CHAPTER 6

607 24 3
                                    

As I stepped into the room, I saw shock and surprise on the faces of my classmates. I had expected this reaction because who would have thought the day would come when Vladimhyr and I would enter a room together? But here we were, walking through the door side by side.

We made our way to our seats without a single fight. It felt strange, almost surreal. The usual tension, the electric charge that used to ignite between us instantly, had vanished like a popped bubble. Everyone was staring, wide-eyed and probably wondering if they were dreaming.

Naabutan ko pang nakaawang ang bibig ni Keira habang nakaturo sa akin. Inirapan ko naman siya at walang imik na dumukdok sa aking armchair. I'm not sure if I'm feeling weak because I didn't get enough sleep, because of what happened last night, or because of Vladimhyr's offer to help. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.

"What? Slave? Nahihibang ka ba?" inis kong singhal.

Sa panahon na ito, uso pa ba 'yon? Mukhang hindi ang balikat niya ang nasaktan sa pagkakatulak ko, ulo niya 'ata ang napuruhan at kailangang bendahan. Kumakalas ang mga turnilyo niya. Tuluyan ko nang tinuyo ang aking mga pisngi at itinuon ang buong atensyon sa kaniya.

He shrugged. "Walang libre sa mundo, Arabella."

"Sa paanong paraan mo naman ako gustong alilain, ha?" panghahamon ko.

Inaamin ko, may parte sa loob na gustong pumayag sa iniaalok niya. Kung hindi lang siya alagad ng kadiliman ay baka kanina pa akong umoo. Kaso garapal ang isang 'to, daig ko pa ang naaksidente at nag-50/50 kapag nakipagkasundo ako sa kaniya.

"Hmm . . ." Umakto siyang nag-iisip. "Sa kahit anong paraan na puwede kang mahirapan. Don't worry, I'm not heartless, Arabella," pampalubag-loob niya pa.

I scoffed. Sa bibig niya pa talaga nanggaling 'yon, ah?

"Ano naman ang kaya mong gawin para sa akin? Okay, let's say I agree to your offer. How can I make sure I'm not at a disadvantage?" Namaywang pa ako sa harapan niya para ipakitang hindi ako nakikipagbiruan ngayon.

I am desperate. Sobra.

Sino ang hindi? Nagka-girlfriend lang naman ang ama ko ng mas bata sa kaniya, kung ie-estimate ko 'ata ay nasa twenty-three ang age gap nila. Bukod pa roon ay hindi ko matatanggap na nangyayari ang lahat ng ito hindi pa man nakapagfi-first death anniversary si Mommy. This is fvcking disrespectful. Kung may girl code, siguro naman may corpse code rin, 'di ba?

Nababaliw na 'ata ako.

And, shit. Paano ko tatanggapin bilang stepmother ang ex-girlfriend ni Vladimhyr?

"Like you said, she's my ex. Kung may mas nakakikilala man sa kaniya, ako 'yon. Minsan na niya akong minahal, hindi imposible na mangyari ulit iyon. Tell me, lugi ka pa ba rito?"

Natahimik naman ako at napaiwas ng tingin. Hindi ko alam pero tila may guwang na bumaliktad sa sikmura ko, pilit ko iyong iwinaksi at walang emosyon na ibinalik ang paningin sa kaniya. Umismid naman siya, mukhang nararamdaman ang pipiliin kong desisyon.

"Hindi kasama sa deal natin ang pag-aaral ko," pagbibigay ko ng kondisyon.

Lumitaw naman ang multong ngiti sa mga labi niya. "Deal," aniya. "But for now, let me go back to sleep. You're such a pain, Arabella. Do you know it's midnight already? I thought there was a ghost in this building," he groaned and disheveled his hair.

Napairap naman ako. Kasalanan ko bang nasa iisang building ang condo namin? Kasalanan ko bang kaharap siya ng unit ko?

Yes. Magkapitbahay kami. Kung mamalasin nga naman ay rito pa nakabili ng condo si Daddy.

"Stay there," utos niya pa.

Hindi naman ako nakaangal o nakapagtanong pa kung bakit dahil mabilis siyang naglaho sa harapan ko. Pumasok siya sa kaniyang unit at ilang segundo pa ay seryoso niyang iniabot sa akin ang isang band aid.

"Para saan 'to?" kunot-noo kong usisa.

Napabuntonghininga naman siya na para bang isa akong malaking katangahan sa harapan niya. Walang imik niyang binawi ang band aid at saka iyon binuksan. Tinanggal niya ang cover niyon at nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumiit ang distansya namin. Damang-dama ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa ilong ko.

"W-What the fvck are you doing, Vladimhyr?" utal at nakadepensa kong ani.

He tsked. "Huwag kang feeling," aniya.

Napapiksi ako nang maingat na lumapat ang kamay niya sa pisngi ko.

"Stay still, spoiled brat."

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Lagi niyang sinasabi iyon. Hindi ako spoiled brat, gayunman ay aaminin kong gusto ko talagang nakukuha o nangyayari ang mga bagay na gusto ko. Kahit sino naman siguro.

Tuluyan nang lumapat ang band aid sa pisngi ko. Doon ay tila bigla akong nakaramdam ng kirot, saka ko lang napagtanto na mukhang nasugatan ako kanina dahil sa pagkakabato sa akin ni Daddy ng folder. Nakagat ko ang ibaba kong labi sa pagbalik ng alaalang iyon at napaiwas ng tingin, muling nag-init ang sulok ng mga mata ko.

"Magpahinga ka na. Huwag mo nang isipin 'yon. May test pa tayo bukas," mahinahon niyang ani nang dumistansya sa akin.

Hindi naman ako sumagot. Isang buntonghininga ang narinig ko mula sa kaniya, pagkatapos niyon ay nilagpasan niya ako. Dumiretso siya sa harapan ng unit ko, sa pintuan.

"Code," tipid niyang sambit.

Para namang may sariling buhay ang bibig ko. "01 . . . 23 . . ." Napabaling ang paningin ko sa kaniya. "22 . . ."

Kitang-kita ko ang marahang pag-igting ng kaniyang panga. Ilang segundo pa kaming nagtitigan hanggang sa ako na ang kusang pumutol niyon. Mariin akong napalunok. Pakiramdam ko ay biglang nablangko ang utak ko.

Napabalik lang ako sa realidad nang marinig kong bumukas ang pinto ng condo ko.

"Get in, Arabella. Maaga pa ang klase natin bukas," malamig niyang saad.

Tumango lang ako at naglakad papasok sa unit. Hindi ko na siya kinausap pa. Ni hindi ko nga inabalang isara ang pintuan ko dahil sa umuusbong na kaba sa dibdib ko. Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa makarating sa aking kuwarto. Tulala akong nahiga sa aking kama.

Nilalaro na naman ba ako ng tadhana?

"Umiyak ka ba? Parang mugto ang mga mata mo, eh."

Natigil ako sa pagbabalik-tanaw nang marinig ko ang bulong ni Keira. Ilang beses niya pang sinundot ang siko ko. Imbes na iangat ang ulo ko para sagutin siya ay kamay ko ang itinaas ko at saka siya pinakyuhan.

"Wow. Ang bait mo talaga, Bella. Nag-aalala na nga ang tao, na-middle finger pa. Iba ka talaga, prend. Ikaw na," sarkastiko niyang sambit.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nanatili akong nakaub-ob. Pakiramdam ko kasi kapag inangat ko ang paningin ko ay hindi ko maiiwasang mapatitig kay Vladimhyr. Bukod doon ay hindi ko pa kayang magkuwento.

He's still into her.

Nagulat man ako sa offer niya, hindi na ako nagtaka pa. Hindi niya nga problema ang problema ko, pero dahil related si Dianne rito, awtomatikong isasali niya talaga ang sarili niya. Hindi ko man gusto, wala akong magagawa kundi ang magtiwala na magagawan niya ng paraan ang bagay na ito.

He's not actually helping me. He's just reclaiming what's rightfully his. It's a win-win for him. I'll be his servant, and he'll get back the girl he loves.

And it's okay for me. Dahil pagkatapos nito—sakaling magtagumpay siya—ay matatahimik na ang mundo naming lahat. Magkakabalikan sila. Magiging payapa na muli ang mundo ko. Magiging maayos na ulit si Daddy.

"In game na naman po siya sa pagiging mysterious at estetik ghorl," parinig ni Keira.

Baliw talaga. Anong kaeste-aesthetic sa ginagawa ko?

Yield to the Flames (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon