Chapter 8

15 5 0
                                    

Chapter 8 

Che's Pov

12 days later, nag open ulit ako ng ML para maglaro, at least epic man lang. Pagbukas ko, may message ulit akong natanggap. 

Dheoda20: "Ayos na ang CP ko." 

@Che:  “Ok."

Sagot ko lang. Ngunit hindi ko muna binuksan ang app; Naglalaro ako ng rank ng tatlong beses, at pagkatapos ay nag-logout ako. Maya maya nag open ako ng app na may chat galing sa kan'ya. 

👷: "Lenra: "Mahal,  miss na kita. Namiss mo ba ako?"

🙋: "@Che: "Namiss mo ba ako?" 

👷: "Ikaw tinanong ko?"

Ngumiti lang ako sa kan'ya. 

👷: “Busy ka ba?”

🙋: "Oo, katatapos ko lang mag-edit.  May chat  kasi sa akin kailangan kong gumawa ng special chapter para sa libro kong I Heart You. Kaya kailangan kong tapusin ito.”

👷: "Ay, sige!"

Iyon lang ang sinabi niya sa akin. Hindi na ako nagreply sa kan'ya. Kinagabihan, binuksan ko ulit. Nakita ko siyang online. Hinayaan ko na lang, at hindi na ako nag-abala pa hanggang 10 p.m., noong online pa siya. Nagulat ako ng hindi man lang niya ako ni chat. Pero hindi ko na lang ulit siya pinansin. At hindi ko na siya i-chat  pa. Hinayaan ko lang siya. Sa tingin ko baka busy siya, at ayokong magkagulo. Dahil inaantok ako, maaga akong natulog. Kinabukasan, naghintay ako ng chat niya. Madalas siyang magmessage sa akin kung hindi umaga o tanghali, pero wala siyang message. Hinayaan ko na lang dahil may trabaho siya at busy lang. Pagdating ng hapon, online siya hanggang 10. Doon ako nagtaka. Inistalk ko siya, at nakita ko na may nakita akong pina-follow niya. At dahil nag-o-overthink ako, ini-stalk ko rin ‘yong mga finallow niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman ako ganoon kaselosa. Hindi ko alam kung bakit napapadalas selos ko sa kan'ya, kahit alam kong magka-chat lang kami. At hindi ko  inaasahan na malalim ang samahan. Parang unti-unti na akong nahuhulog sa kan'ya na hindi dapat dahil alam kong ako lang din ang masasaktan sa huli. Pero hindi ko maiwasan o kontrolin ang nararamdaman ko. Nagpakatanga pa ako. Pero sa huli, hinayaan ko. Natulog ulit ako. Kinabukasan, nagchat siya sa akin. 

👷 Lenra: "Magandang umaga."

Nagulat ako nag chat siya. Sabi ko himalang napansin niya ako.

 🙋Che: "Walang maganda sa umaga."

Ngayon ay umiral na naman ang aking topak. Inaaway ko na naman siya. 

👷: "Bakit naman?" 

🙋: "May kachat kang iba." 

👷: "Nandiyan na naman siya."

🙋: "Online ka kagabi, pero hindi ka nagparamdam." 

👷: "Naka-wifi kasi ako kaya masasabi mong online ako.”

🙋: "Tsk!"

Iyon lang nasabi ko. Naiinis ako sa kan'ya. Buong araw kaming hindi nag-uusap. Kahit alam kong online siya, naiinis na naman ako. Hindi ako makatulog kakaisip. Para akong ewan, bakit ganito ang maramdaman ko. Sobrang apektado ako. Samantalang siya ay wala lang. Hay, hindi ko alam! ‘Yon lang ang masasabi ko sa sarili ko. Natulog ulit ako ng maaga. Kinabukasan ay tila sinusubok ng panahon. Isa pang araw sa amin mula 6 a.m. hanggang 6 p.m. brownout sa amin. Wala kaming communication maghapon. Pagdating ng gabi at nagkaroon ng kuryente, nag-online agad ako at binuksan ang pop-ub. Nadismaya ako na wala man lang akong natanggap sa chat niya, at ang masakit ay online siya. Hindi ko siya chinachat kahit alam kong online siya. Nag-o-overthink na naman ako. And around 10, online pa rin siya. Hindi ako nakatiis kaya nakipag chat ako sa kan'ya. 

🙋@Che: Sana makilala  tayo sa hindi inaasahan na pagkakataon. God bless you."

‘Yon lang ang nasabi ko.  Agad niyang sagot. Sabi ko online siya. Hindi ako sumagot na natulog lang ako. Kinabukasan. Isang araw siya hindi talaga nagramdaman. Katulad ng dati, hinayaan ko lang siya. Sabi ko sa sarili ko titigil na ako sa nararamdaman ko. Pero kung bakit pilit ko siyang iniiwasan, siya naman ang nag-chat sa akin. Ako naman, hindi ko maiwasang i-chat siya. Katangahan kung tanga ako, pero hindi ko alam kung bakit  aking puso na nagdidikta na sagot ko siya. Ang utak ko ang nagsasabi na itigil ko na ang kabaliwan ko, pero sa huli, puso ko pa rin ang sumusunod. 

🙋Che: "Wala kang ka-chat ngayon, icha-chat mo  ako?"

Hindi ko mapigilang sabihin sa kan'ya. 

👷: "Wala nga akong kachat. Nag-o-overthink ka lang." 

🙋: “Weh!"

Iyon lang ang sinabi ko. Maya-maya, may proof siyang sinend sa akin.

🙋: "Hindi ka nagcha-chat sa akin."

Hindi ko mapigilang magtampo sa kan'ya. 

👷: "Hindi kita na-chat dahil inaaway mo ako."

Hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Pero hayaan mo na. ‘Yon lang ang nasabi ko sa sarili ko.

 🙋: "Hindi ka seryoso, boss."

Dapat na ba akong umalis? Bakit ko sinabi sa kan'ya ‘yon? Palagi akong naging totoo sa kan'ya. Kahit na parang hindi ako pinapansin, sino ba naman ako? Sa chat lang kami nagkakilala at hindi pa lubusang kilala. Kaya naman kakaiba ang nararamdaman ko. 

👷: "Seryoso ako, mahirap lang ang sitwasyon natin at may trabaho ako.”

🙋: "Sabagay.”

🙋: "Tapos inaaway pa kita."

Yon lang nasabi ko. Ayoko nang magsalita. Paulit-ulit na kasi akong nagrereklamo sa kan'ya. Ayokong magsawa siyang kakaselos ko kaniya, iiwasan  na lang ako. 

👷: "Ok lang, Ok lang ganyan talaga pag love mo ko aawayin.”

👷: "Tiis tiis lang."

🙋: "Kahit selosa."

Yon lang ang nasabi ko sa kan'ya. 

👷: “Ewan."

Tumahimik na lang ako at hindi na muling nag reply sa kan’ya. Ayoko nang magsalita, at nauwi na lang sa pagiging selosa ko. Katulad nito, sinabi niya na ewan. May posibilidad na ewan ako kapag nakahanap siyang iba. Nag-off na lang ako. Ayaw ko nang dumagdag pa sa iisipin. Isa pa, may work din naman siya at inunawa ko na lang, masyado lang ako nag-overthinking. Pero pangako ko sa sarili ko na hindi na ako nagkakagusto sa kaniya. Hanggang sa na tulog na ako.

My Dream ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon