Kabanata 2: Teacher's Pet 1.2

84 5 0
                                    

Mildred's POV





"Ma'am, parang awa niyo na po. Gustong-gusto na po namin umuwi.", sambit ng isa.



"Anong pinagsasabi mong umuwi?!", sigaw ko kaya mas lalo silang nagsiksikan sa sulok. "Anak, ito lang ang tahanan natin.", sambit ko sa mahinahon at malambing na paraan.



"Ma'am, n-nagmamakaawa po kami. Hinahanap na po kami sa ami-", kaagad kong hinampas ang martilyo sa kulungan upang putulin siya sa sinasabi niya.



"Tumahimik ka! Walang naghahanap sa inyo. 'Di ba kayo na rin ang nagsabi sa'kin na walang oras ang mga magulang ninyo para asikasuhin kayo? Ngayong nagpapaka-magulang ako sa inyo, gusto niyo pa rin sa kanila bumalik?!", sigaw ko habang umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman.



Mga walang utang na loob! Paano nila ako nagagawang balewalain?



"Hindi namin ipagpapalit ang mga magulang namin para sa isang baliw na kagaya mo!", sigaw pabalik ng isa.



Agad na nagpanting ang pandinig ko nang banggitin niya ang salitang iyon.



Wala siyang pinagkaiba sa mga nasa probinsya! Baliw din ang tingin niya sa akin!



"Baliw ka, Ms. Castro! 'Wag kang magpanggap na nanay dahil ang totoo, kinidnap mo kami para magpanggap na alaga mo! At pagkatapos sa tuwing nagugutom ka, kinakatay mo kami isa-isa!", tinakpan ko ang magkabila kong tainga para hindi ko siya marinig, pero paulit-ulit ng umuukilkil sa utak ko ang mga katagang binitawan niya.



"Tama na! Hindi ako baliw, at- at ano naman ngayon? Pinapakain ko rin naman kayo ah! Isa pa, magmula nang iuwi ko kayo rito, inalagaan ko na kayo! Bakit hindi niyo maintindihan?!"



"Nanay? Hindi! Baliw ka! At kapag nakalabas kami rito, isusumbong ka namin sa mga pulis para ipasok ka nila sa menta-", hindi ko na nakayanan ang mga sinasabi niya kaya't gamit ang martilyong hawak ko ay hinampas ko nang buong lakas ang kaniyang bibig.



"Sheena!", sigaw at iyak nila, pero wala akong ibang naririnig maliban sa salitang baliw na binigkas niya.



Iyon lamang ang pinakamalakas na ingay sa lahat kaya upang matigil ang boses niya sa isipan ko ay muli ko siyang hinampas.



"Tumigil ka na! Sinabing hindi ako baliw! Tumigil ka! Tumigil ka!"



Mas nagsigawan ang mga alaga ko sa sobrang takot, pero kasi, natatakot din akong hindi na mawala pa ang tinig ng lapastangang ito sa utak ko kaya maka-ilang ulit ko pa siyang hinampas hanggang sa nangisay na ang kaniyang katawan at tuluyan kong madurog ang kaniyang bungo.



Nagkalat ang mga durog na piraso ng kaniyang utak, at may talsik ng kaniyang dugo ang bawat isa sa amin.



Nang makuntento ay wala sa sarili akong huminto at naupo sa sahig para magpahinga. Binitiwan ko ang martilyo upang tignan ang mga kamay kong nababalot ng pula at malagkit na likido.



Muli akong naiyak at napahilamos ng kamay sa aking mukha.


"Patay na siya. Kayo kasi, ang iingay ninyo! Kasalanan niyo 'to eh. Pinatay niyo si Sheena. Kung naging- kung naging mabuti lang sana kayong alaga, hindi mangyayari 'to.", huminto ako sa pag-iyak at humingang malalim. Inayos ko ang nagusot kong damit bago sila tinignan isa-isa.



"Ngayon, may gusto pa bang umuwi?", mahinahong untag ko na mabilis naman nilang inilingan habang nanginginig na nakatakip ang mga kamay sa kanilang mga bibig.



"Good! Hahaha.", ipinantay ko ang lebel ng mukha ko sa mukha ng isa atsaka pinalis ang pumatak na luha.

Patuloy pa rin ang paglandas ng kanilang mga luha. At gaya ng isang mabuting ina, "Tahan na. Huwag na kayong umiyak. Tutal at may sariwa tayong karne ngayon, anong gusto ninyong ulam?", nakangiti kong pag-amo sa kanila.



***



Hindi ako natulog magdamag sa takot na baka magpakitang muli ang lalaki. Naghiwa na lang ako at nag-refill ng bagong stock sa ref at nang matapos ay naligo at nagbihis ng unipormeng pamasok.

Angel of Death (Aetherium Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon