Chapter 15-Ano ba ang nadarama ko para sa'yo?

12 5 0
                                    


Chapter 15

Ano ba ang nadarama ko para sa'yo?
Composed by: Che

Una tayong nagkilala sa chat
Hindi ko akalain
Mabubuo ang ating samahan
Asaran, kulitan, at kung anu-ano pang paksa
Handa akong makinig araw at gabi.
As long as we talk and I'm happy there
Pero hindi ko inaasahan
Ako si Tanga, lihim na umiibig sa iyo

Kahit ilang minuto lang
Ikaw ang nasa isip
Naghihintay ako sa mga mabulaklak mong mensahe.
Sa tuwing mag hugot ka ng mga quotes,
I love it, kahit corny
Pagdating sayo
Parang perpekto ang lahat

Chorus:

Ano ba ang nadarama ko para sa'yo?
Teka lang! Baka saglit lang
Masasabi ko lang na may konting pagtingin
Nakakalito ang damdamin, o nasanay lang ako
Ikaw ang kausap ko
Oras na; Kailangan kita
Ano ba ang nadarama ko para sayo?
Tinamaan ba talaga ako, o ilusyon lang?

Lumipas ang mga araw, umiiwas ako Palagi kong sinasabi sa sarili ko, 'Tanga, chat lang ito
Huwag kang maniwala.' Pero bakit ganoon, kahit gaano ko pa Paalalahanan ang sarili ko, tinamaan pa rin ako sa iyo

Ano ba ang nadarama ko para sa'yo?
Parang tangang kausap ang sarili
Ganoon talaga
Nadala lang ako ng puro pangako
Naghihintay ng kung ano sa gitna ng malalim na pag-iisip
Teka lang! Baka saglit lang
magsisinungaling ako sa sarili ko
Hindi ko kayang lumayo
Isa akong tanga na mahilig humingi ng sign
Dahil sa sign na ito, nagulo ang utak ko

Repeat chorus 2x

Ano ang nararamdaman ko para sayo?
Teka lang! Baka saglit lang
Masasabi ko lang na may konting pagtingin
Nakakalito ang damdamin, o nasanay lang ako
Ikaw ang kausap ko
Oras na; Kailangan kita
Ano ang nadarama ko para sayo?
Tinamaan ba talaga ako, o isa lang itong ilusyon?

My Dream ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon