Chapter 6

9 5 0
                                    

Chapter 6

Che's Pov

Umaga na naman. Agad kong kinuha ang phone ko para buksan ang app. Dati, ang una kong binuksan ay Facebook, para lang makapag-update ako kung sakaling may bagong update. Pero ngayon parang naging baliwala para sa akin ang pagbubukas ng Facebook, at mas naging priority ko ang app dahil sa isang taong kausap ko araw-araw. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ang alam ko napapangiti lang ako kapag kausap ko siya. Sinubukan ko lang ulit ngayon at makakausap ako. Ewan ko ba bigla akong nagtiwala sa kan'ya kahit hindi ko naman siya kilala ng lubusan. Parang kinakausap niya lang ako. At kaya kong sabayan lahat ng kalokohan niya. Siguro dahil matured na kami mag-isip. Hanggang gabi, nag-uusap pa rin kami.

👷L3nra: "Mahal, may pick-up line ko sa'yo?

🙋 @Che: "Ano?

"👷: "Meralco ka ba?

🙋: "Bakit?"

👷: "Dahil ikaw ang liwanag ng buhay ko."

Natawa na lang ako bigla. Hindi ito bagong pickup line.

👷: "Dugo ka ba?

🙋: "Bakit?"

👷: "Kasi hindi ako mabubuhay kong wala ka.

🙋: "Boom! HAHA."

👷: "Last."

🙋: "Ano?"

👷: "Puno ka ba?"

🙋: "Bakit."

👷: "Gusto dumapo ibon saiyo."

Natawa na lang ako.

🙋: "Bunganga mo."

👷: "Sorry na mahal."

🙋: "Ayos lang, sanay na ako sa'yo."

🙋: "Kaya hinayaan na lang kita."

Tinawanan niya rin ako.

👷: "Mahal kita."

🙋: "Saranghae."

👷: "Ano Saranghae?"

Natawa lang ako.

🙋: "Alamin mo?"

👷: "Aalamin ko?"

Natawa na lang ako. Halatang hindi nanonood ng kdrama.

🙋: "Bahala ka, hindi ko sasabihin."

Tinawanan niya lang ako ulit.

👷: "Anong ginagawa mo mahal?

🙋: "Konting edit lang. May update man lang ako."

👷: "Update mo din ako."

👷: "Gumawa ka ng wattpad story about us."

👷: "Title: My Dream man.

🙋: "Sige, gagawin kitang masama sa kuwento."

Tinawanan niya lang ako.

👷: "Ok lang. Basta tayo ang bida sa story."

🙋: "Sige boss, update na lang kita pag tapos na ako."

👷: "Matulog na tayo mahal. May pasok pa ako bukas."

🙋: "Sige, goodnight."

👷: "Good night din, mahal."

Napangiti na lang ako. Pinatay ko na ang phone ko at natulog. Kinabukasan, agad kong binuksan muli ang App. Naka-online siya. Agad niya akong binati. Nag-usap kami ng ilang oras.

👷: "Mahal ginagawa mo?"

🙋: "Mag-eedit muna ako boss. May tatapusin pa ako.

👷: "Marunong din ako gumawa ng story."

🙋: "Talaga! Ikaw ba ay isang manunulat?"

Masayang sabi ko sa kaniya.

👷: "Hindi naman mahal. Madali lang gumawa ng story."

Hindi ko alam kung proud lang ba siya sa sarili niya o mahangin lang. Hindi lahat ay biniyayaan ng ganitong talento o di kaya'y matalino siya. Naisip ko lang na nakapagtapos siya ng computer science. Kasi ganoon din ang kurso ng bunso kong kapatid at sabi ng kapatid ko isa din ito sa pinakamahirap na course marami din daw bumagsak sa major subject nila at mahirap din kasi may coding. Kuwento lang ito sa akin ng com sci kong bunsong kapatid na ngayon ay graduating na rin.

🙋: "Akala ko ba writer ka?"

'Yon lang ang nasabi ko. Maya-maya nag send siya sa akin. Gumawa siya ng kuwento. Okay naman ang sinulat niya.

🙋: "Ok na ito. Pang intro sa story."

'Yon lang nasabi ko. Tinawanan niya lang ako. Agad kong kinopya at nilagay sa Wattpad. Pagkatapos mailagay, gumawa ako ng book cover ng libro. Nag-offline ako ng ilang oras at binuksan ang Canva at naghanap ng maaaring maging book cover ng libro ko. Sa aking paghahanap, isang lalaking nakatalikod ang nakakuha ng atensyon ko sa isang inukit na book cover ng libro. Nang matapos ko ang gawain, ini-save ko ito sa aking gallery. Binuksan ko ulit ang app para ipakita ang book cover na ginawa ko.

🙋: "Boss, ito ang book cover ko. Ginawa mong title ang my dream man."

Hindi na siya online. Maya Maya, naghintay ako ng 5 minutes. Nakaalis na ako nung nagchat siya. I wonder kung online pa ba siya. Ang alam ko kasi hindi siya nag online sa umaga. At most, online siya around 1. Konting chat lang nung break time niya.

👷: "Ang ganda. Basta tayo ang bida!"

'Yon lang ang sinabi niya.

👷: "Oo,"

Sabi ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ito. Nakikisakay lang ako kasi sa kalokohan niya. At kung sakali, first time kong magsulat ng true to life story naming dalawa dahil sa chat na 'to. Parang nakakahiya pero susubukan kong gawin. Hindi naman lahat, siyempre, kapag nasa gitna ay babaguhin ko ang kuwento.

👷: "Okay, mahal."

🙋: "I-update kita boss kapag tapos na ako."

👷: "Sige mahal, nasa trabaho ako."

🙋: "Ok. Boss."

'Yon lang nasabi ko. Offline ako. Ipinagpatuloy ko ang kuwento sa akin ni Lenra at agad ko itong ginawa. Hinimok niya akong ipagpatuloy ang kuwentong nasimulan niya. Hanggang sa hindi ko namalayan na ang sinulat ko ay tungkol sa aming dalawa na nagsimulang magchat at hanggang ngayon ay kinakausap ko pa rin siya. Sa pagsusulat ko, hindi ko namalayan ang sinulat ko, umabot ng 1k ang bilang ng mga sinulat ko. At Pagkatapos kong magsulat, nagpatuloy ako sa aking pag-edit sa isang kuwentong pinamagatang Ang mahiwagang kagubatan. Sa editing ko, halos dalawang chapters ang na-edit ko. Sobrang saya ko ngayon. Gustung-gusto ko ang aking pag-edit. Siguro dahil na-inspire ako o dahil unti-unti akong nahuhulog sa kan'ya.

My Dream ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon