(WARNING: SENSITIVE TOPICS AHEAD!)
I don't know how I was able to keep up with our teachers' discussion from first to third class. May dalawang oras na vacant kami bago ang sunod na subject kaya ito't magkasama kami ni Keira sa malapit na cafe sa school namin. Black coffee ang order ko dahil hindi ako puwede sa gatas habang caramel macchiato naman ang sa kaniya. Panay ang daldal niya sa harapan ko, pero hindi ko iyon magawang pagtuunan ng pansin.
"Dati mo siyang manliligaw, 'di ba?"
I doubt na may alam si Daddy tungkol sa koneksyon ni Dianne sa akin. Pero . . . kung sakali bang alam niya, ididistansya niya ba ang sarili niya sa ex ni Vladimhyr? Mangyayari ba ang lahat ng ito? Sabi nila ay mahal nila ang isa't isa.
Pero bakit hindi ko magawang tanggapin?
Bakit hindi ko magawang paniwalaan?
Masama ba akong anak kung hahadlangan ko ang kaligayahan ng sarili kong ama? Pero . . . paano naman ako? Paano si Mommy? Sinubukan ko rin namang lunukin ang lahat, gayunman ay hindi ko talaga kaya. Hindi lang dahil si Dianne iyon, kundi dahil hindi ko talaga kayang makita si Daddy na nagmamahal ng iba bukod sa nanay ko.
Spoiled brat? Siguro nga. Selfish? Baka nga.
But can they blame me?
Wala na si Mommy, alam ko iyon. Pero mali bang hangarin na kahit wala na siya ay mananatili siya sa puso ni Daddy? Siya lang at walang iba. Walang papalit, walang makihahati.
Lumaki ako na buo ang pamilya namin. Namulat ako sa mundo na nagmamahalan ang ina at ama ko. Kaya paano ko tatanggapin ang mga pagbabagong ito?
"Okay ka lang, Bella?"
Napabaling kay Keira ang paningin ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso kong nakapatong sa table. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Pilit naman akong ngumiti at saka nagpakawala ng malalim na hininga.
"Pasensya na, ano nga ulit ang sinasabi mo?" aniko.
Naroon ang pag-aalangan sa mukha niya, mukhang gusto pa akong usisain, pero hindi na itinuloy pa.
"Sabi ko si John, dati siyang nanligaw sa iyo, 'di ba?"
Nangunot naman ang noo ko. "John?"
"Duh? 'Yong nerd at mabait na estudyante," sagot niya.
"You mean John Castañeda? Fine arts student?" pagkaklaro ko na mabilis niyang tinanguan. "Hindi ko siya naging manliligaw. Nanubok, oo."
Naaalala ko siya. Second semester namin noon, nilapitan niya ako at inalok na manliligaw pero agad ko siyang tinanggihan. Wala na nga akong panahon sa plates ko, magbo-boyfriend pa.
"What about him?" tanong ko at sumimsim sa aking kape.
"He's dead," tugon ni Keira na ikinasamid ko.
"Huh?" tanging usal ko.
Tumango-tango naman siya at nilabas ang kaniyang cellphone. "Here. Nag-suicide siya."
Napatitig naman ako nang i-scroll niya ang social media account ni John. Puro condolences, mayroon pang iba't ibang message na naka-tag sa kaniya. Hindi ko naman maiwasang mapangiwi nang mabasa ang ilan doon.
"Isn't it ironic?" wala sa sariling imik ko.
Kunot-noo namang tumingin sa akin si Keira, nagtataka sa tinutukoy ko.
Napabaling naman ang paningin ko sa labas ng glass wall. "I mean, he took his life. May nakikiramay, tapos mayroon ding nagsasabi na, 'Marami pang ibang paraan. Kinulang sa dasal. Paano naman kaming naiwan? Et cetera.' Hindi ko lang ma-gets kung bakit namatay na nga siya, parang ang nangyayari ay sa halip na malungkot, naninisi pa sila. Hinahanapan ng butas."
BINABASA MO ANG
Yield to the Flames (ongoing)
Roman d'amourROMANCE/MELODRAMA/R18 They are sworn enemies. No victim, no hero, just villains in each other's lives. Yet, an unexpected situation will put their enmity to the test. S: 04/12/24 E: