangat ang kamay niya at lumapat sa noo ko ang likod ng kaniyang palad.
"Omg! Sila na nga 'ata!"
"Kikiligin na ba ako?"
"Mukhang cease fire na talaga."
"Legit 'yong nasa blogsite!"
Bulong ng mga kaklase naming lumalagpas sa amin na sa hindi mabilang na pagkakataon ay binalewala ko. Walang emosyon kong sinalubong ang paningin ni Vladimhyr na ngayon ay inalis na ang kamay sa noo ko at namulsa.
"Himala," bulong niya at nailing.
Natawa pa siya nang bahagya at asta na akong lalagpasan, pero gano'n na lang ang malakas niyang pagmumura nang ituwid ko ang isa kong paa, huli na para maiwasan niya.
One, two, three. Tatlong segundo siyang gumulong sa hagdanan. Dinig na dinig ko ang malakas niyang pagbagsak sa unang landing. Napaismid ako at tuluyan nang napangiti, lalo na nang marinig ko ang pagdaing niya habang nakahawak sa kaniyang balikat. Nagsimula namang magkagulo ang mga tao sa paligid namin, may ilan na sinubukan siyang lapitan para tumulong.
"Uy, anong nangyari?"
"Shit! Tulungan n'yo si Vlad."
"Itinulak yata ni Arabella."
"Gago! Tinakid niya si Vlad."
"Hala ka, Bella. Papatayin mo ba si Vlad?!" histerikal na ani Keira na ngayon ay nasa tabi ko na pala. "Gaga ka. Paano kung nabagok ang ulo niyan?" aligagang dagdag niya pa habang naturo sa ibaba kung saan gumulong si Vladimhyr.
Bumulanghit naman ako ng tawa. "May nakita ka bang masamang damo na mabilis namatay? Saka ano ka ba? Si Luci 'yan, takot na lang ni Grim Reaper sa kaniya."
Napailing si Keira, halatang kabado at gulat sa ginawa ko. Muli ko namang ibinalik ang atensyon kay Vladimhyr na ngayon ay nakatayo na habang akay ng mga lalaking kaklase namin. Agad niya namang hinanap ang paningin ko nang makabawi sa sakit, kulang ang salitang nag-aapoy kung ipaliliwanag ang mga mata niya ngayon. Nginisihan ko naman siya.
Should I call it quits? Tingnan natin ngayon kung may makapagkalat ka pa ng fake news.
BINABASA MO ANG
Yield to the Flames (ongoing)
RomanceROMANCE/MELODRAMA/R18 They are sworn enemies. No victim, no hero, just villains in each other's lives. Yet, an unexpected situation will put their enmity to the test. S: 04/12/24 E: