Chapter 7

9 5 0
                                    

Chapter 7

Che's Pov

 Ito na naman ang nararamdaman ko. Nagtataka na naman ako kung bakit hindi siya online ngayon araw. Maayos naman kami kagabi, at wala kaming problema. Masaya pa nga kaming nagkukulitan at hindi maiwasang maglandian. Normal din ito. Hindi ko naman sinabi na dapat mong tularan! Lalo na sa mga menor diyan. Hangga't may respeto  pa rin kayo. ‘Yon ang mas importante.  Pero bakit hindi siya online buong araw? Ang daming gumugulo sa isip ko. Walang dahilan para hindi siya mag-online. Masaya kaming nagkuwentuhan kagabi. Hay, hindi ko alam.  Iyon lang nasabi ko. Para akong sirang plaka na paulit-ulit lang. At wala akong mahanap na sagot sa iniisip ko. Nag-o-overthink na naman ang utak ko. Dahil sa inis ko, maaga akong natulog. At wala na akong papanoorin ngayong tapos na ako sa pinapanood ko fireworks of my heart. Kinabukasan binuksan ko ulit ang app, hindi pa rin siya nagcha-chat sa akin. Hindi pa rin niya binubuksan ang app. Para akong tanga na sa tuwing titingin ko ulit kada maya’t maya nakasilip  hanggang gabi, wala pa rin siyang paramdam. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa sarili ko. Ngayon lang ako naapektuhang ganito. O dahil ba unti-unti akong nahuhulog sa kan'ya o dahil nasanay akong kausapin siya ng isang buwan? Mula nang makausap ko siya, bigla akong naging masaya at lumakas; siguro isa siya sa mga dahilan kung bakit nagbabago ang nararamdaman ko. Siyempre, ang unang nagpalakas sa akin ay kung bakit bigla akong gumaling, maliban sa aking pamilya. Ang isang bagay na nagpalakas din sa akin ay ang BTS at Hori7on; sa tuwing pinapanood ko sila parang lumalakas ako. Ang isang ngiti ay may kakaiba, at walang problema inisip. At ang pangalawa, kasama ang dalawang taong nagtiwala sa kuwento ko sa Dreame, ay ang mahiwagang kagubatan. Isang buwan din akong walang hawak na cellphone. Simula noon, nasa ospital ako. Pero nung gumaling na ako, hindi ko alam kung bakit ko binuksan ang stary writing ko. Nagulat pa nga ako dahil tatlong message ang natanggap ko. Agad ko itong binuksan at binasa. Napangiti ako bigla sa sinabi niya, "Miss, A, ang ganda ng story mo, Sana may Ud na po at Sana may part 2 po.  Please thanks Ms. A."  Nag update agad ako ng dalawang chapters. Isa rin sila sa mga dahilan ng aking paggaling. At araw-araw ko itong binubuksan, at tuwing 2 hanggang 3 araw ay lagi nila akong pina-message, nagpapaalala na  susunod kong update. Nag update ulit ako ng dalawang chapters. Hanggang sa lagi na lang nila akong ina-update. After a few months, nang mag-scroll ako sa Facebook, may nadatnan akong social media na may ilang writers na nag-post dahil may mga readers na hindi tinatanggap ang story lock at may mga naiinis dahil sa bagal ng pag-update ng author.  Kinabahan ako bigla. Agad kong tinignan ang stary writing kong sinulat at agad akong nag-update Ang mahiwagang kagubatan. Ang aking update ay hanggang sa pagtatapos na ito. Nagpasalamat ako sa kanilang matiyagang paghihintay sa kuwento.  Masuwerte ako sa reader ko na tatlo lang sila. At pagkatapos kong mag-upload, nagpasalamat ako sa kanila. Syempre, senyales na naa-appreciate nila ang gawa ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Kung ano man ang naisip ko. I went back to app again, and I opened it again bago ako matulog, baka sakaling online siya. Pero disappointed na naman ako. Napaisip ako. Sabi ko baka hindi kami para sa isa't isa, pero bakit ang signs na hiniling ko? Bakit sumasang-ayon sa akin? Ang gulo. Nasabi ko na lang ulit sa sarili ko: I'm talking to myself. Nagmumukha akong sirang plaka. Dahil wala akong magawa, nakipag-chat lang ako sa Facebook at sa mga kaibigan ko, na itinuturing kong kapatid. Nang makaramdam ako ng antok ay nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na ako. Bago ako matulog, ginawa ko na ang dati kong ginagawa. Humingi ako ng sign muli, at sinabi kong gusto kong malaman ang totoo kung bakit hindi siya nag online nitong dalawang araw. Pagkatapos ay nagdasal ako at natulog. Kinabukasan, gaya ng lagi kong ginagawa, kinuha ko agad ang phone para tingnan kung online siya. Pero wala akong nakitang chat sa kan'ya. Muli akong nadismaya at nawalan ng pag-asa. Sabi ko ititigil ko na itong kabaliwan ko. Pagdating ng hapon mga 3:30 p.m. Bago ko ito i-charge, may sumagi sa isip ko: buksan ko ang ML. Agad ko naman itong binuksan. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Nang buksan ko ito,  may nakita akong dalawang mensahe sa ML. I'm curious kung sino nag message sa akin. Wala naman akong inaasahan na messages sa ML ko. Pagbukas ko, Nung una, napaisip ako, sino ba ito Dheoda20.? Napaisip ako noon. Nung nabasa ko, naalala ko si Lenra pala. 

Dheodha 20: Nasira ang phone ko. Bumagsak sa motorsiklo. Half black siya."

Natatawa na lang ako sa nabasa ko. Nawala bigla ‘yong inis ko. At tinawanan ko na lang siya. Paano naman   kasi 1 week pa lang siya nakabili ng phone niya at nasira agad. Sabi ko pa sa sarili ko, hindi na magtatagal ang phone na ito kasi kalahati itim na lang."

@Che: "Ah ok boss.”

Iyon lang ang nasabi ko. Boss ang tawag ko sa kaniya dahil nakasanayan ko na siyang tawagin ng ganoon.

Dheoda20: "Dito na lang muna tayo chat, mahal."

Napangiti na lang ako sa kaniya.

@Che: Ginawa natin chat box ito."

Tinawanan niya lang ako. Naramdaman kong gumaan ito. Nalaman ko ang dahilan. Sa loob ng pitong araw namin, ML lang ang communication namin, at nabigyan din kami ng oras para maglaro ng ML, kahit na brawl lang. Masaya ako na nakipaglaro ako sa kan’ya. Mga bandang 10 p.m., nagpaalam na rin siya. Natulog na rin ako.

----+

Thank you po sa pagsubaybay sa kuwento ko  "Ang mahiwagang kagubatan." Sa Dreame  Lhynn Margo, Margie Arellano  at Cayabyab Apple.

My Dream ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon