Frozen Affection: CHAPTER NINE

14 0 0
                                    

"Master Hades!" Meredith exclaimed.

"Hades." I muttered with a big smile. Inilapag ko naman agad ang cellphone ko sa may center table. Ewan ko ba pero natutuwa ako lagi pag nakikita ko sya at nakakasama.

"Nagkasalubong daw kayo ni Angelique kahapon?" mahinahong tanong ni Hades habang patungo sa couch kung saan ako naka-upo.

Naglaho naman bigla ang ngiti ko ng marinig ang tanong nya. Pakiramdam ko ay bigla akong na-disappoint dahil di ko inaasahan ang mangyayari. Kaya ba siya pumunta dito... para lang tanungin yan? Di man lang nya ako tinanong kung maayos lang ba ako o kumakain ba ko ng maayos? Kasalukuyan na kaming naka-upo sa couch at magkaharap.

"O-oo." Naiilang kong tugon. Iniwas ko ang mata sa kanya. Bat ba ko nag-expect.

"Sino nagsabi?" balik ko sa kanya.

"Si Azi." he shortly replied.

"She told me na di ka daw lumaban. Bakit di mo prinotektahan sarili mo?" napa-awang naman ang labi ko at sumilay sakin ang konting pag-asa na may pag-aalala pa ito sakin.

"Paano kung wala dun si Azi? Papadala ka na lang sa kasinungalingan ng babaeng yun?" So di totoo yung mga pinagsasabi ng babaeng yun kahapon? Di totoo na ganoong klaseng tao si Hades?

"Pa-pasensya na." tanging katagang binitawan ko.

He let out a deep sigh and crossed his legs habang minamasahe ang sintido.

"Hades." pagkuha ko ng atensyon nito.

"Why did you say you can't love me that night?" tanong ko habang naka-yuko. Di ko man nakikita pero alam kong nakakunot ang noo nito.

"It doesn't concern you." napatingin ako ng diretso sa kanya dahil sa nararamdaman na inis sa dibdib ko. Now, he disregards me? Tsk.

"Kapal naman pala ng mukha mo. Pagkatapos mo akong-"

"Wala kang alam!" he shouted nang hinampas nya ng malakas ang mesa na ikinagulat ko. I see his fury in his eyes.

"Because you didn't tell me!" I exclaimed.

"Dahil wala akong dapat sabihin sayo!" he growled.

"Kasal tayo Hades!" napatayo na ko sa kinauupuan ko.

"Kasal?" he scoffed. "In papers Aoife." May diin niya sabi. Oo nga pala. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko nang makawala ito sa aking mga mata.

"And I married you because of that fucking issue. And because dad don't fucking want Azi clean my mess again!" dagdag pa nito na lalong ikina-iyak ko.

"But you said you truly love me! Kahit ano pang mangyari, hinding hindi mo ko iiwan at lolokohin! Was it all a lie, Hades?!" Naiiyak kong litanya. Pagpapa-alala sa kanya ng mga binitawan nyang salita ng mainit naming mga gabi.

"Yes." He didn't even hesitate to answer it quickly.

"Wa-What?" di ako makapaniwala sa narinig. Akala ko totoong mahal nya ko. Akala ko totoo na ang lahat.

"I was trying to love you, but... I can't."

"That's it?" natatawang tanong ko habang patuloy sa pagluha ko. Iniwas nito ang tingin sakin.

Maya-maya pa ay inilabas nito ang cellphone. May tiningnan muna ito bago umalis ng walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig.

How can I love such a heartless man like him?! Ano bang nagustuhan ko sa kanya? Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Madam, may bisita po kayo." mabilis akong lumingon sa may pinto.

"Hi, ate!" bati ni Eres sakin na may kasamang ngiti.

Altair 1: Karma Where stories live. Discover now