Special Chapter

18 4 0
                                    


Quotes

Sa chat man tayo'y unang nagkakilala, kung hindi man tayo tinadhana, masaya naman akong nakilala kita."

--------
Kuwento ng Pag-ibig
(Situationship)
Written by: c_sweetlady

2 months silang nag-usap sa online chat at hindi pa nagkikita ng personal. Dito nagsimula ang kanilang relasyon, ngunit hindi nagtagal ang kanilang matamis na pagmamahalan. Tunghayan ang kuwento nina Charm at Luke.

2 months ago, walang paramdam si Luke sa kaniya, at hindi na niya ito kinulit simula nung tumigil na ito sa pag-chat at naglaho na parang walang pinagsamahan.

Labis na sakit ang naramdaman ni Charm nang iwan siya nito. Napakaraming tanong sa kaniyang isipan nang magsimulang iwan siya ni Luke ng walang dahilan. 

Nagulat si Charm nang magbukas siya ng Facebook nang may nag-add ng friend request sa kaniya. At agad niya itong tingnan. Laking gulat niya nang mag-friend request si Luke na hindi niya inaasahan dahil iniwan siya nito ng walang dahilan.

Nagdadalawang isip si Charm kung kikumpirma ba ito o hindi. Sa huli, hindi niya kinaya; kahit may pagdududa ay agad niyang tatanggapin dahil may gusto rin siyang linawin sa kanilang relasyon. 

Maya maya ay nagchat si Luke sa kaniya. 

@Luke: Kumusta?  

Charm Seen…

@Luke: Kumusta? 

@Luke: Seen  lang!

Dahil sa pangungulit ni Luke, nag-like siya sa chat ni Luke na 'Kumusta?'"

@Luke: Mahal, galit ka ba sa akin?

Hindi na nakatiis si Charm. Kinausap niya si Luke.

@Charm: Hindi ako galit sa'yo. Tsaka wala akong karapatan magalit sa'yo.

@Charm: Kung sa tingin mo galit ako. hindi ako galit. 

@Charm: Kung may isang bagay lang akong gustong itanong sa'yo... Pero, wag na lang! Ayaw ko nang magtanong; alam ko naman ang dahilan

@Charm: Kapag kasi nagtanong ako, mas lalo lang akong masasaktan kahit alam ko naman ang dahilan.

@Charm: Ang masakit lang ay wala lang ako para sayo. Iniwan mo akong mag-isa. 

@Charm: Ang dami kong tanong sa sarili ko. Nag-o-overthink na naman ako. Ngunit hayaan na, nangyari na rin naman ito.

@Charm: Ang hiling ko lang sa'yo ay maging masaya ka sa bagong mo ngayon.

@Charm: At palagi mong iisipin na hindi ako nagalit sa'yo.

@Charm: At salamat sa lahat ng pinagsamahan natin dalawa. 

@Charm: Panahon na binigyan mo ako ng oras para kausapin ka.

@Luke: Mahal, sorry!

Charm Seen….

@Luke: Mahal, ikaw pa rin ang mahal ko. Maaari ba tayong Magsimulang Muli?

@Charm:  Nakakatakot ka pong mahalin. Nang-iiwan ka nang walang dahilan.

@Charm: Noong araw na halos hindi ako makakain at makatulog kakaisip kung bakit hindi ka na nagparamdam.

@Charm: Alam ko may sinabi ako sa’yo na baka nasaktan ka sa sinabi ko nung gabing ‘yon. 

@Charm: Sorry, nadala lang ako sa selos ko.

@Charm: Pero ok pa naman tayo nung gabing ‘yon diba! 

@Charm: Ang hirap sa’yo. Hindi ka nagsasalita. 

@Charm: Selosa ba ako? Handa akong magbago para sa'yo. 

@Charm: Pero huli na, nagbago na ako. Nabago muna ang pananaw ko.

@Charm: Natatakot akong magmahal ulit. 

Natatakot akong subukan kung sa huli ay masasaktan din ako. 

@Charm: Siguro kikilalanin ko muna ang sarili ko dahil sa insecurities ko. 

@Charm: Salamat, Boss!

@Luke: Sorry, Mahal

Charm Seen…..

“Sa chat man tayo'y unang nagkakilala, kung hindi man tayo tinadhana, masaya naman akong nakilala kita."













My Dream ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon