Frozen Affection: CHAPTER TEN

17 1 1
                                    

Simula nang bumalik kami, di ko na nakikita tuwing umaga si Hades, madalas itong umalis ng maaga at gabing-gabi na kung umuwi. Minsan naman ay di na ito umuuwi.

At dahil madalas namang wala si Hades sa tabi ko ay konti-konti na ko nasasanay. Ngunit di ko pa rin maiwasan na isiping manghingi ng tulong sa kanya lalo na kapag nahihirapan ako.

Maaga akong gumising para pumasok sa trabaho. Kahit medyo nahihirapan ako, kailangan ko maging matatag para samin ng anak ko.

Kailangan ko pa rin kumayod para di ko na asahan si Hades para sa aming dalawa ng dinadala ko.

“Good morning.” bati ko sa mga kapwa ko empleyado ng may naka-ukit na ngiti. Bakas naman sa kanila ang gulat nang makita ako.

“Huh? Bakit? May dumi ba mukha ko?” magkakasunod kong tanong na puno ng pagtataka.

“Wala naman.” tugon ng isang babae saka tumayo. “Nagulat lang kami. Sabi ni Mister president nag-resign ka na daw kaya nag-hire na ng panibagong secretary.” pagpapatuloy nya.

Apat na araw lang ako nawala dahil kailangan kong magpahinga yet, he hired another secretary?! Unbelievable.

“A-anong nag-resign?” nagkibit balikat naman ito bago muling umupo.

“Aoife!” lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Marianna.

“Yan.” agad naman ako lumapit. “Anong nangyayari? Paanong resigned?” magkasunod kong tanong dito.

“Yun nga rin tatanong ko sayo.”

“Nasaan si Hades?” nagmamadali kong tanong.

“Nasa office ny—” di ko na pinatapos ang pagsasalita nya, agad akong pumunta sa office ni Hades.

Di nya ko pwede tanggalin. Kailangan ko ng hanap-buhay para sa amin ng anak ko.

I barge into his office. “Hades! Mag-usap tayo!” I said full of courage.

“What d’ya want?” looking straight into my eyes, furrowed.

“Anong resigned? I didn't even passed my resignation letter.” he leaned his back on swivel chair .

“I don't need your resignation letter just make you resigned, Aoife.” he firmly said. Napaka-arogante talaga nya.

“Stay at home and focus on our child.” dagdag pa nito.

“Ang kapal naman ng mukha mo para sabihan ako ng gagawin ko!” I exclaimed. He clenched his jaw but he got back on his composure.

“Umuwi ka na Aoife.” utos nito sakin. Tsk. Anong tingin nya sakin bata?

He pressed the intercom to call guards. “Ano ipapakaladkad mo ko sa mga gwardya mo?” Bigla naman lumambot ang ekspresyon ng lalaki. The tension that surrounds the room were gone.

Bumuntong hininga ito at hinilot ang sintido. “l’ll have them escort you. I’m busy, wifey.” he said with gentleness.

Uminit naman bigla ang gilid ng mga mata ko. Wifey? Did I hear it right? Asawa ba talaga ang tingin nya sakin?

Mabilis naman nakarating ang mga gwardya. “Escort her.” ma-awtoridad na utos nito.

“Ma’am, tara na po.” wika ng isang gwardya kasabay ng paglahad ng kamay nito sa direksyon ng pinto.

Tumikhim ako bago muling nagsalita. “Kaya ko umalis ng walang bodyguard.” tumalikod ako at sinimulang mag-martsa palabas. Di ako pwede magpa-uto sa kanya. Kahit na kusa akong umalis, they still escorted me until the exit.

“Tsk. Wifey.” Inis kong wika sa sarili ko nang maalala ang salitang binitawan ni Hades.

Dalawang buwan na ang lumipas pero wala pa rin nagbabago ang pakikitungo namin ni Hades sa isa’t isa, he's still giving me a frozen affection.

Altair 1: Karma Where stories live. Discover now