Chapter 1

15 5 0
                                    

Chapter 1

Che's Pov

Chapter 1

Che's Pov

Narealize ko na lang sa buhay ko na tumatanda na pala ako, pero go lang, ganoon talaga ang buhay. Isinama na naman ako ng mama ko para mamalengke. That time, napag-isip-isip ko na uso na pala 'yong dating apps sa social media. Dati kasi kaming mga batang 90's masaya na sa makalaro lang sa labas at kung ano ang uso na laro. Inaabot pa nga ng gabi kahit nakakalimot na kumain. By the way, ako nga pala si Che. Paano ko ba ilalarawan ang sarili ko? Panganay nga pala ako sa aming magkakapatid. So, makabalik na nga tayo sa pamamalengke. Nakauwi na kami ng nanay ko at ayon, araw-araw ganoon lang rotation ng buhay ko.

Bandang hapon, nakatambay ako sa isang malaking puno nang biglang may narinig akong sigaw na nagmumula sa aming bahay. Tumayo ako at tinignan kung sino itong maingay na nilalang. Narinig ito sa kabilang bahay. Nung malapit na ako, lumapit sakin yung bestie ko, at natulala ako kasi kasama niya yung crush ko na si Charles. Simula nung nakilala ko siya nung high school, palihim na tumibok ang puso ko, pero hanggang doon na lang. Ang balita ko ay may nililigawan siyang model. 

"Hoy! Bestie. Natulala ka diyan, at bakit hindi ka pa nagbibihis?" Kung hindi lang ako sanay sa kalokohan nitong isang ito ay nasapak ko na. 

"Oh!" ‘Yon lang ang nasabi ko kay Ritz. 

"Anong ginagawa mo? Nakalimutan mo sa GC natin na magkikita tayo ng Barkada." Napatingin ako sa kanila. Sasama ba ako o hindi? Puro lang naman kasi pagbibida iyon sa buhay nila. Samantala, ako lang ang nakakaalam na nagpapanggap akong writer. Dahil ‘yon ang gusto ko noon pa man. Ang suwerte ko lang ngayon dahil unti-unti kong natupad ang pangarap kong ma-publish. Isa na sa mga obra ko, isang novela, ay isa na sa mga obra ko na mailalathala ko. At hindi ko kailangang i-spoil sila. Hindi ako magbabago. Kung ano ako noong nakilala nila ako noon ay ganoon din ngayon. Hindi ko na kailangang ipagsigawan ang mga narating ko sa buhay. Sabagay ang sarap din sa pakiramdam na ipagmalaki ang kanilang narating. Iyan ang kanilang buhay; Buhay nila iyan go lang sila.  Basta ako magiging simple lang.

"Sige, Anak! Sumama ka sa kanila. Maglibot-libot minsan." Hindi ako makapagsalita. Habang pasimpleng nakatingin sa akin si Charles, nahihiya ako sa kan'ya. 

"Naku! Pumayag na si Tita, kaya gora ka na!" Sa huli, pumayag na lang ako kahit ayoko. 

"Oh, Siya, bestie, si Charles na ang susundo sa'yo mamaya." Nagulat ako, napatingin ako kay Charles habang si Charles ay nakatingin lang sa akin. Tumango lang siya. Gusto kong sabunutan si Ritz. Naisip niya pa, na dahil alam niyang may sikreto ako, gusto ko si Charles? 

"Aalis na kami Tita, Che, mamaya!" Sa hiya ko, napayuko na lang ako. Sobrang kinakabahan at nanginginig ang mga tuhod ko kapag kaharap ko si Charles. Buti na lang umalis sila. Napatayo na lang ako sa kawalan ng tinapik-tapik ako ni mama. 

"Sige, ayos na." Pinagtulakan ako ni mama. Wala akong ginawa; Naghanap ako ng masusuot nang magkita kami ng batch namin. Nung 6 o'clock na ng gabi, inayos ko din pero syempre simple lang. Ayokong magpakita sa kanila. Hindi na ito tulad ng dati; syempre, may konting pagbabago. Isang maliit na kolorete; Ayos lang ako diyan. At simple pink dress lang ang suot ko, paborito ko kasi ‘yon. Sa madaling salita, tumingin ako sa salamin, at pinagmasdan ko aking sarili. Nung nakita ko, ayos na. Kinuha ko ‘yong bag ko. Lumabas na ako. Natigilan ako nang makita ko si Charles na nakatayo sa gilid. Habang nagsasalita si Rian  at kausap siya ni Charles.

"Oh, nagkaayos na pala si Che." Napatingin silang lahat sa akin. Ang ingay ng mama ko. Nahiya ako sa tingin ni Charles. Dahan dahan akong lumapit. Hinayaan kong lumabas si Charles. Iba kasi ang tingin ng kapatid ko kay Charles Alam kong aasarin lang niya ako. Tahimik kaming umalis ni Charles nang hindi man lang nagsasalita nang makarating kami sa maliit naming bahay Kubo kasama ang mga ka-batch namin na ginawa ito noon ay para maging tambayan namin.

“Oh andyan na pala sila. complete na tayo?" sigaw ni Angelo. Napayuko na lang ako sa kanila. I felt very awkward. 

"Bestie, are you here?" Lumapit na lang ako kay Ritz. Marami kaming napag-usapan. Wala akong interes sa usapan nila. Yong iba kasi sa amin may engineer, teacher, businessman, iyong iba sa abroad nag-work, at karamihan ay nasa nursing. Samantala, ako, wala akong masabi sa kanila. Tahimik na lang ako. Wala akong maipagmamalaki.

“Nga pala Che, wala ka pa ring asawa?" sabi ni Camille. Nabulunan  ako. 

Napaka-choosy kasi niyan. May nagkakagusto, pero dinedma lang niya. Iyan tuloy, napag-iwanan na."

 "Hindi naman sa ganoon bestie, syempre hindi pa ako napupusuan." 

"Hala siya, matanda na tayo. Halos lahat tayo ay may mga asawa. Parang tatlo lang ang batch natin na walang asawa: ikaw, Charles, at Angelo. 

"Bakit ako nadamay diyan? May nililigawan akong iba." 

"Hoy, oo, may nililigawan ka pala. Ano  si–?" 

"Sigaw pa, Ritz." 

"Bakit ayaw mong sabihin? Pareho kayong model!" Habang nakikinig lang ako sa usapan nila, hanggang sa naisipan kong umalis, nagpaalam na ako sa kanila. 

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako," sabi ko na lang kay Charles. 

"Mamaya. Tsaka alam naman nilang ihahatid kita since sinundo kita." Napatingin silang lahat sa'kin nung sinabi ni Charles. 

"Kaya pala magkasama kayong dalawa." Sabay nilang sabi. Habang natatawa si Charles, "Malapit lang naman kami ni Che sa bahay namin kaya sinundo ko siya." Tumango lang ang mga kaibigan ko. Wala akong ginawa; Nanatili ako sa kanila. Habang sinusubukan kong pakinggan ang mga sinasabi nila sa buhay, parang lumiliit ako sa sarili ko. Samantala, may maliit akong grocery store sa bahay namin. 

"Ayos ka lang bestie." tumango lang ako. Hindi ko pinahalata na hindi ako okay, and I felt very awkward. 

"Alam mo bang ga-graduate na ang anak ko sa elementarya?" Starring Camille, "Kaya nga single ka diyan. Ang sarap magkaroon ng pamilya. Habang bata ka pa, hanapin mo na." Habang ang mga mata nila ay nasa akin, hindi ko alam kung pinaparinggan ba sa akin si Camille o OA lang ako mag-react. Tumayo ako. Niyaya ko si Charles. Dahil lasing ang mga kasama ko. Buti na lang at pumayag si Charles. Umuwi kami.


camille
Charls
Rian
Angelo



My Dream ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon