CHAPTER 4

614 29 8
                                    

Kulang ang salitang masaya para ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Mula kanina ay hindi na naalis ang ngiti sa mga labi ko. Aktibo ako sa klase—well, palagi naman—bukod doon ay na-perfect ko rin lahat ng quizes namin. Siguro ay ganito talaga kapag walang malas na bumubuntot sa iyo.

"Grabe, grabe talaga," naiiling na ani Keira habang nag-aayos ng gamit niya.

Tapos na ang klase namin ngayong araw, pagkatapos ng first subject ay hindi ko na muling nakita pa si Luci. Hindi ako nag-aalala sa kaniya, o ni nakonsensya man lang. Kahit 'ata saksakin mo 'yon ng sampung beses ay hindi siya mamamatay, gano'n kalakas ang kapit niya sa mga kalahi niya kaya bakit ako matatakot? Bakit ko iisipin ang lagay niya?

First of all, he's the one who started this shit. He provoked me. Pumatol lang ako kaya damahin niya iyon nang husto.

Nagbalik kay Keira ang atensyon ko nang pagpagan niya ang tuktok ng buhok ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan habang isinasabit sa balikat ang gamit ko. Nakangiwi siyang ngumiti.

"Lumalabas ang sungay mo, Bella. Usugin ko lang, baka ako ang maatake nang wala sa oras," aniya.

Inirapan ko naman siya. "Alam mo, nag-iisip na ako ngayon kung kaibigan ba kita," singhal ko.

Pinanlakihan niya naman ako ng mga mata sabay ang bahagyang pag-awang ng bibig niya. "Aba, hoy, Bella! Kinukuwestyon mo ang loyaltiness ko sa 'yo dahil lang 'di ako pabor sa ginawa mo, anong kahibangan 'yan?"

"Anong loyaltiness? Kahit kailan pauso ka talaga, Keira. Ewan ko sa 'yo, diyan ka na nga. Fake friend," sabi ko saka siya tinalikuran.

Palihim akong natawa nang humabol siya, naghihimutok. Hindi naman ako seryoso sa sinabi ko, maski ang sinabi niya kanina ay alam kong biro lang din. Though half-meant. Naiintindihan ko naman siya, normal lang na ganoon ang maging reaksyon niya dahil hindi naman talaga mala-anghel ang ginawa ko. Aware naman ako na puwedeng mas malala pa sa bali ang abutin ni Luci sa ginawa kong pananakid sa kaniya kanina, gayunpaman, nagtiwala ako sa kasabihang, 'Ang masasamang damo, matagal mamatay.'

"Hindi kita maisasabay simula bukas kaya kausapin mo si Kuya Haji na sunduin ka after class," aniko—tinutukoy ang kapatid niya—habang naglalakad kami palabas ng school.

"Bakit? May date ka? Sawa ka na sa akin? Nakikipag-break ka na ba? Iiwan mo na ako?" sunod-sunod niyang tanong, umaarteng naiiyak.

Mahina ko naman siyang sinapak dahilan para matawa siya nang mahina.

"Sa bahay muna ako uuwi mula ngayon, malapit na ang death anniversary ni Mommy," simpleng paliwanag ko. "Ihahatid lang muna kita dahil ayaw kong magbyahe ka mag-isa."

Humawak naman siya sa kaniyang dibdib at pupungay-pungay ang mga matang tumitig sa akin.

"Aww. Mahal mo talaga ako, 'no? Bella, my babe, sugarplum, honeybunch, babyboo—" At muli ko na naman siyang sinapak. "Aray! Napakasadista mo talaga. Kahit lambing ko, ayaw mo, hmmp! Pero ocakes lang. Tinabla mo rin naman lambing ni Vlad."

Napaismid na lang ako at umiling. Kahit kailan talaga, ang galing niya mag-remind ng mga bangungot.

"Ay, shala!"

Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kaniya nang mabulaslas iyon ni Keira. Nakaawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang tumitig sa unahan. Nasa parking na kami ngayon. Dalawang beses pa siyang kumurap.

"Kaunti na lang ay iisipin kong keriboomboom kong mag-call ng mga spirit. Kaloka, Bella. Nandiyan na ang sumpa," aniya kaya napabaling ang atensyon ko sa tinitingnan niya.

Hindi ko alam kung alin ba ang unang itataas ko nang magtama ang paningin namin ni Luci. Ang kilay ko ba o gilid ng labi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuohan niya. Naka-cast ang braso't balikat niya, may band aid sa gilid ng noo, at nababakas pa rin ang mga mantsa ng dumi sa suot niyang pants dahil sa nangyaring aksidente kanina.

Yield to the Flames (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon