"STELLA, gumising kana! Dalian mo na mala-late nanaman tayo!"
Agad naman akong napabangon sa ingay ng sigaw ng aking bestfriend, si Rhiana.
"Oo na, gigising na ako. Ang ingay mo kasi kagabi kaka-tili! Ano ba kasi ang ginagawa mo kagabi? Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos." Bulyaw ko sakanya.
"Aba ako pa talaga ang sinisi dahil hindi daw siya nakatulog nang maayos." Pagmamalditang tugon niya.
Aba eh totoo naman eh! Siguro lumalandi nanaman tong babaeng to.
"Siguro may nilalandi ka nanaman noh? Suss, tigil-tigilan mo na nga yang kalandian mo Rhia." Tugon ko.
"Hindi naman ako lumalandi, may ka-chat lang ako sa isang dating app na ininstall ko." Sagot niya.
"Ang tanga mo! Ganon parin yon! Maliligo na ako, ayaw ko nang makipag-usap na sayo."
Matapos akong maligo at mag handang pumasok sa school, nag hintay na ako kasama ang aking bestfriend ng trycicle na masasakyan. Wala na itong masyadong space at isa na lamang ang pwedeng makasakay. At syempre si Rhiana ang pinili ng mga estudyante at mismo ang driver.
"Sorry bes ha, ako kasi ang sinabihang sumakay." Pag paumanhin ni Rhiana.
"Okay lang Rhi, sige na paalam na." Tugon ko.
Hindi na ako umimik pa at nagreklamo dahil sanay na ako sa mga ganito. Mas maganda at mas sikat si Rhiana sa school namin kaya nakuha niya ang respeto ng lahat. Nagsimula na lamang ako sa paglalakad dahil mala-late na talaga ako. Mahirap talaga kapag hindi maganda.
- Ccelinesdelusions
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Was A Bitch
RomantizmAstelle Fayne D. Kiabes had a bestfriend that she thought she could trust, but she was wrong. The bestfriend she thought was fake and is the reason of her life to be miserable, but the destiny had other plans. There would be a man that will accept h...