Franco's POV
Panaginip lang ba 'yon? Bumuntong-hininga ako at napahilamos ng kamay sa mukha.
Tumingin ako sa bedside table, 4:30 am. Bumangon ako at nagtungong banyo. Pagkatapos maglinis ng katawan ay nagsuot ako ng sweatpants at sweatshirt saka lumabas ng kwarto para mag jog paikot sa park.
Nang mapagod ay nagpasya akong magpahinga sandali sa isang bench. Pumikit ako sandali habang hinahabol ang hininga. Nang makabawi ay nag jog akong muli pabalik sa bahay.
Pagpasok ko sa pinto ay nakaamoy kaagad ako ng kape. Sinundan ko ang amoy, mula iyon sa kusina!
Nasa bungad palang ako ay kita ko na ang isang lalaking nakatayo patalikod sa akin. "Nakauwi ka na pala", ani nito habang hinahalo ang itinimplang kape.
"Totoo ka nga?!", sigaw ko nang humarap sa akin ang lalaking walang iba kundi si Azrael!
"Oh? 'Di ba kahapon mo pa alam?", inosente nitong tanong at sumubok muling sumimsim sa kape.
"Hindi ako nanaginip?!"
"Paulit-ulit", sinubukan niya ulit sumimsim.
"Oh eh bakit ka nandito? Paano tayo nakauwi? At naalala ko! Iyong lalaki kahapon! Walang preno ang truck niya! Anong nangyari sa kaniya??", sunod-sunod kong tanong.
Tumingala siya at panandaliang pumikit. "Puwede bang magkape muna? Kanina ka pa eh, ang dami mong tanong!", sabi niya at naupo na sa stool.
Imbes na magprotesta ay kumuha nalang din ako ng kape. "Tiisin mo, bigla bigla ka ba namang susulpot. Ni hindi nga kita kilala, ang dami mo pang kababalaghang ginagawa natural na marami akong itatanong sa'yo.", sabi ko habang nagsasalin sa tasa.
"Paabot nga ng bacon, andiyan sa tabi mo.", namamangha ko siyang tinignan.
"Saan nanggaling ang bacon?!", tanong ko.
"Mmm, nagtataka ka kasi panay tubig lang ang laman ng ref mo? Hahahaha sumunod ka sa'kin.", ani nito at sinenyasan pa ako para lumapit. Naglakad kami papunta sa pinto sa likod ng bahay ko, pagbukas niya no'n ay bumungad ang napakalawak na hardin. Sa kaliwa ay mga lanta at walang buhay na mga halaman, habang sa kanan ay mga naggagandahang bulaklak.
"Bahay ko", turo niya sa malaking mansyon na nakatayo sa gitna ng malawak na field.
"Paanong nangyari 'to? At saka nasaan na ang garahe ko?!", lito kong tanong.
"Simula ngayon, ito na ang makikita mo mula rito sa loob. Ikaw lang ang makakakita ng bahay ko. Ibig sabihin, sa paningin ng ibang tao...", tinapik-tapik nito ang pinto, "garahe pa rin ang itsura nito."
"At 'yong bacon?"
Pinagkunutan niya ako ng noo.
"Saan mo nakuha 'yong bacon?", pumikit siya nang mariin at nang dumilat ay bakas ang naaasar niyang reaksyon.
"Natural sa bahay ko! Kaya ko nga 'yan kinonekta dahil 'di ako mabubuhay sa mga pitsel mo ng tubig!", naiinis nitong wika saka sinarado ang pinto at nilampasan akong tumatango-tango.
"Iyong tanong ko tungkol sa driver at truck?", pinanood ko siyang maarteng hiniwa ang maliit na bacon. Tss, ako nga kinakamay ko lang 'yan.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na nababasa ko ang laman ng isip mo. Hindi ako maarte, balasubas ka lang.", aba't!
"Hoy! Wala kang respeto sa privacy ko ah! Sino may sabi sa'yong pwede mong basahin ang laman ng utak ko?!", sigaw ko at napatayo pa sa pagkakaupo.
"Huwag ka ngang sigaw nang sigaw, hindi bingi ang kausap mo.", masama niya akong tinignan.
BINABASA MO ANG
Angel of Death (Aetherium Trilogy #1)
FantasyIn the celestial realm where souls depart for their afterlife, an angel of death carries out the sacred duty of guiding them towards their right paths: an everlasting life in heaven or a ceaseless agony in hell. However, before being executed in hel...