Kabanata 3: Teacher's Pet 1.3

84 5 0
                                    

Mildred's POV





Nagising ako na parang wala sa sarili. Tinignan ko kaagad ang nagkalat na dugo kagabi, pero malinis ang banyo, at maging ang tuwalya ko ay maayos na nakasampay. Walang bakas ng dugo kahit saan.



Pumasok ako sa eskwelahan na balisa. Bawat lalapit sa akin, pakiramdam ko ay iyong lalaki. Nagsimula at natapos ang klase nang wala ako sa hulog. Paglabas ko ng room ay may nabangga pa ako sa sobrang pagmamadali. Nahulog ang mga librong bitbit ko, at inabot sa akin ng nakabangga ang isa sa mga iyon.



"Thank y—", nabitin sa ere ang sasabihin ko nang mapagtanto kong ang lalaking iyon ang nasa harapan ko!



"Ikaw na naman!", paatras akong lumayo at hindi inaalis ang paningin sa kaniya.



"Ano ba talagang gusto mo? Bakit mo ko ginugulo?!", sigaw ko nang hindi manlang siya umimik. Kitang-kita ko rin nang mag-umpisang humakbang siya palapit.



"D-diyan ka lang! 'Wag mo kong lalapitan!", ngunit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.



"Sinabi nang—!", nanginig ang boses ko nang unti-unting bumibilis ang kaniyang paglapit. At sa takot ko ay mabilis din akong tumalikod at nakapikit na tumakbong palayo habang sumisigaw na ng tulong.



Napatili ako nang malakas nang pagdating sa dulo ng pasilyo ay muli akong may nabangga.



"Mildred? Anong problema? Bakit?", si Joseph na hinawakan pa ang balikat ko upang maiharap ako sa kaniya.



Pinapalis ko ang aking luha, pero inagaw niya ang kamay kong nanginginig upang hawakan. "Anong nangyari? Bakit parang takot na takot ka? May humahabol ba sa'yo?", tanong niya habang iginagala ang paningin sa likuran ko.



Bilang sagot ay inilingan ko na lang siya nang sunod-sunod. Masyadong 'di kapani-paniwala ang mga nangyayari, kaya alam kong hindi niya rin maiintindihan kahit pa sabihin ko.



"A-akala ko kasi may multo.", pagsisinungaling ko.



Bumuntong hininga siya at natawa nang bahagya. "Sira hahaha", inakay ako pababa at hanggang patungong sasakyan niya.



"Walang multo. Tinatakot mo lang sarili mo. Epekto ng gutom 'yan kaya kumain nalang tayo hahaha.", aniya at hindi na ako nagprotesta para hindi na humaba.



Pagdating sa kainan ay saktong tumunog naman ang phone niya. Tinignan niya muna ako bago nagpaalam na sasagutin ang tawag.



"Excuse me, sagutin ko lang.", tumango lang ako.



Nagtungo siya sa labas ng restaurant, at mula sa pwesto ko ay natatanaw kong nagagalit siya sa kausap niya. Sandali niya akong tinignan at hindi ako sigurado kung tama ba ang nakita ko.



May dumaang matinding galit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin, pero napalitan din naman agad iyon ng palakaibigan niyang ngiti. Sandali pa siyang nakipag-usap sa telepono bago nakabalik.



"Mildred, pasensya ka na. Sa susunod na lang tayo kumain? May emergency kasi sa bahay eh. Promise babawi ako sa'yo, kakain din tayo nang magkasabay.", aniya habang dinadampot ang kaniyang mga gamit.



"Hindi, ayos lang. May susunod pa naman.", ngiti ko at tumayo na rin.



Hinatid pa rin naman niya ako pabalik sa school dahil nandoon naiwan ang sasakyan ko.



Kaya nga lang nang pagdating doon ay pinaharurot niya agad paalis ang kotse. Sandali akong nagtaka dahil ito ang unang beses na hindi manlang siya sa akin nagpaalam.



"Mukhang emergency nga yata.", iling ko at pinaandar na lang din ang sasakyan pauwi.




***




Pagkarating ko sa bahay, may kakaiba agad akong naramdaman.



Masyadong tahimik. Napakatahimik na parang may hindi tama.



Dahan-dahan, isa-isa kong chineck ang bawat sulok at kwarto sa ibaba upang mahuli kung mayroon mang ibang taong nakapasok.



Pagdating sa kusina, agad na umalingasaw ang amoy na nabubulok, at nang lingunin ko ang banda ng ref ay napansin kong nawawala na ang maliit na papel na isiniksik ko sa pinto nito.



Ibig sabihin lang... "May nakialam!", madiin at galit kong saad.



Kaagad akong tumakbo paakyat ng second floor at natatarantang ipinasok ang susi sa doorknob ng aking kwarto. Pagkapasok ay agad kong napansin ang nakabukas na sikretong silid kung saan nakakulong ang aking mga alaga!



"Tang ina! Hindi ko naikandado ang kulungan kagabi!", natatarantang pinasok ko pa rin ang silid upang personal na kumpirmahin kung tama nga ang naaalala ko.



"Mga anak?!", unti-unti, bumagal ang takbo ko. Umasa akong bilang kanilang ina, kahit naiwanan kong bukas ang hawla ay hindi nila ako maaatim na takasan.



Subalit wala na sila.



At imbes na ang mga bata ang aking makita, ay ang misteryosong lalaki ang aking naabutan.



Angel of Death (Aetherium Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon