Chapter 2
Che's Pov:
One month ago, nagkita kami ng mga kaibigan ko. Nandito ako ngayon sa bahay namin bahay Kubo nag muni-muni. Iniisip ko pa rin ‘yong napag-usapan namin nitong nakaraang buwan. Sa totoo lang, hindi ako naiinggit na lahat sila may asawa maliban sa akin. Kasi alam ko sa sarili ko na forever single ako, at tanggap ko. Kaya naman hindi ako naiinggit sa kanila, pero minsan masarap ma-in love. Kaya naman pinangarap kong maging kasing guwapo ng mga idol ko, tulad ng mga BTS, sila na number one fans ko. Lalo na ang hobi ko, my love ko. Charot lang. Syempre, kung mahal ko, hindi ako tumitingin sa itsura. Sa ngayon hindi na basehan ang mukha. Aanihin mo ang guwapo kung sakaling masaktan at magutom ka sa kan'ya. Kaya dapat tandaan ng mga kabataan ngayon na nangangarap mag jowa na hindi madali ang buhay. Laging tandaan na hindi madali ang buhay may asawa. Hangga't maaga pa, mag-aral muna ng mabuti para sa pangarap at makatulong na rin sa magulang.
Sinampal ko na lang ang mukha ko. Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko. Kinuha ko lang ‘yong phone ko. At tumingin sa sinulat ko. Tuwang-tuwa ako dahil natapos ko rin ang aking pagsusulat. Dahil sa dalawang buwan kong pagpupursige na i-edit ang aking kuwento para sa aking pagsusumite sa online platform. Nang matapos ang 2-month update ko, halos dalawang buwan akong hindi nag absent.
Nakahinga ako ng maluwag, at dahil natapos ko ito sa takdang oras at dahil wala naman akong gagawin at tumingin na lang ako sa relo ko at 3:30 pm pa lang ay nababangot na ako sa sarili ko. Naisipan kong magbukas ng Facebook, at habang nag-ii-scroll, may nakita akong ilang inirerekomendang ad. Nagustuhan ko ang logo at agad kong na-download ito nang hindi man lang nakikita ang mga komento tungkol sa kung ano ang isang app. Nung nadownload ko na siya nag sign in na agad ako nung nakapag download na ako. Isa-isa ko silang bubuksan. Nagulat ako na may matching match. Maya-maya, may nag chat sa akin. Doon ko napagtanto na ito ay isang dating app. Ito ay isang popUB para sa mga single na gustong makipag-chat. Ang una kong naisip ay dahil may pop siya, pop star ang nasa isip ko ang logo ng popUB, kaya mas mabilis ko itong na-download. Dahil wala akong magawa. Hinayaan ko na lang at nakipag chat sa kanila. Pero dahil sa mga nalaman ko tungkol sa kanila, hindi ko na tinuloy ang pakikipag-chat. Maya-maya, nakatanggap ulit ako ng message. Pag chat ko ulit, natatawa na lang ako dahil ang babata nila sa akin. Kung hindi 10 years ang gap, ang tanda ko sa kanila. Dahil wala akong mapapala dito. Nakakaumay lang kasi ang tanong lagi, Ilang taon ka na? Saan ka nagmula? Nagpasya akong alisin ang pop UB na ito. Mas mai-stress ako sa kanila. I-back up ko lang. Nakatanggap ako ng mensahe sa ikatlong pagkakataon. Hindi ko mapigilan; Binuksan ko, at bumungad sa akin ang pangalang L3nra. To be honest, natawa lang ako sa pangalan niya kasi kakaiba. Pero may nag-udyok sa akin na sumagot sa kan'ya. At dito nagsimula ang usapan namin.
👷: L3nra: "Hi!"
🙋:@Che "Hi din!"
Iyon lang nasabi ko. Nakaramdam ako ng hiya.
👷: "Taga saan ka?"
🙋: "Bikol?"
👷 "Taga Bikol din ako."
Nung nalaman ko, taga Bikol pala siya. Naisip ko rin. Sabi ko, ok lang, taga Bikol lang siya.
🙋: "Saan ka sa bikol?"
👷: "Cam. Sur."
🙋: "Saan sa Cam. Sur?"
👷: "Buhi! Ikaw?"
🙋: "Albay?"
👷: "Saan sa Albay?"
Nagdadalawang isip akong sabihin kung saan sa Albay. Pero sa huli, sinabi ko rin sa kan'ya.
👷: "Malapit lang?"
🙋: "3 oras ang layo ata"
👷: "Hindi, kalahating oras lang sakay ng motor."
🙋: "Ah ganoon ba?"
‘yon lang nasabi ko.
👷"Edad."
🙋 "Ikaw?"
👷 "32,"
🙋 "Ako rin ay 30+."
Noong nalaman kong 5 years ang tanda ko, nag-atubiling akong makipag-chat sa kan'ya pero sa huli sinabi ko rin sa kan'ya ang edad ko. Nung una, awkward ako kasi mas matanda ako sa kan'ya, at natatakot ako ang posibilidad na sabihin ng iba. Pero sa huli, hindi ko maiwasang kausapin siya at kausapin na halos umabot ng 5 p.m. Natapos ang aming pag-uusap, at agad akong nag paalam at nagluluto ako ng aming hapunan. Pagkatapos kong magluto at kumain kami ng dinner, Pagkatapos ng lahat ng gawain, agad akong nag bukas ulit ng popUB at excited akong kausapin Siya. Halos ang tagal ko din hindi makipag-usap sa iba. At binuksan ko ulit ang sarili ko para bigyan ang sarili ko ng pagkakataong nakilala ang iba.
👷: "Good Evening."
🙋: "Good evening din."
👷: "Anong ginagawa mo?"
🙋: "Wala!"
‘Yon lang nasabi ko. Hindi ko naman sinabing may tinatapos akong story, magyayabang kasi yon.
🙋: "Ikaw?"
👷: "Pagod sa trabaho."
🙋: "Ano ang trabaho mo?"
👷: "Office staff."
🙋 "Ah,"
Ang tanging nasabi ko. Hindi ko rin naman kasi alam iyon.
👷: "Nandito ako sa Bulacan para magtrabaho."
🙋: "Ah, diyan ka pala Manila."
👷: "Oo, umuwi din ako sa bikol."
🙋: "Ah,"
‘Yon lang ulit ang nasabi ko. Hindi ako nag tanong tungkol sa personal niyang buhay. Dahil kakilala ko lang, tatanungin ko na agad.
👷: "Kumain ka na ba?"
Dito ako natawa. Parang teenager lang. Sasabihin ko sana, 'Teenager lang!' Pero nahiya ako kasi feeling close agad ako nito. Hanggang sa naging compatible ako sa kan'ya, parang ang dali niyang kausap kahit isang araw pa lang kami magkausap. Hanggang sa hatinggabi, walang kuwenta ang usapan naming dalawa, kahit anong topic.
👷: "Tulog na tayo; may pasok pa ako bukas.
🙋: "Okay, goodnight."
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'to. Feeling ko close agad ako sa kaniya.
👷: "Goodnight din."
Hanggang sa nagpaalam na kaming dalawa. . I'm very happy today at parang nagkaroon ako ng bagong kaibigan natulog ako ng may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
My Dream Man
RomantikMy dream man Isinulat ni: c_sweetlady Si Che ay lumaki siya sa probinsya na may simpleng pangarap na balang araw ay maging isang manunulat. At nangarap din someday na matagpuan na niya ang lalaking pinapangarap niya. Na mabait, mapagmahal, maunawain...