Puno ang lugar ng mga taong nakasuot ng damit na kulay itim. Maski ang payong na dala na nagsisilbing panangga nila sa manaka-nakang pagpatak ng ulan ay itim din. Tanging ang abito lamang na suot ng pari ang naiiba habang nakaharap iyon sa kabaong at binabasbasan iyon ng banal na tubig. Matapos ang maikling dasal na inusal ng pari ay humarap siya sa dalawang babae na nakaupo sa may harapang parte at inabot ang pambendisyon.
Naghalo na ang tunog ng pagngawa ng mga tao sa paligid pati na rin ang nakakakilabot na pag-iyak ng hangin. Si Erica naman ay nakatayo lamang sa harapan ng kabaong ng kanyang Ina. Blanko ang kanyang mukha at walang pinapakitang emosyon. Samantalang ang kapatid niyang si Jhem ay yakap-yakap ang kabaong ng kanilang Ina.
"Ibababa na natin." Wika ng isang tauhan ng sementeryo.
"H'wag muna po." Pakiusap ni Jhem sa lalaki.
Nakahalukipkip si Erica habang minamasdan ang kapatid sa pagtangis. Nang makita ni Erica na hindi na natutuwa ang mga tauhan ng sementeryo dahil medyo nagtatagal ang kanilang trabaho ay pinilit na niyang ilayo ang kapatid sa kabaong ng kanilang Ina.
Hinawakan niya ito sa dalawang balikat at sinubukang pakalmahin. Yumakap ito sa kanya na parang nanghihingi ng lakas sa kanyang kapatid. Sa totoo lamang ay mas bata si Erica kumpara kay Jhem ngunit hindi gaya ni Jhem, hindi siya naging ganoong kalambing sa kanilang Ina. Hindi naman sa hindi niya mahal ang kanilang Ina, hindi lang niya siguro alam kung paano magpakita ng tamang emosyon.
Habang unti-unting binababa ang kabaong ng kanilang Ina ay isa-isa nang naglapitan ang mga nakiramay upang magtapon ng bulaklak sa hukay. Agad na rin nilang nililisan ang lugar matapos makapagpa-alam sa magkapatid hanggang dumating na sa puntong ang malalapit na kamag-anak na lamang ang natira.
Nanatili sila Jhem at Erica hanggang sa huling sandali na matabunan na ng lupa ang hukay. Nilapitan pa nilang dalawa ng huling beses ang ligar na iyon. Si Jhem ay umupo pa para hawakan ang lupa at magpaalam samantalang si Erica naman ay sinulyapan na lamang ang lugar na iyon at umalis na.
Papaalis na sana sila nang masulyapan ni Erica ang isang makisig na laalki na nakatanaw sa kanilang direksyon. Malinis ang pagkakaayos ng buhok nito na nakahawi sa isang direksyon. Nakasuot ito ng salamin na nakasalalay sa matangos nitong ilong. Parang noon lamang siya nakakita ng ganoong kakisig na lalake.
Pinauna na ni Erica ang kapatid na si Jhem na umuwi sa bahay at sinabi niyang may kailangan pa siyang gawin. Sumabay na lamang si Jhem sa kanilang mga tiyahin sa pag-uwi at baka may mga bisita pang naroon. Nakakahiya naman kung hindi nila eestimahin ang mga ito. Si Erica naman ay tinungo ang lalaking kanina pa nakatingin sa kanilang lugar. Nakasandal ito sa puno habang hinahangin hangin ang suot nitong coat na kulay itim.
"Excuse me? Kilala mo ba si Mama?" tanong ni Erica dito. Napansin nitong basa na ang buhok nito dahil wala itong dalang payong at sumukpb lamang sa mayabong na puno.
"Medyo." Tipid na sagot nito sa kanya.
"Para kasing ngayon lang kita nakita.
"Ikaw rin naman ngayon ko lamang nakita."
Ilang sandali pa at nagdesisyonnang magpaalam ang lalaki. Ayaw niya na raw hintayin na lumakas pa ang buhos ng ulan at baka lalo siyang hindi makauwi o di kaya ay magkasakit. Pipnagmasdan lamang ni Erica habang papalayo na ang lalaki. Ngayon lamang nangyari na may isang lalake na nakakuha ng kanyang interes. Malayo na ito nang bigla niyang naisip na nalimutan niyang kuhanin ang numero o kahit na nga ang pangalan lamang ng lalaking kausap niya. Nanghinayang tuloy siya sa pagkakataon na makadaupang palad ang lalaking iyon. Umuwi siyang sising-sisi na baka iyon na ang huling beses na makikita niya ang misteryosong lalaki.
Pag-uwi niya ay nadatnan pa niya sa kanilang bahay ang kanilang mga tiyahin pati na rin si Jhem na hindi pa rin maipinta ang mukha dahil sa pangungulila. Pero hindi na mahalaga ngayon ang pagkawala ng magulang para sa kanya, ang mahalaga ay makilala niya ang misteryosong lalaki na dumating sa libing ng kanilang Ina. Inusisa niya tuloy ang kaniyang mga tiyahin, umaasa nab aka kilala nito ang lalaking nakiramay.
"Tiya Elena, napansin niyo ba ang lalaking nakipaglibing kanina? Isa siya sa mga natira sa mga nakipaglibing. Mataas siya, maayos ang buhok na parang sa isang modelo, matangos ang ilong niya at nakasalamin." Tanong niya kay Tiya Elena pero lahat naman doon ay nakikinig.
"Wala kaming napansin. Kayo ba?" baling ni Tiya Elena sa iba pang taong nandoon.
"Wala rin kaming napansin eh."
Isang linggo ang lumipas at hindi pa rin mawala-wala sa isip ni Erica ang tungkol sa lalaking iyon. Nais muli niya itong makita. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto nito sa kanya. Madalas siyang napapatulala na lamang at sa gabi naman ay hirap siyang makatulog nang dahil sa kaiisip. Kailangan niya itong makausap muli kung hindi ay mababaliw siya.
Sinubukan niyang ibaling ang kanyang atensyon sa ibang bagay sa pagasang mawawala ang pananabik niya na Makita ang misteryosong lalaki ngunit wala pa rin iyong nagawa. Hanggang sa naisipan niyang kausapin ang kanyang kapatid na si Jhem tungkol sa bumabagabag sa kanyang isipan. Eksaktong nasa sala silang dalawa at nagbabasa ng libro ang ate niyang si Jhem nang kausapin niya ito.
"Ate, nakaranas ka na ba na may nakilala kang isang tao na hindi mawala sa isipan mo?"
Sandaling tinigil ni Jhem ang pagbabasa niya ng libro at kinausap ang kapatid. Ngayon lamang ito nagbukas ng ganitong isyu sa kanya at nasisiyahan siya. Marahil kagaya niya ay nangungulila rin ito sa kanilang Ina.
"Si Mama. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Mama." Nagsisimula pa lang siyang magkwento ay nangingilid na ang luha niya.
"Hindi ganoon. 'Yung parang hindi mo siya kilala at minsan mo lang siyang nakita."
"Tungkol ba ito doon sa lalaking tinatanong mo kila Tiya matapos ang libing? Malay mo makabangga mo siya sa paglalakad mo o di kaya hintayin mo na lamang ang susunod na libing sa pamilya natin at baka makipaglibing ulit." Biro nito sa kapatid para mawala din ang nararamdaman niyang sakit sa pag-iisip sa kanyang Ina. Matapos iyon ay bumalik na siya sa pagbabasa ulit ng libro. Si Erica naman ay nanatiling tahimik at malalim ang iniisip.
Isang buwan matapos ang libing ng Ina ni Erica ay muli siyang nasa sementeryo para ihatid sa huling hantungan ang kaniyang ate na si Jhem. Na-depress daw ito at naglason. Hindi raw kasi nito kinaya ang pagkamatay ng kanilang Ina. Pinagtabi nila ang puntod ng mag-ina para kahit sa kabilang buhay daw ay hindi maghiwalay ang dalawa.
Maya-maya pa matapos matabunan ang hukay na pinagbaunan sa labi ni Jhem ay nakitang muli ni Erica ang pamilyar na mukha. Naroon muli ang lalaking nakipaglibing sa kanyang Ina at mukhang nakikiramay ito sa pagkamatay ng kanyang ate. Agad niya itong nilapitan at ayaw niya nang palampasin ang pagkakataon na ito.
"Nakikiramay ka ulit? Ako nga pala si Erica. Last time na nakita kita hindi ko man lamang nakuha ang pangalan mo. Hindi rin ako nakapagpasalamat." Kumpara sa reaksyon ng isang namatayan ay walang bakas ng pagdadalamhati kay Erica puro iyon kasiyahan.
"Steven nga pala. Hindi na rin ako nakapagpakilala noon dahil nagmamadali na ako."
"Tama nga si Ate. Makikita ulit kita sa oras na may nilibing muli sa amin. Buti na lang sinunod ko ang sabi ni ate."
BINABASA MO ANG
Pinoy Horror Stories II (Completed)
HorrorCreepy tales from the underworld. Paalala: H'wag ninyong babasahin nang nag-iisa.