More drops of sweat fell from my forehead, and by the time I got to my condo unit, I was losing strength quickly. Pain rippled through my body with every movement. Each step I took to the bathroom was a battle against the cramps and nausea.
Fvck you, Vladimhyr.
Paulit-ulit kong mura sa isip ko. Halos tatlong oras ko ring dinamdam ang sitwasyon ko—ang sakit ng tiyan, ang maya't mayang pagdumi, ang pagsusuka. Aaminin ko, hindi ko inaasahang gagantihan niya ako sa ganitong paraan—ang atakihin ako sa pagiging lactose intolerant ko. Walang binatbat ang fracture niya sa naranasan kong hirap.
Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko—sa tulong na rin ng gamot na ininom—ay nag-ayos na ako ng ilang gamit. Nagpalipas pa ako ng isang oras upang tuluyang mabawi ang lakas ko bago ako lumabas at dumiretso sa aking sasakyan. Susundin ko pa rin ang plano kong umuwi sa bahay kahit pa ganito ang nangyari sa akin.
Alas-diyes mahigit na nang maiparada ko ang kotse sa labas ng mansiyon. Kahit papaano ay nakalimutan ko na ang ginawa ni Valdimhyr at napalitan ng kaunting saya. Ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Daddy, bitbit ang kapeng binili ko pa sa paborito niyang cafe ay nagsimula akong maglakad papasok sa bahay.
"Daddy?" nakangiting tawag ko nang makarating ako sa sala.
Sinalubong naman agad ako ni Manang Tere—ang mayordoma ng mansiyon—na kalalabas lang sa kusina. May dala siyang food tray kung saan nakalagay ang dalawang baso ng orange juice at isang slice ng strawberry cake. Bahagya pang nangunot ang noo ko roon, hindi kasi kumakain si Daddy ng strawberry flavored cake, pero sa isipin na may bisita siya ngayon ay nawala rin ang pagtataka ko. Namilog naman ang mga mata ni Manang Tere nang tuluyan akong mapagsino, mayamaya pa ay isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin.
"Arabella, buti at napadalaw ka. Aba, kay tagal na rin noong huli kitang nakita. Namayat ka, hija," sunod-sunod niyang ani nang makalapit sa akin.
Natawa naman ako at napailing. "Nako, manang, stressed po sa school. Medyo marami ding gawain kaya minsan nakalilimot na po talaga akong kumain."
"Ikaw talagang bata ka. Huwag mong pabayaan ang sarili mo," panenermon niya. "Ay, kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain pagkatapos kong iakyat 'tong pagkain sa opisina ng daddy mo."
"Sige po, manang. Gutom na rin po talaga ako," pagpayag ko. "Ako na po pala ang mag-aakyat niyan kay Daddy. Dala ko rin po ang paborito niyang kape kaya ito na lamang ang ipaiinom ko sa kaniya."
Lumapit ako sa kaniya at inagaw ang hawak niyang food tray kaya wala na siyang nagawa pa. Napansin ko naman ang paglulumikot ng kaniyang mga mata na animo'y may gustong sabihin, pero hindi na itinuloy pa. Alanganin siyang ngumiti.
"Gano'n ba? Sige, hija. Hintayin na lamang kita rito sa kusina. Balik ka agad, ah," aniya.
Isang tipid na tango lang naman ang ginawa ko bago siya tuluyang iniwanan. Mabagal kong inakyat ang hagdanan sa takot na mahulog ang mga juice na nakalagay roon. Nasa second floor ang opisina ni Daddy, katabi ng mga kuwarto, kaya naman kumain din ng ilang segundo bago ako makarating sa harapan niyon.
Asta ko nang pipihitin ang seradura ng pinto nang makarinig ako ng hagikhik mula sa loob, tinig iyon ng isang babae. Awtomatikong nangunot ang noo ko. Ayaw kong mag-isip ng kung ano, pero hindi ko mapigilan ang takbo ng utak ko.
No, what you're thinking is adsurb, Arabella. Baka nagkakatuwaan lang sila ng bisita.
"Stop it, Anthony."
Doon na tuluyang nanginig ang mga kamay ko at tila may kung anong pumilipit sa sikmura ko. It's been years since I last heard that voice. Hindi ako puwedeng magkamali.

BINABASA MO ANG
Yield to the Flames (ongoing)
RomanceROMANCE/MELODRAMA/R18 They are sworn enemies. No victim, no hero, just villains in each other's lives. Yet, an unexpected situation will put their enmity to the test. S: 04/12/24 E: