Chapter 4

17 5 0
                                    

Chapter 4

Che's Pov: 

Ito naman ako nakaabang sa kan'ya. Simula nung nakilala ko siya, gusto ko na siyang ka-chat araw-araw. 

👷L3nra: "Magandang umaga."

Napangiti ako habang ka-chat ko siya. 

🙋Che: "Good morning din." 

👷: "Day off ko ngayon. Puwede ko bang tawagan ka?"

Kinabahan ako. Andito pa ang mga kapatid ko. Umuwi kasi sila. Fiesta kasi sa amin ngayon. Maya-maya, tumawag si L3nra. Agad akong sumagot at lumabas. 

"Kamusta!" mahinang sabi ko. 

"Kamusta ka?" 

"Ayos lang." 

"Kailan ka pupunta ng Manila?" 

"Kasama ako  pagbalik nila." 

"Magkita tayo." Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. 

"Ginawa mo?" ‘Yon lang ang sinabi ko. 

"Walang nagpapahinga. Nag-uusap tayo?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para akong natulala. Kahit kausap ko, para kaming naghihintay sino magsasalita.

 "Kumusta?" sabi ko ulit. Tumawa lang siya. 

"Wala akong masabi." ‘Yon lang ang sinabi niya. Natawa din ako sa sinabi niya. Hanggang sa nag ingay ang aso namin. Hindi raw kami nakapag-usap ng maayos dahil panay ang tahol ng aso namin na si Syclla na nagseselos na may kausap ako. Sa huli, nagpaalam na kami at nagpatuloy sa pag-uusap. 

👷: "Ano ang tawagan natin?"

Hindi ko agad naisip ang sinabi niya. 

🙋: "Ano na lang boss ang tawagan natin."

👷: "Bakit boss?" 

🙋: "Dahil boss mo ako, boss kita."

Tinawanan niya lang ako. Sa huli, tinawagan namin ang isa't isa. Natatawa lang ako. Bakit ko nasabi ‘yon boss? Unti-unting nagbago ang isip niya. 

👷: "Palitan na lang natin boss."

👷: "Mahal na lang tawagan natin."

👷: "Doon din naman pupunta nun."

🙋: "Ano pala?"

 👷: "Mahal na lang, tawagan nating dalawa. Wag na boss."

 🙋: "Bahala ka." 

👷: "Okay, mahal."

Hindi ako handa sa sinabi niya. 

👷: "Mahal, gusto na kitang makita?" 

🙋: "Ngek, boss ang pangit ko sa personal. mukha ko akong Chaka." Tinawanan niya lang ako. 

👷: "Hindi rin ako guwapo." 

🙋: "Weh! Ang guwapo mo yata. Nahihiya ako  mukha  talaga akong  Chaka." 

👷: "Hindi naman."

 👷: "Mahal, I want to see you.

Ano raw? ‘Yon  na lang ang sabi ko sa sarili ko. 

👷: "Gusto kong bumuo ng pamilya. Nasa tamang edad na tayo." 

🙋: "Gusto ko man magkaroon ng pamilya, kaso wala eh, forever na akong single." 

👷: "Eh, di tayo na lang."

Ang tanging nagawa ko lang ay pagtawanan siya. Saan nanggaling ang mga sinasabi niya? 

👷: "Magkita tayo para magkilala natin isat-isa.

🙋: "Hindi ko kinaya ang sinasabi mo."

‘Yon lang nasabi ko. 

👷: "Saiyo lang naman ako naglalandi ah!”

🙋: "Ang landi mo kasi."

 👷: "Nasa tamang edad na tayo."

 
🙋: "Ilang magkakapatid kayo,  boss?"

Iniba ko na lang ang usapan. 

👷: "Tatlo. Ako ang panganay." 

🙋: "Ako rin ang panganay. Sa mga kapatid ko, ako lang ang hindi kasing suwerte nila." 

👷: "Hindi naman." 

🙋: "Proud ako sa kanila na may naabot sila. Ok lang ako kahit hindi ako suwerte, basta sila hindi. Proud na maayos ang takbo ng buhay nila. Naiinggit ako sa sarili ko na wala akong naabot. Ako kasi, bobo sa kanila. Iyong dalawa kasi tapos na ng engineering, at iyong bunso, 3rd year college na siya. Same course mo siya, boss."

👷: "Hindi ka naman malas."

‘Yon lang ang nasabi niya. Ang dami naming pinag-usapan. Hindi ko namalayan ang oras. 

👷:"Mahal, tulog na tayo." 

🙋: “Good Night.”

👷: Goodnight. I love you, mahal."

Napakalaki ng ngiti ko. Bigla akong kinilig. Ganito pala ang pakiramdam na may magsabi ulit ng ganito sa iyo. Laging ako ang nagsasabi nito sa mga sinulat ko. Tapos ngayon may nagsasabi sa'yo. Para akong nainlove sa kan'ya. Paano ba naman kasi ang gahan niyang kausapin at nakakasabay ko ang bawat landi niya. Noon, kapag ganito ang topic, awkward para sa akin. Siguro dahil nasanay na akong magbasa ng mga ganitong kuwento ay hindi na bago sa akin ang mga paksang ito. Pero ngayon na nakasanayan ko. Kayang-kaya makipagsabayan. Pero ngayon, nasanay na ako na ang topic namin ay puro kalandian lang. Hindi agad ako nakatulog. Kahit na nagpaalam na kami sa isa't isa, nagbukas pa rin ako ng FB. Bigla akong nawalan ng antok dahil sa excitement na nararamdaman ko. Pero kalaunan ay nagpasya akong matulog. Madalas akong nagdadasal sa Diyos at salamat sa araw na iyon at syempre hiniling ko ang kaligtasan ng pamilya ko. Pero dahil sa iniisip ko. Biglang bumalik sa isip ko ang madalas kong ginagawa. Sa pangalawang pagkakataon ay humiling ako.  Sana kung si L3nra ba ang taong nakatadhana para sa akin. Ang tanda na ito ay nagbibigay sa akin ng liwanag ng aking pag-iisip. Ang sign na hinihingi ko pag umabot kami ng 1 month ibig sabihin siya na ‘yong lalaking nakalaan para sa akin. Ang weird ng ganitong sitwasyon ay gusto ko ito. Parang binabase ko si L3nra sa dasal ko na para bang pagdedesisyon ako sa bawat sign dito. Pero wala! Tawagin mo akong baliw, ngunit ito ay kung sino ako. Umaasa sa sign. Hanggang sa nakatulog ako.

My Dream ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon