Kabanata 4: Azrael

88 5 0
                                    

Franco's POV




"Sir Joseph, good morning po!", ang school guard nang pumasok ako kinabukasan.



"Sir, pasensya na po, hindi po kayo pwedeng pumasok. Ibinilin ho ni Dr. Licaros na bawal magpapasok kahit ng mga teacher. May darating kasing mga pulis ngayong araw—", naputol ang sinasabi niya nang ipakita ko ang aking tsapa.



"Hindi Joseph ang pangalan ko, kundi Franco. Ako si Inspector Franco Valdez, miyembro ng PNP, at pwede akong pumasok, dahil isa ako sa mga darating na tinutukoy mo.", nakangiting ani ko.



"Ibig niyo hong sabihin, pulis kayo?", tanong ng isa pang guwardiya.



"Ano ba? Ako ba ang magtatanong, o kayo?"



"Ay edi,ikaw, Sir, syempre hahaha.", kamot nito sa ulo at saka kabadong natawa.





***





"Ibig ninyong sabihin kahapon lang kayo may napansin na kakaiba sa kilos niya?", tanong ko.



"Opo, Sir!"



"Hindi po, Sir", magkasabay ngunit magkasalungat na sagot ng dalawa.



Ibinaling ko ang buong atensyon sa guard na sumagot ng hindi.



"Ganto ho kasi 'yon, Sir. Noong Miyerkules ng umaga, mga bandang pasado alas-singko palang no'n nang makita ko si Ma'am Castro na papasok ng gate.", nagsimula akong magsulat ng mga importanteng detalye.



"Dahil masyado pang maaga, nag roam pa ulit ako nang panghuling beses. Kaya nga lang, nakita ko siya na may kinakausap, diyan ho mismo sa may pasilyo patungong H.E. building.", ibinalik kong muli ang paningin sa kaniya.



"Sinong kausap niya?", untag ko.



"Iyon na nga, Sir. May kinakausap siya, pero kinilabutan ako dahil wala naman akong nakikitang iba maliban sa kaniya. Promise, Sir, siya lang ang nandoon mag-isa.", itinataas pa nito ang kamay upang ipakita na nagsasabi siya ng totoo.



Alam kong may sakit sa pag-iisip si Palaez, pero ang marinig ang mga ito ngayon ay kinikilabutan ako nang sobra.



"Sir, pakiramdam ko no'n hindi siya nababaliw. Para talaga siyang may kasama na hindi ko lang makita. Pinanood ko pa nga siya na palabas ng gate matapos ko marinig na kakain sila ng kung sino mang kinakausap niya.", mahaba nitong litanya.



Naalala kong muli ang testimonya ng mga bata na noong isang araw lang nang umuwi kaagad si Palaez at may bitbit na batang lalaki. Iyon na marahil ang batang si Azrael!



"Manong, nakuhanan mo ba ng video o kung ano?", tanong ko.



"Hindi, Sir eh. Baka kasi bigla niya akong makita kapag nalingunan niya ako.", napahilamos ako sa mukha dahil sa iritasyon.



"Pero Sir, may CCTV naman ho. Siguro naman nakuhanan 'yong sinasabi ko na wala siyang kasama.", patuloy nito at iginiya ako patungong control room.



Sandali niyang hinanap ang footage at nang i-play ay kitang-kita nga na nilagyan pa niya ng seatbelt ang katabing bakanteng upuan bago pinaandar ang sasakyan paalis.



Dahil sa napanood ay mabilis kong tinapos ang pagtatanong at nagsabing bukas ay babalik ako upang magpatuloy. Pinaandar ko ang sasakyan palabas ng school, at pinaliko ito patahak sa daan papunta sa bahay nila Palaez.



Gaya sa eskwelahan, ire-request ko rin sana na mapanood ang footages na kuha magmula noong nakaraang araw. Kaya nga lang ay walang camera na naka-install mula pa sa malayo.



"Tang ina. Kaya naman pala nakakalusot dahil walang nakakakita.", ani Chief nang ibalita ko sa kaniya iyon.



"Hindi bale, magpapa-punta ako ng mga tao riyan para magkabit. Ano ba kasing klaseng lugar 'yan, ni-isang camera, wala?!", ani nito.



"Oo nga pala, Inspector Valdez, itigil mo na ang paghahanap kay Azrael. Kakatapos lang inspeksiyunin nila Guillermo ang master list ng lahat ng mga estudyanteng nag-aaral doon.", sandaling katahimikan ang namayani.



"Walang Azrael na natagpuan sa listahan ng mga batang enrolled. At maging sa kuha ng CCTV noong araw na sinasabing dinakip ni Palaez ang batang iyon, kitang-kita na may kinakausap at inaakay siya, ngunit siya lang ang mag-isa.", hindi ko maintindihan kung bakit hindi kayang maarok ng isipan ko ang pakiwari kong dahilan kaya't misteryosong nawawala ang batang iyon.



"Posibleng hindi na natin makita pa ang batang 'yon. Maaring kaya walang ibang nakakakita sa kaniya maliban kay Palaez at sa limang batang biktima dahil hindi naman talaga siya totoo."

Angel of Death (Aetherium Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon