"Oy! Aoife dalian mo binubugbog ng nanay mo ang kapatid mo." Bungad ng kapit bahay namin paglabas na paglabas ko pa lang ng sinasakyan kong tricycle.
Nadatnan ko na maraming taong nakikiusyoso sa tapat ng bahay namin at nagbubulungan. "Excuse me po. Makikiraan." wika ko na agad naman nila akong pinadaan.
Lumuhod ako at niyakap ang kapatid kong babae na yakap-yakap din ang kapatid kong lalaki na si Kiel habang umiiyak. Bakas sa mukha ni Kiel na gusto na nya itong labanan pero pinipigilan lang nya ang sarili nya para di nya masaktan ang magulang namin.
Si Kiel ang sumunod sakin. Dapat magtatapos na sya ng Senior high school ngayong taon pero napag-isipan nyang tumigil simula nang makapasok ako ng kolehiyo, sya ang tumulong sakin para makatapos ako ng pag-aaral. Kaya nang makatapos ako ay agad din akong naghanap at pumasok sa trabaho para makapagtuloy na din sya ng pag-aaral. Ngunit dahil sa biglaang pagkakasakit sa baga ang bunso naming kapatid. Sya ang naging katuwang ko sa lahat.
Sya din ang sumuporta samin magkakapatid, sya na ang tumayong tatay sa mga nakakabata naming kapatid, dahil sumaka-bilang bubong na ang aming butihing ama.
Simula ng iiwan kami ni papa kay mama, di sya nagbibigay samin ng sustento at si mama naman puro sugal ang inaatupag, minsan nakikita din namin syang may kalandian sa sugalan pero nanahimik lang kami.
Lalong nalulong sa sugal si mama, dumating sa punto na pinapakialaman nya ang gamit naming lahat. Kaya kailangan na naming ipatago sa iba ang perang para sa kapatid naming bunso para lang di mawala o di nya makuha.
"Hoy, ikaw babae ka san ka galing? Bat ngayon ka lang umuwi? Naglandi ka siguro no?"
"Sinabi ko naman sayo ma, naghahanap ng part-time si ate na pang-gabi para sa gastos ni bunso sa ospital." Sagot ni Kiel habang naka-kuyom na ang kamao.
"Oh edi may pera ka?" lumapit si mama samin at hinablot ang bag ko.
Kinuha nya ang pitaka ko at nakita nyang may isang libong naka-ipit dun. "Ma, akin na po yan, para sa operasyon ni bunso yan." Pilit kong kinukuha ang pera sa kanya.
"Wala akong pake. Edi magtrabaho ka na lang ulit." Wala ka talagang kwentang ina. Gustong-gusto ko na yun sabihin sa kanya pero nanahimik lang ako at inasikaso ang mga kapatid ko.
Umalis agad si mama matapos nyang kunin ang pera. Pumasok naman kami sa loob ng bahay at ginamot ang mga pasa ni Kiel at Alice. "Sorry." salitang tanging lumabas sa bibig ko habang nakayuko. Di ko sila kayang tingnan ng diretso dahil awang awa ako ng kanila.
"Ayos lang kami, ate" pagpapagaan ni Kiel ng loob ko habang hinahagod nya ang likod ko. Malas ako sa magulang pero hindi sa mga kapatid. Nagpapasalamat ako kahit na ganon ang magulang ko nagkaroon kami ng pagkakaisa magkakapatid.
"Aoife, ganto gagawin mo lagi..." panimula ni Clarisa.
First day ko sa work ko after promotion. At ngayon, iti-train muna ako ng senior ko na si Clarisa sa mga responsibilities ko as secretary.
"I-aarrange mo lagi ang schedule ni sir. Remind mo sya 10 minutes before scheduled time." Tumango-tango naman ako habang nagno-notes.
"If ever na may mga scheduled meetings, i-clarify mo muna. Okay ba?" Tumango naman ako.
"Next week pa babalik si sir galing bakasyon. Wag ka ma-pressure okay naman si Sir Hades, moody lang." wika nito habang naka-ukit ang ngiti sa labi.
Nagpatuloy ang tutorial at training session namin sa mga nakalipas pang mga araw. Mabilis ko namang natutunan ang lahat ng tinuro ni ma'am Clarisa, kaya kahit medyo nangangapa pa ko ay, di gaano halata.
"Halika na Aoife, nandyan na si sir. Papakilala na kita." Tumango ako at sumunod sa kanya. Habang patungo sa opisina ng presidente, malalaking daga sa dibdib ko ang ramdam kong tumatakbo.
YOU ARE READING
Altair 1: Karma
RomanceAoife Marie Hernandez is a simple employee who lived in squatters area together with her gambler mother and her three young siblings. She sacrifice her freedom to marry Hades Karma Altair who caught on controversial scandal with her. Because of her...